Chapter 5 -On Purpose

3708 Words
Masama ang loob ko sa parents ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang palagi ang nangyayari sa akin. I feel deprived of my true identity. I feel denied sa mga bagay na gusto ko para sa sarili ko. Feeling ko lahat na lang ng gusto ko ay walang halaga sa kanila. Palagi na lang sila ang nasusunod at palagi na lang sila ang nag-desisyon para sa akin. Pero hindi ako galit kila papa at mama, hindi ako kailanman pwedeng magalit sa kanila dahil maayos nila akong pinalaki at pinag-aral nila ako sa abot ng kanilang makakaya. Masama lang ang loob ko lalo na dito sa huling desisyon na ginawa ni papa. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na makapag-trabaho sa isang kilala at prestihiyoso na kumpanya sa ibang bansa. Matagal na panahon na inaasam ko ito at pinangarap. This is my dream job. I want to establish a name for myself at magamit ang pinag-aralan ko bilang chemical engineer pero mapupunta lang sa wala ang lahat ng binuhos kong oras at pagsisikap ng dahil lang sa isang birthday party. Kung meron man tao na ikinaka-init ng dugo ko ngayon, yun ay walang iba kung hindi ang Oliver Imperial na yun. Kung hindi dahil sa pag-pupumilit niya, which I am terribly sure na ginawa niya sa mga magulang niya, ay hindi sana mapupurnada ang lakad ko. Hindi sana ako naipit sa isang commitment na ayaw na ayaw kong mangyari. Dahil sa kanya ay nasira ako sa kumpanya na dapat sana ay mapapasukan ko. Nang dahil sa walang kwentang tao na yun na ang tanging iniisip lamang ay ang sarili niya ay sana nasa biyahe na ako ngayon papuntang Kentucky. I hated him. I hated him from the very beginning. I hated him mula ng araw na unang nakilala ko siya at nakita. Ang kayabangan niya, ang pagiging disrespectful niya for the feelings of others at ang pagiging hydrocephalus niya ay ang mga bagay na ayaw na ayaw ko sa kanya. Wala na siyang binigay sa akin kung hindi sama ng loob at sakit ng ulo. Dahil sa kanya ay nagulo ang mga plano ko. He connived with his parents for his own benefit na ang ending ay paghihirap ng kalooban ko at pagkasira ng future ko. That is why I hated him more than ever now. Kinasusuklaman ko siya. Kinasusuklaman ko ang pangalan niya. I regret even knowing him. Sana nga ay hindi ko na lang siya nakilala. Sana ay hindi na lang ako sumama sa gathering na yun noon ng mga college friends ko ng sa gayon ay hindi nag-krus ang mga landas namin. Kung hindi nangyari yun ay hindi sana magkaka-ganito ang mga magulang ko. I really don’t get it. Ilang taon ko ng iniisip at ilang beses narin sumakit ang ulo ko kaka-figure out kung bakit naging parang mga diyos ang tingin ng mga magulang ko sa mga Imperial. Hindi ko mawari kung bakit ganun na lang sila papa at mama kung tratuhin sila. The imperials were like gods to them. Kulang na lang ay halikan nila ang mga paa ng mga ito. Every word that the Imperial says ay sumasang-ayon sila. Every demands that family requested ay pinagbigyan nila even to the extent na sila ang kailangan na mag-adjust. Maayos naman ang takbo ng Lorenzano and Lorenzano Textile bago pa nila nakilala ang mga Imperial. Although maraming competition which is natural, yet still the factory manages to earn well sa kabila ng maraming competitors. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit. Wala naman sanang problema kung may mga tao na tinitingala ang mga magulang ko. That is part of life. I myself have lots of people who I looked up to pero hindi sa paraan na ginagawa ngayon ng mga magulang ko. I knew that my parents need the Imperials connection to a much bigger world pero sana lang ay hindi nila minamanipula ang mga taong nasa ilalim nila just to achieve their dreams in life. “Jillian?” napa-buntong hininga ako ng malalim ng marinig ko ang boses ni papa mula sa loob ng silid ko. “Anak? Tapos ka na ba?” padabog akong bumaba ng kama ko at mabigat ang mga paa na nagtungo sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay gulat pa na nakatingin sa akin si papa. “O bakit hindi ka pa bihis, Jillian? Anong oras na? Nakalimutan