Mabilis kaming nakarating sa location. Walang sinabi pero mukhang kabisado ni Raevan ang daan papunta rito. Walang dudang mabilis dahil halos lumipad na nga kami. Kung daanan ni Raevan ang mga sasakyan kanina sa kalsada, parang papel lang sila sa nipis. Binubusinahan na nga kami dahil naiinis siguro sila. Bigla-bigla kasing sumisingit si Raevan. Delikado ang ginagawa niya at gano’n din ang buhay naming dalawa. Illegal din ang ginagawa niya dahil over speeding na siya pero tuwang-tuwa pa siya. Samantalang ako, nanakit na ang lalamunan at nanlalamig dito sa inuupuan ko. Hinahabol ko pa ang hininga at kinakalma ang t***k ng puso ko. Halos hindi ko maramdaman ang mga braso ko at binti sa takot. Para akong tinangay ng malakas na hangin kahit nakasara naman lahat ng bintana ng sasakyan. Hindi k

