Chapter1- WALA NA AKONG BABALIKAN
⚠ BABALA SA MGA MAMBABASA ⚠
Ang kwentong ito ay naglalaman ng maseselang tema, explicit na eksena, at malalaswang pananalita na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18 pababa.
❌ Bawal sa menor de edad.
❌ May matinding SPG content.
❌ Hindi ito para sa sensitibong mambabasa.
⚠ Read at your own risk. ⚠
Kung hindi ka kumportable sa ganitong uri ng kwento, maaari mong ihinto ang pagbabasa ngayon. Ngunit kung gusto mo ng isang matapang, daring, at mapanuksong istorya ng pag-ibig at pagnanasa—handa ka na bang pasukin ang mundo ni "My Hottie Boss My Enemy"?
..............
BLURB
“Sir, huwag!” pigil ni Kristelle habang pilit niyang itinutulak ang sarili palayo sa lalaking nasa ibabaw niya.
Ngunit huli na ang lahat.
Dahan-dahang bumagsak ang luha sa mga mata niya habang nakatitig siya kay Adrian—ang boss niya… ang lalaking minsan niyang pinahiya.
Matalim ang tingin ni Adrian, malamig ang boses na parang wala siyang emosyon.
“Don’t tell me natatakot ka pa sa’kin, Kristelle,” malamig niyang sabi. “I know you’re not a virgin anymore. Sa dami ng manliligaw mo noon… hindi ba’t kahit isa sa kanila, may natikman ka?”
Parang sinaksak si Kristelle sa sakit ng mga salitang iyon.
Isang iglap, nanlabo ang paningin niya sa galit at hiya. Walang pag-aalinlangan, sinampal niya si Adrian nang malakas.
Sandaling katahimikan.
Ngumisi si Adrian—hindi dahil nasaktan, kundi parang lalo siyang natuwa.
“Still the same,” malamig niyang sabi. “Ang bilis mo pa ring magalit.”
Dahan-dahan siyang lumapit muli, mas mababa ang boses, mas mapanganib.
“Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin ako magustuhan, Kristelle?”
Huminto siya, saka malamig na ngumiti.
“Wag kang mag-alala. Every time na sinusunod mo ‘ko… may kapalit ‘yan. Malaki.”
Hinawakan niya ang baba ni Kristelle, pinipilit itong tumingin sa kanya.
“So you better do everything I want… as my girlfriend.”
Sandaling tumigil siya, saka mas malamig na bumulong.
“Ah, tama pala. My fake girlfriend.”
...….....
Kristelle Pov
Hindi ko na maalala kung ilang beses akong umiyak mula nang ilibing si Papa.
Parang nauubos na ang luha ko… pero mas masakit pala kapag wala ka nang mailabas. Yung bigat, naiipon lang sa dibdib mo.
Katatapos lang ng libing niya.
Tahimik na ang lahat. Wala na ang mga taong nakiramay. Wala na ang ingay. Ako na lang… at ang katahimikan na parang unti-unting sumasakal sa’kin.
Kasama ko ngayon si Attorney Conrado Delos Santos, ang matalik na kaibigan ni Papa.
“Kristelle,” mahinahon niyang tawag.
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya—parang may sasabihin siyang sisira lalo sa mundo ko.
“May mga bagay na kailangan mong malaman.”
Humigpit ang hawak ko sa palda ko.
Akala ko… kahit papaano, may naiwan si Papa para sa’kin. Isang bagay na pwede kong panghawakan ngayong wala na siya.
Pero mali pala ako.
“Walang naiwan na ari-arian ang ama mo,” diretso niyang sabi.
Parang may humampas sa’kin.
“Sa katunayan… puro utang ang iniwan niya.”
Hindi ako agad nakapagsalita.
“U-utáng?” mahina kong tanong. “K-kanino?”
Sandaling umiwas ng tingin si Attorney Conrado.
“Hindi mo muna kailangang malaman ‘yon.”
Napakunot ang noo ko. “Pero paano ko mababayaran kung hindi ko alam kung kanino?”
“Bayad na ang karamihan,” sagot niya.
Mas lalo akong naguluhan.
“Kung ganon… ano pa yung natitira? Magtatrabaho ako. Kahit anong trabaho, papasukin ko. Babayaran ko lahat.”
Tumingin siya sa’kin—seryoso, mabigat.