mo ba na ngayon ang birthday ni Oliver? Naka-dalawang tawag na si Mam Carolina at tinatanong kung anong oras tayo pupunta sa mansion nila.” muli akong nagpakawala ng malalim na huminga. “Kayo na lang po ang magpunta, Pa. Wala ako sa mood na makipag-socialize sa kanila. Tutal naman ay kayo po ang may gusto ni Mama na umattend sa birthday na yun, kayo na lang po ang magpunta.” walang gana kong sagot pabalik. “At ano? Mapahiya kami na hindi ka namin kasama, ganon ba Jillian? Gusto mo na mapahiya ang mga magulang mo sa mga Imperial at sa mga bisita ng pamilya nila?” sumimangot ako. “Bakit ba kasi kailangan ay kasama pa ako, Pa? Pwede po naman na kayo na lang ni Mama ang magpunta. Mag-dahilan na lang po kayo sa kanila. Sabihin nyo po na masama ang pakiramdam ko kaya hindi nyo ako kasama.” narinig ko ang pag-buntong hininga ni papa bago nito minasahe ang kanyang sentido. “Anak, hindi ka na bata para ulit-ulitin ko ang dahilan sayo. Ikaw ang gusto nilang makita doon. Ikaw ang gusto ng mga magulang ni Oliver para sa kanya. You should be happy dahil kilala at malaking tao ang mga Imperial. Bihira ang mga ganitong pagkakataon. Bihira ang mga kagaya ni Oliver Imperial na mataas ang estado sa buhay ang magkakagusto sa mga middle class na kagaya natin, na kagaya mo.” “But I hated him, Papa! Ni ayaw ko na nga siyang makita pa! Hindi ko siya gusto at kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan.” “Gawin mo na ito para sa amin, Anak.” napatingin ako kay mama na bigla na lang ay nasa tabi na ni papa. Nilapitan niya ako at hinaplos ang aking buhok. “Wala kaming hinangad kung hindi ang mabigyan ka ng magandang kinabukasan, Jillian. Wala kaming ginusto kung hindi ang mapabuti ka. Every parents want that for their children, Anak. Pagdating ng araw na wala na kami ng Papa mo ay alam namin na nasa mabuti kang mga kamay at maayos ang buhay mo. Hinding-hindi ka pababayaan ni Oliver. Mabubuhay ka sa paraan na marangya at hindi ka kailanman maghihirap. Sige na, Anak. Makikiusap si Mama sayo na pagbigyan mo na ulit kami. Para rin sayo itong ginagawa namin ng Papa mo. Lahat ng ito ay para sa kinabukasan mo.” Wala na akong nagawa ng tumingin sa akin si mama ng may pakikiusap. I hate this situation that I am into right now. As much as possible ay ayoko na nakikita at naririnig ang mga ganitong salita sa mga magulang ko, lalong-lalo na kay mama. I love them so much and hearing them begging me on something ay isang bagay na hindi ko gustong mangyari. Labag sa loob na tumango ako bago tumalikod. “Magbibihis lang po ako, Ma.” “Hihintayin ka namin sa sala, Anak. Wear something special dahil bigatin na mga tao ang mga maka-kaharap natin mamaya. Gusto ko na maging proud sila sayo.” yun lang ang huling sinabi ni mama bago ko narinig ang pagsara ng aking pinto. Habang nagbibihis ay may tumulong luha sa mata ko. I sadly looked at my reflection in the mirror. I never had the freedom of choice that I wanted. My parents didn’t gave it to me mula pa noong bata pa ako. It was always them. Siguro ay matitigil lang ito at makukuha ko ang kalayaan na nais ko kapag bumukod na ako sa poder nila. Maybe things will be a lot different once na makapag-sarili na ako. Siguro nga ay panahon na para gawin ko ang bagay na yun. Mamaya pag-uwi namin ay kakausapin ko sila papa ng masinsinan para sa plano kong pagbukod. I need space. I want space to breathe. Tuluyan na akong maba-baon sa pagiging tau-tauhan ko sa kanila kung hindi ako kikilos at magde-desisyon. Tama si Susana, tama ang best friend ko. Dapat ay noon ko pa ginawa ang sumama sa kanya sa apartment niya at bumukod. Living outside my parents roof doesn’t necessarily mean that I love them less. Gusto ko lang na maranasan ang mabuhay ng independent na dapat ay dati ko pa naranasan. Sa taxi pa lang ay hindi na mapakali sila papa at mama. Halata ang excitement sa mga mata nila, kabaliktaran ng sa akin. Kung sila ay hindi na makapaghintay na marating ang mansion ng mga Imperial, ako naman ay gusto ng bumalik ngayon pa lang sa bahay namin. Hindi naman ito ang unang beses namin