Malapit ng matapos ang movie. Malapit na rin akong sumalang sa sayaw mamaya sa kwarto. Kinakabahan ako na para bang tage ang sasayawan ko mamaya. Nakakakaba kahit si Raevan lang naman ang magiging audience ko. Kung sabagay, kahit hindi naman ako sumasayaw tapos nakatitig siya sa’kin kinakabahan na ‘ko. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit ko nasabi ‘yon. Nasa akin pa rin ang phone ni Van. Hindi ko pa rin binabalik dahil baka kunan niya ‘ko ng ebidensiya mamaya. Matapos ang movie ay kinuha ni Van ang remote. Agad ko siyang pinigilan nang akma niyang papatayin ang Tv. Nagtataka niya ‘kong nilingon. Puro cast na lang ang nasa screen pero nagkunwari akong interesado sa pinapanood. “Titignan ko kung anong pangalan ng bida,” wika ko dahil nagtataka pa rin siya. Binaba

