bc

Taming the School Full of Arrogant

book_age16+
14
FOLLOW
1K
READ
possessive
kickass heroine
drama
tragedy
sweet
humorous
kicking
betrayal
friendship
slice of life
like
intro-logo
Blurb

All Girl school, isang public school kung saan nag-aaral ang mga babaeng may angking talino, talento at ganda, at may mga pangarap sa buhay. All boy school, isang private school kung saan nag-aaral ang mga lalakeng anak ng mga kilala at mayayamang tao. Mga lalake na walang ibang ginawa kundi ang magbulakbol at gumawa ng gulo.

Panu kung isang araw ay biglang magbago ang lahat? Panu kung ang dalawang paaralan na magkaiba ay biglang pinag-isa. Magiging maganda kaya ang resulta? o magiging magulo?

chap-preview
Free preview
Arrogant 1
Third Persons PoV Araw ng lunes. Unang araw ng panibagong taong ng pasokan. At dahil unang araw nga ay nag-mamadali halos lahat sa pagpasok sa skwela. Karamihan sa mga mag-aaral ay naglalakad o di kaya'y nagbibisikleta. Nakasuot ng maganda ngunit murang uniporme. Binabati ang bawat kamag-aral na nadaraanan. Ito ay ordinayong tanawin para sa mag-aaral ng Evangelist High School. Pam-publikong paaralan para sa mga babae. "Good Morning." bati ng isang babae sa isang estudyanteng dumaan sa mismong gate ng campus. Lahat ng mga mag-aaral ay sinasalubong nya at binabati. At kasama nya ang isa pang babae. "Good Morning, Miss Pres." bati nang isang batang babae. "Badtrip. Ayoko talaga kapag unang araw ng pasukan." bulong nung isang babae. "Wala tayong magagawa, student council president ako at vice-pres ka naman. Kaya tayo nandito." bulong nya sa katabi saka nginitian ang babaeng dumaan at binati. Napabuga nalang nang hangin ang huli, "sabagay, ginusto natin 'to e, kaya no choice." Nang makapasok na ang lahat ay saka nagsimula ang flag ceremony, kasunod nito ang morning exercise at pagkatapos ay ang announcement na ginawa Dean ng paaralan. Masaya nitong binati ang bagong pag-pasok ng mga bagong mag-aaral ng EHS at iba pang anunsyo. Pag-katapos ng anunsyo nang Dean ay saka naman nito ibinigay ang mikropuno sa student council President. Kasama nito ang pito pang meyimbro ng student council. "Good Morning students. I am Karisha Olivares, your Student Council President. Please to meet you." panimula nito sabay tingin sa mga bagong mukha na nasa iisang pila, "I would like to welcome our new students. From this day forward, I will assure you all that you'll be enjoying your stay here in Evangelist High School. Sisiguraduhin namin hindi kayo magsisisi na pinili nyo ang paaralang ito. Nakasisiguro kayong magiging maayos ang inyong pag-aaral dito. Public school lang 'to pero hindi ibig sabihin nun hindi na magagaling ang mga mag-aaral na naririto. We can excel in different aspect, not only in academic performance but also in sport, that's why we became a threat to other schools. Kaya nating makipagsabayan sa private schools and that is what we must be proud of. Hindi basehan ang dami ng pera para makapag-aral, basta't nagsusumikap ka makakapagtapos ka. Yun lang. Once again, welcome to Evangelist High School. Enjoy your stay, and you may now proceed to your respective classrooms. Thank you." Sabay-sabay na nag-alisan ang lahat at nasipuntahan sa kanya-kanyang classroom. Yung ibang seniors ay sinasamahan yung mga freshmens sa building nila. "Aaaaaah! Inaantok ako." biglang sabi ni Karisha habang nag-iinat pa. Sabay-sabay naman silang naglakad pabalik ng opisina nang student council para kuhanin ang kanya-kanyang gamit. "Miss Pres. Kailan tayo mag-ielect nang first year representative?" biglang tanong nung kanilang Secretary nila. "Mm. Next week siguro." sagot nya dito. Napatango nalang ang mga kasama. Pagkatapos makuha ang mga gamit ay kanya-kanya naman silang punta sa kanilang klase. Samantala sa kabiling school... "Where is your Student Council Officers?!" tanong nang isang matanda na nasa harap ng buong mag-aaral ng Ignacio International High School, isang all boys school. Naka business attire ito at prenteng nakaharap sa mga ito. Lahat ng kalalakihan ay napatingin sa matanda pero halata sa mga itsura nito na wala silang pakialam sa kung anu man ang sinasabi ng matanda sa harap. "Malaaaaaay." sagot nang nasa harap. "Baka nandyan. Sa tabi-tabi." sabi pa nang isa na abala sa hawak nitong cellphone. Nagsitanguan naman yung iba habang ang karamihan ay may kanya-kanya ginagawa. Napahilot ng sintido ang matanda, ang mukha ay halos mamula na sa pag-pipigil na magalit. Ibinuka nito ang bibig at akmang magsasalita na ulit nang biglang may lumapit sa kanya na isang lalaki. "Nandito na sila President Valquez." anito sabay tingin sa gate ng campus. Napatingin ang lahat halos sa mga bagong dating. Nasa gitnan nito ang isang lalaki na parang walang pakealam sa nasa paligid. Maangas ang dating at nagsusumigaw sa buong katauhan ang salitang gwapo. Ang buhok ay kulay abo na medyo magulo. Sa kaliwa nito ay ang kagaya nito na gwapo at malakas ang dating. Tudo makangiti na para bang artista. Ang buhok ay kulot na magulo at kulay lupa. At kasama ng dalawa ang pito pang meyimbro ng student council. "Mr. Villarin! Where have you been?! Alam mo namang first day ngayong araw sa panibagong taon ng pasukan, bakit kayo late?!" sigaw ni President Valquez. Tiningnan lang sya nito bago naglakad paakyat sa isang stage at humarap sa mga mag-aaral. "My name is Valkary Villarin. Your Student Council President, remember my name and position, because here, I am the law. Never question my rules, never question my actions 'coz you're just a mare pawn in my hand. That's all, welcome freshmen." walang bahid na emosyong sabi nito. Bumaba ito ng intablado at naglakad papuntang opisina nang student council. Sumunod naman ang mga kasama nito. Habang si President Valquez ay napailing nalang kasama ang ilang guro. "Students. Please proceed to your respective classrooms. Freshmens? Kindly follow Mr. Josol, he will lead you to your rooms. Thank you." sabi ni President saka bumaba ng intablado at nagtungo ng opisina. Hihilot-hilot ang noong naupo ito sa swivel chair. Napabuntong hininga ito at dumapo ang mga mata sa folder na naka patong sa office table. Binuklat nya ito saka binasa. "Ito na siguro ang panahon.." anito sa sarili at pinakatagalan ang pagtingin sa dokumento. - Sa pagtatapos ng araw ay kanya-kanyang uwi ang mga mag-aaral ng Evangelist High School. Karamihan ay nag-lalakad pauwi, yung iba naman ay may sariling bike na syang ginagamit na transportasyon. Samantala, ibang-iba naman ang sitwasyon sa kabilang school, ang Ignacio ay may sariling mga sasakyan ang mag-aaral. Malayong-malayo sa kasimplehan ng mga mag-aaral sa Evangelist. "Bye Kira, see you tomorrow." Paalam ni Karisha sa kaibigan na kagaya nito ay student council officer. Sumakay sya sa bike nya. Sumakay nadin si Kira sa bike nito at nakipag-fist bump pa sa kaibigan. "Bye! Bukas nalang ulit. Bye guys!" kumaway pa ito bago nag-simulang paandarin ang bike. "So paanu. Bukas nalang ulit," paalam nya pa sa ibang kaibigan. "Sige miss Pres. Ingat." sabi nang auditor nila. "Bye Miss Pres." "Bye guys. Ingat sa pag-uwi." paalam nya sa mga ito at nagsimula narin sya sa pagpadyak. Tahimik at maingat nyang binabagtas ang daan pauwi ng bahay. Napapahinto kapag may mga sasakya sa unahan. At nagpapatuloy kapag lumuluwag na ang daan. "Mmm. Mmm. Baby its you.. you're the one I need-- ay pitom'put puting puta!" sigaw nya nang biglang may sumagi ng bike nya. Natumba sya sa kalsada kasama ang bike nya. Habang yung puting kotse ay nahinto sa harap nya. Mabilis tumayo at nilapitan yung kotse. Kinatok nya ang bintana nito na kaagad din namang ibinaba. "Muntik mo na akong masagasaan!" sigaw nya kahit hindi pa man nito tuluyang naibaba ang salamin ng bintana. Nang tuluyan na nitong naibaba ang salamin ng bintana ay tumambad sa kanya ang gwapong lalaki na may kulay pulang buhok at magulo. Tiningnan sya nito na parang walang pakialam. "It's not my fault, you're blocking the way." walang gana nitong sabi. Napamaang naman sya dahil sa sinabi nito, "Excuse me? I am not blocking the way! FYI lang Red head, ikaw 'to biglang dumaan sa harap ko!" asik nya dito. Mas nainis sya nang parang wala lang sa lalaki yung sigaw nya. Badtrip. Ang tigas ng mukha ng isang 'to. Nakapamewang sya sa tabi nito, at matiim na nakatingin dito. Gwapo sana kaso nakakabadtrip ang ugali. "O, anu yan?" taka nyang tanong nang bigla syang abutan nito ng pera. Isang libo? Hindi, limang libo. Tiningala sya nito pero wala paring reaksyon sa mukha, "Isn't it obvious? Its a money. Alam kong ginagawa mo 'to para sa pera, so yeah I'm giving you this. Take it." at nginisihan sya nito. Nakaka insultong ngisi. Pakiramdam nya umakyat ang lahat nang dugo nya sa ulo. Pagak syang napatawa, "Ang galing. Anak mayaman ka siguro, ay mali anak mayaman ka nga. Magarang sasakyan, maraming pera sa bulsa at wallet, mapag-mataas at antipatiko. Mayabang! Sayo na yang pero mo, hindi ko kailangan ng perang hindi mo naman talaga pinag-hirapan! Perang hiningi mo lang rin sa mga magulang mo!" Sigaw nya saka mabilis na sinipa ang gulong nito. "Hey!" sigaw nito. "O bakit? Sipa lang yan, mayaman ka diba? Makakaya mo yang papalitan. Tsk." naglakad sya pabalik sa bike nyang nakatumba parin. Inayos nya ito saka sya sumakay doon. Bago sya umalis ay nag-dirty finger muna sya dito at halatang nagulat ito sa ginawa nya. Saka sya tuluyang umalis. "Badtrip. Buti nalang di nasira 'tong bike ko." bulong nya saka nagpatuloy sa pagba-bike hanggang sa makarating sya nang bahay. "Pambihira naman." bulong nya nang maabutang may nag-iinuman na naman sa bahay nila. "Nag-hihirap na nga inom pa ng inom. Leche." Isinandal nya yung bisikleta nya sa dingding nga munting bahay na pinagtagpi-tagpi. Saka sya pumasok ng bahay kung saan maliit na sala kaagad ang mabungad at doon nag-iinuman ang mga kaibigan ng tatay nya. "Oh. Andito na pala ang anak ko." halata sa pananalita nito ang tama ng alak. Lumapit sya dito saka inabot ang kamay para mag-mano. "'Nak, may kaunting pera ka ba dyan?" tanong nito. Napabuntong-hininga sya, "Wala 'tay. Naibigay ko na kay Nanay." sabi nya. "Tsk anu ba yan! Ganyan ka na ngayon?! Maski maliit na pera di mo na ako mabigyan?!" Umatras sya nang ambaan sya nito ng batok. "Tay! Naibigay ko na ho lahat ng kinita ko sa trabaho! Wala na nga ho akong panggastos para sa pag-aaral ko." matigas nyang sabi kahit gusto na nyang umiyak sa sama ng loob. Tinignan sya ng masama nito, "Yan! Ang lakas ng loob mong magsalita porket nakapag-aral ka na ng high school! Ang yabang-yabang mo!" sigaw na naman nito. Hindi alintana kahit may nakakarinig. Pigil ang sariling nag-lakad sya papuntang kusina. Nanduon ang kapatid na lalaki, nag-luluto ng talbos ng kamote. Labim-apat na taong gulang na ito, at pareho silang nag-aaral sa isang pang-publikong paaralan. "Bryan." tawag nya dito. Lumingon naman ito, "ate.." "Si nanay?" tanong nya saka nagtungo sa kwarto nilang dalawang magkapatid. Nag-palit sya ng damit saka lumabas ng kwarto. "Ang sabi ni Nanay may pupuntahan daw syang gusto magpalaba." anito. Napabuntong-hininga sya, "Anu, ayos ka na dito? Aalis na ako." paalam nya. "Sige ate. Ako na ang bahala dito. Pumasok kana sa trabaho mo." nginitian sya ng kapatid kaya nginitian nya rin ito. "Osige. Alis na ako." nagpaalam narin sya sa kanyang tatay. Gamit parin ang bisikleta ay pumasok sya sa trabaho. Ala sais ng gabi hanggang alas dose ng madaling araw ang trabaho nya, sa isang bar. At pagkakatapos ng trabaho ay dideretso ng uwi saka gagawa ng assignment pagkatapos ay saka lang sya matutulog. Kung minsan ay hindi na nya nagagawang kumain kakagaling ng trabaho. Sa umaga naman ay tanging kape lang ang iniinom nya saka sya papasok ng eskwela. "Kaya ko 'to. Malalampasan ko rin 'to." sabi nya saka nagpatuloy sa pagpapadyak ng bisikleta.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.6K
bc

His Obsession

read
105.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
285.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook