Agad akong bumitaw sa labi ni Raevan. Namamasa pa ang labi niya at namumula kaya hindi maitatanggi ang nakita ni Beth. Nahiya ako bigla at umayos ng upo. Si Raevan naman ay relax na relax pa at parang walang nakakita. Umupo pa siya sa gilid ko. Namumula tuloy ang mukha ko sa hiya dahil nahuli kami sa akto. Nakapikit pa ‘ko no’n. Gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako sa mga oras na ‘to. “May kukunin ka ba, Beth?” tanong ni Van sa kaniya. Kalmado pa pati boses niya. Paano niya ‘yon nagagawa? Dahil amo siya? Nagulat si Beth at agad na humarap. “M-Maghahain po sana ako, Sir. Kumain na po pala kayo,” wika niya. “Nagluto kayo?” agad kong tanong. Tumango naman siya. “Opo, Ate Vivien,” magalang niyang sagot. Napatayo tuloy ako at tumungo sa lababo. Oo nga. Nandito ang mga niluto nila