“Malalaman mo rin sa tamang panahon, Kristelle.”
Parang may tinatago siya.
At mas nakakatakot ‘yon.
“Gusto kitang tulungan,” dagdag niya. “Pwede kang sumama sa’kin. May matitirhan ka—”
Bigla siyang tumigil.
Parang may naalala.
Dahan-dahan siyang umiling.
“Pero… baka madamay ako sa problemang kinakaharap mo.”
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—yung pagkawala ni Papa… o yung unti-unting paglayo ng lahat ng pwedeng kumampi sa’kin.
Sa huli, naglabas na lang siya ng pera at iniabot sa’kin.
“Gamitin mo muna ‘to.”
Tahimik ko iyong tinanggap.
“Salamat, Attorney,” mahina kong sabi.
Ngumiti siya… pero hindi umabot sa mga mata niya.
At sa sandaling iyon, doon ko tuluyang naramdaman—
Wala na talaga si Papa.
At kasabay niyang nawala… ang buhay na nakasanayan ko.
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng apartment.
Ito ang huling lugar na matatawag kong bahay.
Dito kami tumira ni Papa. Dito ko naramdaman na kahit papaano, may pamilya pa ako.
Pero ngayon… wala na rin ito.
Mahigpit kong hinawakan ang perang iniabot sa’kin ni Attorney Conrado.
Hindi sapat.
Alam kong hindi sapat.
Huminga ako nang malalim at pumasok.
Pero bago pa ako tuluyang makapasok, may humarang na sa’kin.
Si Guada, ang may-ari ng apartment.
Nginitian ko siya kahit pagod na pagod na ako.
“Ma’am Guada, magbabayad na po ako—”
Hindi pa ako tapos magsalita, sinalubong niya ako ng matalim na tingin.
“Hindi ka na pwedeng tumira dito.”
Parang tumigil ang mundo ko.
“A-ano po?”
“May nakatira na sa unit mo,” malamig niyang sagot.
Napahigpit ang hawak ko sa pera.
“H-hindi po pwede. Magbabayad po ako, eto na—”
Ibinuka ko ang kamay ko para iabot ang pera, pero agad niya iyong inagaw kahit hindi pa ako handang bitawan.
Sinuri niya iyon, saka ngumisi ng bahagya.
“Kulang pa ‘to.”
Parang gusto kong lumuhod sa harap niya.
“Ma’am, pakiusap… magtatrabaho po ako. Babayaran ko lahat. Huwag niyo lang po akong paalisin.”
Pero kahit anong pakiusap ko, nanatiling matigas ang mukha niya.
“Umalis ka na.”
Tinawag niya ang isang lalaki.
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang makita kong bitbit nito ang mga gamit ko—at basta na lang ibinagsak sa harap ko.
Parang wala akong halaga.
Tahimik lang akong nakatayo.
Nakatingin sa mga gamit ko.
Sa natitirang buhay ko.
Bakit… bakit ganito?
Wala akong sinabi.
Wala akong lakas para makipagtalo.
Umalis ako.
Tahimik.
Hindi na ako lumingon.
Habang naglalakad ako papunta sa kalsada, pakiramdam ko babagsak na ako.
Nahihilo ako.
Hindi ko alam kung gutom, pagod… o dahil wala na talaga akong direksyon.
Patawid na ako nang bigla—
BEEEEEP!
Napahinto ako.
Isang itim na sasakyan ang muntik nang makabangga sa’kin.
Natulala ako.
Hindi dahil muntik na akong masagasaan…
Kundi dahil sa uri ng sasakyan.
Kahit noong mayaman pa ako… ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng kotse.
Huminto ito sa harap ko.
Bumukas ang pinto.
Isang lalaki ang bumaba—halatang galit.
“Are you insane?!” sigaw niya. “Gusto mo bang mamatay?!”
Napayuko ako agad.
“S-sorry po…” mahina kong sabi, kahit umiikot pa rin ang paningin ko.
Umatras ako para tumabi.
Pero bago pa ako makaalis—
May isa pang pinto ang bumukas.
At doon bumaba ang isang babae.
Maganda.
Elegante.
Pero may edad na.
Bigla akong kinabahan.
Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko.
Sa dami ng problema ko…
Huwag naman sana…
Huwag na sana itong paniningil ng utang.
Hindi ko na yata kakayanin.