na nakatungtong sa mala-palasyo na tirahan ng mga Imperial. This is our second time. Ang una ay noong birthday ni Tita Carolina na personal pa kaming inimbitahan sa bahay namin. “Maayos ba ang itsura ko, Mario?” sabay pa kaming napatingin ni papa kay mama na katabi ko. Ngitian ko siya dahil ang ganda-ganda ng ayos ni mama ngayon. Lahat kami ay naka-formal attire. Naka-long sleeves si papa habang naka-magarang bestida naman si mama, ako ay isang bestida rin ang suot na umabot lang ang laylayan sa tuhod ko. Kulay crema ito na bagsak ang tela at tinernuhan ko ng isang kulay puti na flat shoes. “Bagay na bagay sayo ang suot mo, Marites. Mas maganda ka pa ngayon sa anak natin.” buong paghangang sagot ni papa na ikinangiti naman ng malapad ni mama. “Excited na ako sobra. Siguradong maraming bisita ngayon si Oliver. Excited ka rin ba, Anak?” tumango lang ako. “Huwag mong kalimutan ang mga bilin namin sayo, Jillian. Pakitunguhan mo ng maayos si Oliver, birthday niya ngayon kaya nararapat lang na maging masaya siya sa araw na ito.” napatikwas ang isang mata ko sa sinabi ni papa. “Huwag kang magpakita ng kagaspangan sa kanya, Anak. At please lang, huwag kang gumawa ng eksena na ikakasira at ikakapahiya ng pamilya natin.” “Opo, Pa.” Sa labas pa lang ng mansion ng mga Imperial ay makikita na marami ng bisita ang nasa loob. Dikit-dikit ang mga naggagandahang at mamahaling mga sasakyan. Naririnig din mula sa labas ang malakas na tunog ng tugtog sa loob. Hinawakan ni mama ang kamay ko ng makababa kami ng taxi. Si papa naman ay nauna sa amin para kausapin ang mga guwardiya na nakatayo sa pagitan ng mataas na gate. “Ngumiti ka naman, Anak. Birthday ang pinunta natin ngayon at hindi isang lamay.” simpleng sabi ni mama na muling nagpa-tikwas ng isang mata ko. Pagpasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng isang kasambahay ng mga Imperial. Kinuha nito mula kay mama ang regalo nila para sa may birthday. Sa bungad pa lang ng pinto ay isang malakas na pagbati ang bumungad sa amin. “Mario! Marites! I am so happy to see you all here today!” mabilis na lumapit si Tita Carolina sa amin at niyakap si mama. “Bagay na bagay sayo ang suot mo, Marites. Mas lumabas ang angkin mong ganda sa bestidang suot mo ngayon.” “Salamat po, Mam Carolina.” “Pero wala ng mas gaganda pa sa nag-iisang anak nyo ngayon, Mario.” matamis na ngumiti sa akin si Tita Carolina na sinuklian ko rin ng isang ngiti. “So happy to see you here, Jillian.” niyakap niya rin ako ng mahigpit habang nakatingin sa amin ang mga magulang ko. Nang pakawalan niya ako ay hinawakan niya ang isang kamay ko dahilan para bitiwan ni mama ang isa ko pang kamay. “I bet my son will be drooling over you, iha. You look ravishingly gorgeous with your dress today.” puno ng paghanga na segunda pa nito. “Thank you po, Tita.” “How rude of me. Come in, please. Welcome again to our humble home.” hindi binitawan ni Tita Carolina ang aking kamay habang tumuloy kami sa loob. “Oh there’s Oliver! Oliver, Anak!” tinawag nito ang lalaking ni sa panaginip ay ayokong makita. Mabilis itong lumapit sa amin na may malapad na ngiti. Humalik muna ito kay mama at kinamayan si papa. Naiinis ako sa paraan ng pag-tingin niya sa akin ngayon. Tila ba ay hinubaran niya ako kung tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinago ko ang inis ko. “Happy birthday, Oliver.” mahinang pagbati ko na mas ikina-lawak pa ng ngiti niya. “I am really happier now that you are, my dear. You are the highlight of this occasion, Jillian.” lahat sila ay may ngiti sa mga labi habang ako ay nakasimangot sa loob ko. Nilipat ni Tita Carolina ang kamay ko sa kamay ni Oliver na mabilis naman nitong hinigpitan ng hawak. “Let’s leave our children alone, shall we? Nasa back garden si Fernando kasama ang ilang sa mga panauhing pandangal namin, Mario. Puntahan na muna natin sila para malaman ni Fernando na nandito na kayo.” Nakalayo na sila mama pero nakatuon pa rin ang mga mata ko sa kanila. Hindi ako makapaniwala na iniwan nila ako dito ngayon. Nakakainis talaga na maiwan ako na mag-isa kasama ang bwisit na lalaking ito. Pasalamat siya na birthday niya at bilinan ako ng mga magulang ko, dahil kung hindi ay nag-walk out na ako ngayon at umuwi na ng mag-isa. “You look so radiantly beautiful today, Jillian.” paos na bulong niya. Napa-usog ako ng isang hakbang pabalik ng maramdaman ko ang init ng hininga niya sa tenga ko. Bigla akong kinilabutan na literal na tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. “How I wanted to strip that dress you are wearing now.” tintigan ko siya ng masama pero pinigilan ko na sampalin siya sa harap ng mga bisita niya. “Kung ayaw mong mapahiya sa mga bisita mo ngayon ay ayusin mo ang pananalita mo, Oliver.” may pagba-banta na sagot ko. “Hahahahaha! I was just joking, Jillian! May araw para maganap ang bagay na yun, soon.” tumaas ang isang kilay ko. “Mas maganda ka talaga kapag nagagalit ka, my dear. Kaya gustong-gusto kitang ginagalit dahil mas lumalabas ang angkin mong kagandahan kapag seryoso ka at galit. So fierce yet so delicate and fragile.” nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil naiilang ako ng muli niyang hagurin ng tingin ang kabuuan ko. “Come, I’ll introduce you to my relatives and friends.” basta na lang niyang hinila ang kamay ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod ng lakad sa kanya. Habang pinapakilala ako ni Oliver sa mga kaibigan at kamag-anak niya ay kataku-takot na pakikipag-plastikan ang ginawa ko para lang makaharap sila ng maayos. Puro papuri ang namutawi sa mga bibig nila ng sabihin ni Oliver na ako ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay, na ang mga kagaya ko daw ang babaeng nais niya na maging asawa balang-araw. Nakahinga ako ng maluwag ng muli kong makita ang mga magulang ko kasama sila Tito Fernando at Tita Carolina. Sinamantala ko na may kausap si Oliver ng basta ko na lang hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mabilis na nilapitan sila mama. Maya-maya pa ay tinipon ang lahat ng bisita sa malawak na sala kung saan ay nakatayo ang elegante na cake ng birthday celebrant. Tito Fernando clicked his champagne glass to catch everyone’s attention. He was standing regally beside his wife while smiling widely in front of everyone. “First of all, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na nandito ngayon sa kaarawan ng nag-iisang anak ko na si Oliver. Time really flies so fast. Oliver is now 25 samantalang noon ay tanda ko pa na karga-karga ko pa siya.” nag-tawanan ang lahat maliban sa akin. “Oliver, son. Will you be so kind enough to grace us here in front please.” lumapit si Oliver at tumabi sa pagitan ng mga magulang niya. Inakbayan siya ni Tito Fernando bago tinaas ang hawak nitong champagne glass. “Cheers to you, Oliver! Happy birthday to my one and only and my most beloved son, Oliver Imperial!” lahat ng may hawak ng glasses ay tinaas ito at bumati rin ng happy birthday kay Oliver bago ininom ang laman ng mga baso nila. “Can I just have a few words, Dad?” “The floor is yours, Anak.” “First and foremost, thank you to each and everyone who are present today on this very special day of my life. I am indeed a very happy man today for seeing familiar faces and for having two very important persons with me.” tumingin muna siya kila Tito at Tita bago muling tumingin sa unahan. “Thank you Dad, thank you also Mom. My life wouldn’t be this wonderful without the two of you. Thank you dahil kasama ko kayo at binigay nyo lahat ang mga kailangan at luho ko.” muling napuno ng tawanan ang paligid. “Pero higit sa lahat ay gusto kong magpasalamat dahil naging anak nyo ako. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko nakilala ang isang babaeng hindi lang bumihag sa puso ko, but made me head over heels in love with her.” lahat ng mga mata ay tumingin sa gawi namin. Bigla akong nailang at the same time ay bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya. Tinitigan ko si Oliver ng matalim. Kahit kailan talaga ay wala na siyang dinulot sa akin kung hindi ang mailagay ako sa alanganin. I really hate him so much. Pasimpleng hinawakan ni papa ang braso ko na alam ko na kung bakit niya ginawa. My father wanted me to calm down and not to show any signs of retaliation towards this man now in front of us. Huminga ako ng malalim upang pigilan ko ang sarili ko sa namumuong galit muli sa puso ko para sa lalaking ito. “Pwede ba kitang yayain dito sa harap, Jillian?” naka-ilang simpleng tulak na sa akin si papa pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. “Sige na, Anak. Tawag ka ni Oliver sa unahan.” mahinang bulong ni mama sa akin. Ano ba kasi naman! Ayoko nga na pumunta ngayon, the more na ayokong magpunta sa unahan sa harap ng lahat ng bisita! Nakakainis talaga! Nakakainis ka talaga, Oliver! Ang galing rin ng timing mo ano! Siguradong pinlano mo ang lahat ng ito, bwisit ka! Mamatay ka na sana! Bumuka sana ang inaapakan mo ngayon at kainin ka ng lupa! “Jillian?” napadilat ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Tita Carolina. Nakatitig ang lahat sa akin. “I think she is just shy, Carolina. Why don’t you fetch her, Oliver.” turan naman ni Tito Fernando na sinunod naman ng huli. Pagka-tapat ni Oliver sa harap ko ay nilahad nito ang kamay sa akin. Hindi ko ginalaw ang kamay ko kahit pa nakatitig siya sa akin kaya nilapit niya ang ulo sa tenga ko bago may binulong. “Kapag hindi mo tinanggap ang kamay ko at sumama sa akin sa unahan, ipapasara ko ang factory nyo at sisiguraduhin kong gagapang sa hirap ang mga magulang mo.” puno ng pagbabanta na turan niya bago muli akong hinarap at ngumiti ng malapad na para bang wala siyang masamang sinabi sa akin. I castigated myself to slap him hard on the face. Napakasama mong talaga, Oliver Imperial! Wala kang kasing sama, animal ka! Pasalamat ka at mahal ko ang mga magulang ko! Pasalamat ka dahil hindi nila ako pinalaki na bastos kagaya mo! I reached for his hand that made him smile wider. Dinala niya ako sa unahan at iniwan kami doon ng mag-asawang Imperial. All eyes were at us. Hindi niya ako binitawan, hawak-hawak niya lang ang kamay ko. “I think our son has something to say for all of us to hear. Go ahead, Oliver. Say what you wanted to say.” turan pa ni Tito Fernando. “Hindi lingid sa knowledge ng mga parents ko and even to Jillian’s parents na may gusto ako sa babaeng ito. She is all I ever wanted. Actually, siya na lang ang kulang sa buhay ko. Several times have I asked her to be my girlfriend pero ilang beses niya rin akong hinindian.” napuno ulit ng malakas na tawanan sa paligid. “Hindi mo kasi ayusin ang pagtatanong, friend!” natawa rin si Oliver sa sinigaw ng isang kaibigan niya. “Kaya nga eh! So today, at my very birthday and this very special day of my life, I will again do what I did several times.” nanlalaki ang mga mata ko ng tumingin siya sa akin at bigla na lang lumuhod. “Jillian Grace Lorenzano, can you officially be my girlfriend?” biglang may tumulong luha sa mata ko. “Oh, she’s teary eyed. Nakakakilig naman! Para akong teenager na kinikilig ngayon, Fernando!” narinig ko pang komento ni Tita Carolina. Kung akala ng karamihan na kaya ako naiyak ay dahil sa labis na kaligayahan, nagkakamali sila. Naiiyak ako dahil sa labis na galit para sa taong hawak ngayon ang kamay ko at nakaluhod sa harap ko. He did this on purpose. This brute animal did this on purpose. Nilagay na naman niya ako sa alanganin sa harap pa mismo ng mga magulang namin para hindi ako maka-hindi sa kanya. Planado niya ang lahat ng ito. Tinaon pa niya na birthday niya at kaharap ang mga taong importante sa kanya. Napakasama talaga niya. Sagad hanggang buto ang kagaspangan ng ugali niya. Hindi na niya isinaalang-alang ang nararamdaman ko. Hindi na niya isinaalang-alang ang kahihiyan ko. Sobrang galit na nararamdaman ko ngayon na kung pwede lang na sipain ko siya ngayon ay ginawa ko na dahil sa kalapastanganan na ginawa niya sa akin. Ayoko nga na makasama ka, maging nobya mo pa kaya? Piping sabi ko sa isip ko. “I am waiting, Jillian.” tiim ang bagang na tinitigan ko siya bago humingi ng saklolo na tumingin sa mga magulang ko. —--’-,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD