Nang tingnan ko sila papa at mama ay ngiting-ngiti sila. Although part of me know that they wanted this to happen pero hindi ko ito inaasahan ngayon, especially not in this place. I was expecting na sa-saklolohan nila ako and be by my side kahit na ngayon lang. But to may dismay and which really made me even angrier was the fact na pati sila, pati ang sariling mga magulang ko, iniwan ako sa ere sa oras na kailangang-kailangan ko sila.
Nadagdagan ang isang luha na pumatak sa mata ko, now my eyes are pouring rivers of tears. Tears of hatred and tears of sadness. Nang tingnan ko ang lahat ng naka-paligid sa akin, lahat ng mga pares ng mata ay halatang maligaya at masaya, I can’t help but to feel sorry for myself. Awang-awa ako sa sarili ko ngayon. It is as if ako lang sa loob ng malaking bahay na ito ang malungkot ngayon habang ang lahat ay opposite ng nararamdaman ko.
I felt betrayed. I felt that the whole world betrayed me. Labis akong nasasaktan ngayon dahil pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng lahat. Pinagkaisahan nila ako. Na maging ang sariling mga magulang ko ay pinagkaisahan ako. It felt sickening. I wanted to vomit in front of everyone right now dahil hindi ko masikmura ang mga nangyayari sa akin ngayon.
Para akong isang ibon na binalian ng pakpak para hindi makalipad. Na nilagay sa isang gintong hawla para magsilbing display. Na walang kalayaan na lumipad at lumayo at maging malaya. Dahil bukod sa gintong hawla kung saan ako nakakulong ay may lubid pang nakatali sa aking paa.
I hate it. I hate this. I am sick and tired of this crap. I am so sick and tired of being a puppet na kumikilos lang at gumagalaw dahil sa puppet master nito. Masahol pa ang feeling ko ngayon sa isang alipin, mas mababa pa ako sa isang alipin right now na walang pwedeng ibang gawin kung hindi ang sundin ang bawat pag-utos sa akin.
I felt Oliver’s hand squeezing mine tightly. There is something about the way he squeezed my hand kaya napa-balik ako ng tingin sa kanya. His face registers boredness and agitation and there is anger in his eyes. Halatang nagtitimpi lang siya ng galit ngayon dahil ayaw niyang mapahiya siya sa mga bisita niya. Pero kung siguro ay nasa ibang lugar kami at wala ang mga tao ngayon sa paligid namin ay kanina pa ito nagtaas ng boses sa akin at kanina pa ito nagmura. Kanina pa siguro lumabas ang mala-dragon niyang ugali.
“I am sorry.” mabilis na hinila ko ang aking kamay at dali-dali na humakbang palayo kay Oliver, palayo sa lahat. Hindi ko ininda ang kahihinatnan ng aksyon na ginawa ko. Hindi ko na naisip ang posibleng galit ng mga magulang ko sa ginawa kong pagpapahiya sa kanila ngayon.
“Jillian!” hindi ko pinansin ang tawag ni papa sa akin. Mabilis ang lakad na lumabas ako ng mansion at dali-daling nagtungo papunta sa gate. Patuloy ang paglandas ng mga luha ko.
I need to get out of this place. I need to escape from this prison. Kailangan kong makalayo sa impyerno na lugar na ito at ilabas ang sama ng loob ko na naipon sa loob ng maraming taon.
Tuloy-tuloy lang akong maglakad dahil bihira ang may dumaan dito sa taxi mula sa labasan. Mukhang nakikisama ang langit sa aking pagdadalamhati dahil minuto lang mula ng makalabas ako ng gate ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. I didn’t care if I was soaking wet, I didn’t care if I looked like a mess while my dress was dripping. Isa lang ang nais ko sa ngayon, yun ay ang makalayo sa lugar na ito at makalayo sa mga taong sumasakal sa akin.
Mahaba-haba na ang nilakad ko pero parang walang katapusan ang daan. Huminto ako sandali upang huminga. Sumandal ako sa isang sasakyan na nakaparada at madiin na pinikit ang aking mga mata.
I hated this part of my life. I don’t know how these turmoils started but I hated how my life is heading now. Sawang-sawa na ako sa itinatakbo ng buhay ko. Paulit-ulit na lang na ganito. Na sinusubo sa akin ang pagkain na ayaw ko, na sinusuot sa akin ang damit na hindi ko gusto at dini-dikta ang mga dapat kong gawin na labag sa kalooban ko.
Bigla akong napadilat ng may isang kamay ang basta na lang marahas akong hinila. Nang makita ko kung sino ang may-ari ng kamay na ito ay nanumbalik ang poot at matinding galit sa sistema ko. Those pair of eyes that are staring sharply at me ay sinuklian ko rin ng galit na titig.
“How dare you humiliate me in front of my guests! How dare you humiliate me in front of my parents!” bago pa ako makasagot ay isang malakas na sampal ang naranasan ko sa kamay ni Oliver.
I quickly pound his chest habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Pilit kong kumawala sa hawak niya pero mas hinigpitan niya pa ang kapit sa pulso ko na tila ba isang bakal na kadenang nakagapos sa akin.
“ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPAKITA PA SA AKIN, OLIVER! ANG KAPAL RIN NG APOG MONG SUNDAN AKO AT SAKTAN! MATAPOS MO AKONG IPAHIYA SA HARAP NG MARAMI AT SA HARAP PA MISMO NG MGA MAGULANG KO, AY IKAW PA ANG MAY GANANG MAGALIT NGAYON? HOW DARE YOU TOO!” isang sampal ulit ang nag-landing sa pisngi ko, mas malakas kaysa sa una. Basta na lang niya akong sinalya sa sasakyan. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi sa likod ko.
“ITONG TATANDAAN MO, JILLIAN! WALANG SINUMAN ANG PWEDENG GUMAWA SA AKIN NG KAWALANG-HIYAAN NA GINAWA MO! WALANG SINUMAN ANG PWEDENG MAGPAHIYA SA AKIN! NOT IN MY TERRITORY AND NOT ELSEWHERE! ISA KA LANG DAGA KUNG IKUKUMPARA SA AKIN NA AGILA! LUMUGAR KA KUNG SAAN KA NARARAPAT!” sa mga sinabi niya ay mabilis na lumapat sa pisngi niya ang palad ko.
Galit na galit ako sa taong ito. Sukdulan hanggang langit ang galit ko sa kanya. Mas dinagdagan lang niya ang pagkapoot ko sa kanya. Mas dinagdagan lang niya ang galit ko para sa kanya sa ginawa niya sa akin ngayon.
‘I HATE YOU, OLIVER IMPERIAL! I REGRET THE DAY I KNEW YOU! ISANG KANG HAYOP AT MAS MASAHOL PA SA HAYOP ANG PAG-UUGALI MO! NAKAKAHIYA KA! MALAS ANG MGA MAGULANG MO NA IKAW PA ANG NAGING ANAK NILA!” nanlalaki ang mga mata niya na tumitig sa akin. Bigla niya akong binitawan at hindi makapaniwala na tumingin sa akin.
Lalayo na sana ako sa kanya at iiwan siya but the minute I stepped a foot away from him, he instantly pinned me at the car and start harassing me. His filthy hand start to touched part of me na hindi ko pa kailanman pinawakan sa iba.
“Ito ba ang gusto mo, huh Jillian! Mukhang nagpapa-hard to get ka lang dahil alam kong gustong-gusto mo rin ako! No woman can resist my charm, not even you prinsesa ko!” marahas niya akong hinalikan habang kinulong ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko sa itaas ang aking ulo at ang isa naman ay nakahawak sa batok ko para hindi ko magalaw ang ulo ko. Nang bumaba ang bibig niya sa leeg ko at ubod lakas akong sumigaw.
“OLIVER! HAYOP KANG ANIMAL KA! SAKLOLO! TULUNGAN NYO AKO!” pero tila ba tinalo ng lakas ng ulan ang mga daing at sigaw ko.
“KAYANG-KAYA KITANG ANGKININ NGAYON KUNG GUGUSTUHIN KO, JILLIAN! NAPAKASARAP MO MALAMANG!” agad niya akong binitawan at tiningnan ako ng may pagnanasa. Bigla kong tinakpan ang dibdib ko dahil bakat na bakat ang panloob ko sa basang damit ko. “Nakakapang-init ka ng laman, Jillian.” diniin pa niya ang sarili sa akin habang inaamoy ang basang buhok ko. “Pasalamat ka at may mga bisita ako ngayon na naghihintay sa akin dahil kung hindi, I can have you right here and right now. And I won’t give a damn kung dito sa magaspang na kalsada kita matikman.” He grinned devilishly as I trembled not with the coldness of the pouring rain but with tremendous fear of this devil beast in front of me. Nilukob ako ng matinding takot at kaba dahil alam ko na kayang-kayang gawin ng hayop na ito ang mga sinabi niya and what’s worse ay wala akong kalaban-laban sa kanya kung sakali man. Hinaplos niya ang gilid ng pisngi ko na agad kong iniwas. Napatawa pa siya ng malakas bago dumistansya sa akin. “Soon. That will happen soon. Magiging akin rin yan sa tamang panahon. Matitikman rin kita sa takdang panahon, mahal kong Jillian. Na kahit ayaw mo at labag man sa kagustuhan mo, maa-angkin kita.” tiningnan niya muna ako ulit mula ulo hanggang paa bago nagsimulang maglakad palayo sa akin ng humahalakhak.
The minute he was far from me at mag-isa na lang ulit ako ay bigla na lang akong napasalampak sa kalsada habang patuloy na umiiyak at nanginginig sa takot. Hinayaan ko ang mga patak ng ulan sa akin, kahit nilalamig na ako sa nipis ng bestida na suot ko ay pinagsa-walang bahala ko ito. Iyak lang ako ng iyak at awang-awa ako sa sarili ko.
Nang mahimasmasan ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang dulo ng kalsada kung saan ako nag-abang ng masasakyan. Pagdating ng bahay ay agad akong nagtungo sa aking silid para makakuha ng pamalit bago nagpunta sa banyo. Marahas kong kinuskos ang katawan ko ng basang tuwalya na may sabon. I want to remove the stains that Oliver had touched. Kasama ng matinding galit ko sa kanya ay ang pandidiri ko sa ginawa niya sa akin.
Nagkulong lang ako sa silid ko pagkatapos. Hindi pa rin natigil ang pag-iyak ko habang yakap-yakap ko ang mga tuhod ko sa ibabaw ng kama ko. Sadyang walang-hiya talaga ng taong yun. Napakasama niya. Pwede ko siyang sampahan ng kaso sa ginawa niya sa akin kanina. Pwede ko siyang kasuhan sa kalapastanganan niya. Pero alam ko na hindi ako kakampihan ng mga magulang ko. Alam ko na hindi sila papanig sa akin kung sakali man dahil mga diyos ang babanggain namin.
Napadako ang paningin ko ng may marahas na katok sa pinto ko. Ilang malalakas na katok sa pinto ang narinig ko bago ako nagpasya na tumayo para pagbuksan ito. Si papa ang bumungad sa akin. Hindi na ako nagulat sa talim ng mga tingin niya sa akin, pero ang mas ikina-gulat ko ay sa unang pagkakataon ay sinaktan niya ako ng pisikal.
“MARIO!” mabilis na hinawakan ni mama ang braso ni papa habang hinaplos ko ang pisngi kong nangangapal dahil sa sampal na ginawa sa akin ni papa.
“HUWAG KANG MAKIALAM DITO, MARITES! TUTURUAN KO LANG NG LEKSYON ITONG MAGALING MONG ANAK!” napa-atras ako ng basta na lang pumasok si papa sa loob ng silid ko. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata niya bagay na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. “BAKIT MO GINAWA ANG BAGAY NA YUN! HUH JILLIAN! BAKIT? BAKIT GUMAWA KA NG EKSENA SA BAHAY NG MGA IMPERIAL GANON SINABIHAN NA KITA BAGO PA! PINAHIYA MO KAMI, JILLIAN! ANONG MUKHANG IHAHARAP NAMIN NGAYON KILA SIR FERNANDO AT KAY MAM CAROLINA! PINAHIYA MO ANG KAISA-ISANG ANAK NILA SA MISMONG KAARAWAN NITO! HINDI MO NA INISIP KAMI NG MAMA MO! HINDI MO NA NAISIP ANG KAHIHIYAN NA INABOT NAMIN SA PAG-ALIS MO AT PAGTALIKOD MO KAY OLIVER! PINAGMUKHA MO KAMING MGA TANGA SA HARAP PA MISMO NG MGA IMPERIAL AT SA MGA BISITA! PINAGMUKHA MO KAMING TANGA NG MAMA MO, JILLIAN!”
“Kayo ba naisip nyo ang kahihiyan ko, Papa? Naisip nyo ba ang sinapit ko sa harap ng marami? Hindi! Hindi nyo inisip yun dahil iniisip nyo lang ay ang kahihiyan na idinulot ko sa inyo ni Mama! Iniisip nyo lang ay ang sarili nyo at hindi ang sa akin! Ang mga nararamdaman ko, ang sakit ng nararamdaman ko ngayon ay hindi nyo kailanman inisip, Papa!” susugurin sana akong muli ni papa pero mahigpit siyang hinawakan ni mama sa bewang.
“Tama na, Mario. Tama na. Maawa ka sa anak natin. Maawa ka kay Jillian. Huwag mo siyang saktan, Mario.” umiiyak na awat ni mama kay papa.
“KAILAN KA PA NATUTO NA SUMAGOT? HUH JILLIAN! WALA KANG MODO KUNG SAGUTIN MO AKO! PARA KANG WALANG PINAG-ARALAN KUNG SAGOT-SAGUTIN MO ANG AMA MO!” nanginginig sa galit si papa. Tinitigan niya ako ng masama na buong buhay ko ay hindi ko nakita sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay marahas niyang hinawakan ang dibdib niya at piniga ito na mas kinatakot ko at pinangambahan.
“PA!” mabilis ko siyang nilapitan ng napaluhod siya sa sahig. Bakas sa mukha niya ang hindi maipinta na sakit.
“MARIO! KUMUHA KA NG TUBIG JILLIAN! DALIAN MO!” dali-dali akong tumakbo palabas ng silid ko. Pagbalik sa loob ay agad namin pinainom ng tubig si papa. Nawala na ang galit sa mukha niya pero hindi ang sakit. “Dadalhin ka na namin sa ospital, Mario! Tumawag ka ng taxi Jillian!”
“Huwag na, Marites. Nanikip lang ang dibdib ko ng bahagya, ayos na ako. Nakakahinga na ako ng mabuti.” nahimasmasan ako sa narinig ko. Gumaan ang dibdib ko sa pag-aalala para sa kalagayan ni papa.
“Tulungan mo ako Jillian na dalhin sa silid namin ang Papa mo.”
“Huwag na. Kaya ko na, Marites.” nasaktan ako ng hindi ako tiningnan man lang ni papa at dire-diretso na lumabas sa tulong si mama.
Makalipas ang halos kalahating oras ay muling bumalik si mama sa silid ko. Bakas ang pagod niyang mukha. Tumabi siya sa akin sa kama bago huminga ng malalim.
“Gusto kong humingi ng tawad Jillian sa ginawang pagsampal sayo ng Papa mo.” malungkot na bungad niya. “Galit lang ang Papa mo kaya niya nagawa ang bagay na yun sayo. Huwag mo sanang isipin na hindi ka niya mahal dahil lampas langit ang pagmamahal namin sayo, Anak.” may tumulong luha sa mga mata niya kaya napaiyak narin ako.
“Sorry rin po Ma sa pagsagot ko kanina kay Papa. Nilabas ko lang po ang sama ng loob ko.”
“Naiintindihan kita, Anak. Pero sana ay naisip mo rin na may karamdaman ang Papa mo. Ayokong maulit ang noon na sinugod natin siya sa ospital dahil sa atake sa puso. Pareho ko kayong mahal ng Papa mo, Jillian. Kayo ang buhay ko at masakit sa akin na makita kayo na nag-aaway o nagkakasakitan.”
“Masakit rin po sa akin na sagutin ko si Papa, Ma. Pero hindi na po kinaya ng dibdib ko ang mga nangyari sa akin ngayong araw kaya nabuhos ko ang galit ko.” hinawakan niya ang isang kamay ko. “Muntik na po akong pagsamantalahan kanina ni Oliver, Ma. Sinundan niya ako ng lumabas ako ng bahay nila.” halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi niya.
“Baka naman may nasabi ka na hindi maganda sa pandinig Jillian kaya niya nagawa ang bagay na yun. Disenteng tao si Oliver. Disente ang pamilyang pinanggalingan niya at respetado sila. Hindi siya gagawa ng isang bagay na ikasisira ng pangalan nila kung walang nag-udyok sa kanya.” hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
All along ang akala ko kapag sinabi ko ang mga ginawa ni Oliver sa akin ay makukuha ko ang simpatya ng mga magulang ko. Akala ko ay magkakaroon na ng dahilan upang mabago ang mataas na tingin nila dito at hindi na sila gagawa pa ng paraan upang magkalapit kami. Pero nagkamali ako. Sa narinig ko na sinabi ngayon ni mama ay lumabas lang na pabor pa rin siya sa lalaking yun kahit pa nalaman niya ang kagaspangan ng ugali nito.
“Mama, sana po ay huwag nyo ng pilitin pa ako ni Papa na makipag-lapit sa kanya. Ayoko po sa kanya, Ma. Kahit pa siya ang maging may-ari ng mundo ay hinding-hindi ko siya gugustuhin na makasama lalo pa ang maging katipan niya.” narinig kong huminga ng malalim si mama bago pumikit ng madiin.
“Mahal ka namin, Jillian. Lahat ng ginagawa namin ng Papa mo ay para rin sayo at sa magandang kinabukasan mo. Sana ay makuha mo ang pinupunto namin na ang lahat ng ito ay para sayo. Walang magulang ang gugustuhin na maghirap ang kanilang mga anak pagdating ng araw. Walang magulang ang gustong makita ang mga anak nila na nahihirapan sa buhay. Ayaw namin na magaya ka sa iba na walang patutunguhan ang buhay kapag wala na kami, Jillian. Walang kasiguraduhan ang factory natin, Anak. Pwedeng isang araw ay mawala ito sa atin sa dami ng kakumpetensya natin. Hindi pa tayo stable talaga sa larangan ng negosyo. Hindi pa stable ang Lorenzano and Lorenzano Textile, Jillian. Kaya kailangan natin ang mga Imperial.” nakasimangot ako. “Kailangan natin sila para masiguro ang stability at paglago ng business natin. Kailangan natin sila para maging maganda ang hinaharap ng pamilya natin, lalong-lalo ka na.” napa-buntong hininga ako. “Anak, pag-aralan mong mahalin si Oliver. Nakita ko kanina sa kanya kung gaano ka niya kamahal. Hindi siya gagawa ng ganon bagay kung hindi. Pag-aralan mo siyang mahalin at huwag mong ilayo sa sarili mo sa kanya. Mahal ka niya, Jillian. Masaya ako bilang ina mo na may tao na kagaya ni Oliver na mahal ka. May mga pagkakataon na magaspang ang ugali niya pero ang pagmamahal niya sayo ay tapat at totoo. Ako na ang nagsasabi sayo, mahal ka nung tao. Yun ang pagtuunan mo ng pansin at hindi ang ugali niyang hindi mo gusto.” hindi ako naka-sagot sa sinabi ni mama.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo lang ay labag ang loob ko sa mga sinabi niya. Hindi ako sang-ayon sa mga salitang lumabas sa bibig niya tungkol sa Oliver na yun at tungkol sa negosyo ng pamilya namin. Mananatiling masama ang tingin ko sa kanya lalo pa sa ginawa niya kanina sa akin.
“Ewan ko, Ma.” may pait siyang ngumiti sa akin.
“Huwag sanang maging dahilan ng muling pag-atake sa puso ng Papa mo ang hindi mo pagsunod sa amin, Anak. Pag-isipan mo rin ang mga bagay na sinabi ko sayo. Alam ko na ayaw mong may masamang mangyari sa Papa mo at ayaw mo narin na mas lumala pa ang kalagayan ng puso niya. Kaya nakikiusap ako sayo, pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sayo. Huwag na natin hintayin pa na isugod ulit natin ang Papa mo ng dahil sa sama ng loob sayo.” tumayo na si mama ng hindi ako sumagot muli. Pero bago pa siya makalabas ng pinto ay muli siyang tumingin sa akin at nagsalita. “Sundin mo kami, Jillian. Ayokong mawala ang Papa mo sa atin at maliit na sakripisyo lang ang hinihingi namin sayo. Maliit na sakripisyo kumpara sa mga bagay na ginawa namin para sayo. Balang-araw ay matututunan mo rin mahalin si Oliver, huwag mo lang ilayo ang sarili mo sa kanya.” yun lang at lumabas na ito ng tuluyan.
Napahagulgol ako ng iyak sa huling sinabi ni mama. Maliit na sakripisyo para sa kanila ni papa ang makipag-lapit ako kay Oliver pero para sa akin ay malaking pasakit ito at paghihirap sa kalooban ko. Dahil ayaw ko sa kanya at ayokong magkaroon ng kahit anong relasyon sa kanya.
Paano ko magagawang makipag-lapit sa taong muntik na akong gahasain? Paano ko ilalapit ang loob ko sa taong magaspang pa sa liha ang pag-uugali? Paano ko siya magugustuhan kung sa unang kilala ko pa lang sa kanya ay pangit na agad ang first impression ko sa kanya? Kaya paano nasabi ni mama na maliit na sakripisyo lang ang lahat?
Mabuti sana kung mabuti ang kalooban niya at may respeto siya sa kapwa niya. Mabuti sana kung hindi siya mayabang at hindi malaki ang bilib niya sa sarili niya. Baka kung ganon pa siya ay pwede ko pang i-consider ang mga sinabi ni mama sa akin. Pero hindi eh. Malayo si Oliver sa mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Malayo ang character niya sa lalaking nais kong maging katipan at maging parte ng hinaharap ko. Malayong-malayo sa pangarap kong lalaki.
Buong araw akong nagkulong sa loob ng aking silid. Ni hindi ako kumain ng gabihan at hindi rin ako tinawag ni mama na sumabay sa kanila ni papa bagay na dinamdam ko. Kung noon ay masaya pa ako kahit dito lang ako sa loob ng bahay namin, ngayon ay biglang nagbago na ang lahat. Kung noon ay mas nanaisin ko na nasa bahay lang ako matapos kong pumasok sa factory, ngayon ay mas gusto ko na lang sa labas kaysa manatili dito sa bahay namin. Bigla sumikip ang tahanan na ito para sa akin. Feeling ko ay naging crowded bigla ang bahay namin at hindi ako makahinga ng maayos.
Para akong preso sa sariling pamamahay ko. Isang preso na walang laya na mag-isip para sa sarili niya at walang karapatan na mailabas ang saloobin niya. Ang hirap. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon dahil alam ko na hindi ko mababago ang pasya ng mga magulang ko. It is either I consider their demands on me or I go against them. Alin man sa dalawa ang piliin ko ay alam kong may malaking consequence akong kakaharapin. If I consider their demands on me at makipag-lapit kay Oliver, puso ko at sarili kong kalayaan ang isinuko ko sa laban. But if I will go against my parents' will at sundin ang gusto ko, kalusugan naman ni papa ang nakataya at ang negosyo ng pamilya namin.
Mahal ko ang mga magulang ko, mahal ko sila ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ayoko silang mapahamak kahit pa ang kapalit ay ang pansariling kaligayahan ko. Kaya labag man ulit sa akin, mananatili na lang siguro ako sa kulungan na ito at sasabayan ko na lang ng panalangin na sana ay may isang tao na magpapalaya sa akin sa gintong hawla na kinaroroonan ko.
—--’--,-’-{@