Chapter 3

1072 Words
Chapter 3 *Vivien* Dala ang kupas na wallet na may kaonting pera sa loob, naglalakad ako palabas ng hospital. Baon ko sa dibdib ang labis na kaba. Ngayon ko lang ulit siya pupuntahan. Ngayon ko lang siya uli makikita ng personal sa nagdaang tatlong taon. May kung ano sa puso ko na nananabik na makita siya. Ngunit mas matimbang ang takot sa puso ko. Alam kong hindi magiging madali sa akin na harapin at kausapin siya mamaya. Baka nga… ayaw niya akong makausap dahil sa ginawa ko noon. Sumakay ako sa tricycle patungong sakayan ng bus. Dalawang oras ang byahe patungong Manila kung saan siya nakatira. Dederetso ako sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho at siya rin ang nagmamay-ari. Pagkarating sa sakayan ng bus ay agad akong bumili ng ticket byaheng Maynila. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago umalis ang sinakyan kong bus. Dalangin ko’y sana’y makausap ko siya at mapagbigyan. Kailangang maoperahan ni Rafaela bukas at kailangang may pera akong maiuwi. Nang marating ng bus ang manila ay labis akong kinabahan. Wala pa ring nagbago, ganito pa rin ang lugar na kinagisnan ko. Pagkababa ay agad akong pumara ng jeep patungo kung saan ang kumpanya ni Raevan. Wala akong sasayanging oras. Pumara ako sa tapat ng isa sa malaking gusali dito sa Maynila. Nakalagay sa harap ang pangalan ng kumpanya. G-Corp, kung saan siya nagtatrabaho. Isa sa sangay ng kumpanya ng Daddy niya ngunit siya mismo ang nagtayo ng gusaling ito. Kinuha lang ang pangalan para panatilihin ang katatagan at kapangyarihan ng G-Corp. Para mas makilala at mas lumago ang kumpanya ng pamilya nila, ang kumpanya ng mga Gomez. Mainit dito sa labas kaya tumungo ako sa malilim na bahagi. Mahigpit kong hawak ang pitaka ko. Ang t***k ng puso ko ay hindi ko na matantiya sa labis na kaba. Sana hindi masayang ang pagpunta ko dito sa Maynila. Kung wala siya dito ay alam ko naman kung saan siya nakatira. Lumapit ako sa guard na siyang bantay sa entrance. “Magandang umaga po,” magalang kong bati. “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Ma’am?” saad niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “Pwede ko po bang makausap si Raevan?” tanong ko. “Si Sir Raevan Gomez po?” takang tanong niya at tumango ako. “Kaano-ano niya po kayo, Ma’am?” tanong ng guard. “A-Asawa po,” halos hindi ko kayang sabihin. Parang hangin lang na lumabas sa bibig ko. Para kasing wala na ako sa lugar na ‘yon. Iniwan ko na ‘yon at tatlong taon na ang lumipas. Sa papel na lang ‘yon may bisa o baka nga… wala na rin. “May ID po ba kayo, Ma’am bilang patunay?” paniniguro no’ng guard. Nilabas ko sa pitaka ang matagal ko nang tinatago na kopya ng marriage contract namin. Dala-dala ko palagi dahil pakiramdam ko, kakailangan ko ito pagdating ng araw. Sana ay magamit ko nga ngayon. Binasa niya ‘yon at hiningan pa ako ng ID. Ilang beses niyang binasa bago niya ako payagang makapasok. Lumapit agad ako sa reception area. “Hello, Ma’am good morning! How may I help you?” magalang niyang bungad sa akin. Sobrang professional kung kumilos at napakaayos ng suot. Kung nakapagtapos kaya ako ng pag-aaral ay magiging ganito rin kaya ang itsura ko? Nagtatrabaho sa magandang kumpanya at may maayos na sweldo. Bigla akong nanliit sa sarili dahil sa inisip. Isa lang akong part-time katulong at kung ano-anong raket mabuhay lang kami ng anak ko. Ngumiti ako sa kaniya at sinabi ang pakay ko. Namilog pa ang mga mata niya noong sabihin ko ‘yon at sa huli ay may tinawagan siya at pinapaakyat ako sa 40th floor kung saan ang opisina ni Raevan. “Salamat,” wika ko at agad dumiretso sa elevator. Hanggang sa pagsakay ay nakatanaw sa akin ‘yong babaeng nasa reception area. Baka hindi pa rin siya makapaniwala. Ngumiti lang ako sa kaniya bago magsara ang lift. Hindi ko na alam kung ilang beses akong huminga-hinga ng malalim para maibsan ang kaba sa dibdib ko. Ngunit para itong walang silbi dahil mas lalo akong akong kinakabahan lalo na nang bumukas ang lift. Pagkalabas sa elevator ay lumiko ako at nakita ko ang sekretarya niya. Siya pa rin ‘yong dati na nakikita ko dito. Nang masilayan niya ako ay agad niya akong nilapitan. “Hello, Ma’am Vivien. Grabe po, long time no see,” bati niya sa’kin. Kilala pa rin pala niya ako kaya hilaw akong ngumiti. “Maupo po kayo, Ma’am nasa meeting pa po si Sir,” saad niya kaya umupo muna ako para maghintay. Inalok niya ako ng juice o kape pero tumanggi ako. Baka kapag kape ang hiningi ko, nerbyosin ako lalo. At kapag juice naman ay baka maihi ako sa nerbyos. Malamig dito sa palapag niya at mas lalo akong kinakabahan dahil doon. Para bang ang lamig ng hangin mula sa air con ay pumapasok sa balat ko hanggang sa buto. Tatlongpung minuto ang hinintay ko at narinig kong bumukas ang elevator. Para akong napako sa kinauupuan nang masilayan ang lalaking lumabas doon. Si Raevan, ang lalaking una at bukod tangi kong minahal. Tila ang laki na ng pagbabago niya. Nakakatakot ang awra niya at parang ano mang oras ay maninigaw siya. May maliliit na balbas sa panga niya na parang napabayaan pero mas bumagay lang sa kaniya. Salubong ang kilay at deretso lang ang tingin niya habang naglalakad. Nilagpasan niya ako na parang hangin lang. Parang walang tao sa paligid niya at nasaktan ako doon. Pati ang sekretarya niya ay napaupo ng tuwid nang dumaan si Raevan at dere-deretsong pumasok sa opisina niya. Agad na sumunod ang sekretarya niya at kinakabahan akong nakatunghay sa pintuan ng opisina niya. Parang bang kamatayan ang maghihintay sa’yo kapag pumasok ka doon. Nang lumabas doon ang sekretarya niya ay sinenyasan niya akong pumasok na. “Ma’am Vivien, pinapasabi po ni Sir na dalian niyo raw po at may lakad pa siya,” pahabol ng secretary niya kaya tumango ako at alanganing ngumiti. Para akong papasok sa kulungan ng leon. Para sa anak ko ay haharapin ko kahit ano pa ang matanggap ko. Kailangan ko ng pera para sa operasyon niya at wala na akong ibang naiisip kundi ang ama niyang si Raevan. Kailangan kong sumugal, kailangan kong magbakasali at sana ay mapagbigyan at handa ako sa kahit anong kapalit o kabayaran, gumaling lang si Rafaela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD