Chapter 2

1281 Words
Chapter 2 *Vivien* Sa malamig na kwarto na binabalot ng malamig na hangin na nanggagaling sa air con ay mas malamig pa si Raevan doon. Para siyang bato na walang buhay at pakiramdam. Ginawa ko ‘to sa kaniya. Nakatitig lang ako sa pintuang nilabasan niya kasabay ng luha kong tila walang katapusan. Naninikip ang dibdib ko at mabigat ang kalooban. Pinunasan ko ang luha at huminga ng malalim. “Matapang ako, matapang ako,” bulong ko sa sarili. Pinulot ko ang mga damit ko sa sahig at sinuot ‘yon. Tahimik kong pinagmasdan ang buong kwarto. Ang mga ala-ala dito ay sariwa pa rin na parang kahapon lang nangyari lahat. Wala pa ring pinagbago sa ayos. Kaya lang ay ramdam mo ang lungkot sa buong silid. Parang hindi madalas tulugan at parang may kulang kahit kumpleto sa gamit. Nahagip ng mata ko ang isang litrato na nasa lagayan ng mga libro. Nakataob ‘yon kaya hinakbang ko ang mga paa patungo doon para makita ang litrato. Pag-angat ko ay nanikip agad ang dibdib ko. Tila kumirot dahil sa nakitang lumang litrato. Ang litrato namin ni Raevan noong kami ay magnobyo at magnobya pa lamang. Nakaakbay siya sa’kin habang ako ay malaki ang ngiti sa labi. Espesyal ang araw na ‘to para sa’kin. Lahat ng araw na kasama ko siya ay sobrang espesyal sa akin. Binitawan ko lang lahat ‘yon. Lumandas ang panibagong bersyon ng luha at binalik ko ang litrato kung saan ko kinuha kanina. “Para sa anak mo, Vivien… titiisin mo lahat ng ‘to,” bulong ko sa sarili. Hindi na ako umaasang babalik pa kami sa dati ni Raevan. Sa mga nakita ko kanina sa kaniya lalo na nang puntahan ko siya sa opisina niya ay hindi na siya ang Raevan na minahal ko. Pinunasan ko ang luha at pilit pinatatatag ang sarili. Alam kong kaya ko ‘to, dapat kayanin ko. Para saan pa’t matatapos din lahat ng mga ‘to. Gumaling lang ang anak ko ay babalik na kami kung saan kami nakatira. Sa malayo at kami lang ang tanging tao. Masaya kami kahit kaming dalawa lang. Masaya kami kahit na minsan ay walang-wala kami. Part time lang naman ang paglilinis ko sa bahay kung saan ko naisasama ang anak ko. Na-miss ko agad si Rafaela, ang anak ko. Nasa hospital pa siya at binabantayan ng kaibigan kong si Mona. Nakisuyo lang ako sa kaniya at sinabi kong bukas ako babalik. Naoperahan siya sa puso. Ang bata niya pa pero napakatapang ng anak ko. Magtatatlong taon pa lang siya pero nakikita kong marami pa siyang magagawa sa buhay. Kaya kahit ayokong lumapit sa ama niya ay pinilit ko pa rin. Ginawa ko ‘yon para mabuhay ang anak ko. Siya na lang ang meron ako. Para sa anak ko, gagawin ko lahat ng kaya kong gawin. Kahit harapin pa ang ama niyang isang malamig na bato. Inayos ko at binalik ang coat sa ibabaw ng kama. Inayos ko rin ang sapin ng kama. Naghanda na ‘ko para sa pag-uwi. Lumabas siya at sa tingin ko’y maaari na akong umuwi. May number naman ako sa kaniya dahil hiningi niya ‘yon kanina. Tumawag na lang siya kung kailan niya ako kailangan. Mapait akong ngumisi. Ito na siguro ang bago kong buhay. Ayaw niyang magbayad ako sa kaniya. Basta ang sinabi niya ay susundin ko ang mga gusto niya at bawal akong tumutol. Wala akong choice kundi pumayag dahil kailangan na kailangan ko ng pera. Kalahating milyon, saan ako huhugot no’n. “Gagaling po ba ang anak ko, Doc pagkatapos ng operasyon?” kinakabahang tanong ko sa Doctor. Kahit hindi ko pa alam kung saan pupulot ng gano’n klaseng halaga, gusto kong makasigurong gagaling ang anak ko. Tumango ang doctor kaya kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. “Magiging maayos na uli siya. Makakapaglaro at hindi na siya