THIRD POV. Hospital Room – Emergency Section Nagmamadaling isinakay si Desmon sa stretcher ng mga paramedics habang patuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang sugat. “Diyos ko, bilisan niyo! Dumudugo pa rin siya!” sigaw ni Honey habang tumatakbo kasabay ng mga nurses na nagdadala kay Desmon sa emergency room. Hinawakan niya ang kamay ni Desmon, nanginginig sa takot at pag-aalala. “Desmon, huwag mong ipikit ang mga mata mo, narinig mo?!” Humina ang hawak ni Desmon sa kamay niya. Nakangiti ito, kahit halata sa mukha ang sakit. “Tingnan mo ‘ko, Honey... Kahit sugatan, gwapo pa rin ako, ‘di ba?” “TANGANG ‘TO! ITO PA TALAGA ANG INIISIP MO?!” sigaw ni Honey, nangingilid ang luha. Ngunit bago pa siya makasagot, ipinasok na si Desmon sa loob ng emergency room. Honey’s POV Napahawak ako sa di