mahihirapang huminga,” saad ng doctor kaya labis na tuwa ang naramdaman ko. Dati kasi ay bawal siyang kumilos dahil madali siyang mapagod. Kaya kahit gusto niyang maglaro ay bawal. Kaya tuwing maglalaro siya ay nasa ginawa kong kahon na nagsisilbi niyang playground. Naroon ang mga laruan niya at doon lang siya naglalaro. Hindi ko siya masiyadong pinaglalakad dahil madali siyang mahapo. Mabuti at hindi siya nagagalit o nagtatampo sa akin. Nilingon ko ang anak kong natutulog at nakaswero pa. Ang liit niya pa pero ganito na ang pinagdadaanan niya. Dapat ay naglalaro siya tulad ng ibang bata. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na nararamdaman niya, lahat ng hirap niya. . .gagawin ko. Kukunin ko lahat huwag lang mahirapan ng ganito ang anak ko. “Sige po, doc. Salamat po,” saad ko sa doctor. Tumango naman siya at umalis na. “500k, ateng! Saan ka huhugot no’n? Kahit pa siguro mang-holdup ka sa labas ngayon… wala kang makukuhang 500k,” hindi makapaniwalang bulalas ni Mona nang makaalis na ang doktor. Sinuklay ko ang buhok ni Rafaela gamit ang daliri. Habang lumalaki siya ay mas lalo niyang nagiging kamukha ang Daddy Raevan niya. “May kilala akong pwedeng mahiraman,” saad ko. “Saan naman?” agad niyang tanong. “500k, Vivien. Kahit siguro ibenta nating dalawa ang katawan natin—” natigilan siya at tinitigan ako. “Hoy, ateng ha? Huwag mong sabihing…” saad niya sabay hinagod ako ng tingin mulo ulo hanggang paa. “Mali ka ng iniisip,” sabi ko. Humalukipkip naman siya at pinakatitigan ako. “Saan ka nga kukuha ng gano’ng kalaking halaga? May kilala ka bang milyonaryo? Bilyonaryo?” mabilis at magkakasunod niyang tanong. “Lalapit ako sa daddy niya,” halos pabulong kong sabi. Natigilan si Mona at nanlaki ang mga mata. “Sure ka diyan? Baka hindi siya maniwalang anak niya ang inaanak ko. Tatlong taon kang nagtago, Vivien at hindi malabong gano’n nga ang isipin niya sa’yo,” saad ni Mona. Hindi na rin lihim sa kaniya ang tungkol sa ama ni Rafaela. Nagulat pa nga siya nang malaman niyang si Raevan Gomez ang asawa ko. Ang sikat at bilyonaryong chef. Anak at apo ng Gomez. Kilalang pamilya lalo na ang mga restaurant nila na nagkalat sa iba’t ibang bansa. “Hindi naman niya kailangang malaman,” sagot ko at inayos ang kumot kumot ni Rafaela. “Paano ka magkakapera niyan kung hindi mo sasabihin ang tungkol sa anak niyo?” nalilitong tanong niya. “Bahala na. Ang mahalaga ay magkaroon ako ng pera pangpa-opera kay Rafaela. Wala namang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi siya lang,” saad ko. Mabigat siyang bumuntong-hininga. “Kung mayaman lang ako… pahihiramin kita. Kaya lang… sa laki ng pamilya ko ay kulang pa. You know naman ‘di ba?” saad niya kaya nakakaunawa akong tumango. “Salamat, Mona. Malaking bagay na sa akin ang pagsama sa pagbabantay kay Rafaela,” nakangiting saad ko. “Ay sus, wala ‘yon! Para saan pa’t naging ninang ako niyan. Saka hindi na kayo iba sa akin, ano,” saad niya. “Ipagdadasal ko na lang na sana’y makakuha ka ng pera. Iyon lang ang maitutulong ko sa’yo, Vivien,” saad niya. “Salamat,” wika ko at huminga ng malalim. Kinakabahan din ako sa inisip ko. Ngayon ko lang uli makikita ang ama ng anak ko. “Kapag nagising si Rafaela at hinanap ako, sabihin mong bibili ako ng Barbie niya,” saad ko. Tumango naman siya. “Ako na ang bahala dito kay baby ganda,” wika niya. Inayos ko ang kumot at hinalikan sa noo at pisngi si Rafaela bago nagpaalam na aalis muna. “Pagbalik ni Mommy, gagaling ka na,” bulong ko sa kaniya at saka lumabas na ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD