Chapter 15 “What just happened?” Takang tanong ni Jasmine. Sabay namang tumaas ang balikat ng kambal. Wala silang idea sa pinakitang ugali ni Raevan. “Nag-away ba kayo?” Tanong sa akin ni Jasmine. “Pagod lang siguro siya.” Imbes na sagutin ng oo ay dinahilan ko na lang na pagod si Raevan. Hindi naman kami nag-away. Hindi lang kami okay. Magkaiba ‘yon. Ayokong maungkat lahat kaya ayokong magsalita. Dahil alam kong pupunuin nila ako ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Nakakahiya kapag nalaman nilang ang asawa ng pinsan nila ay dating magnanakaw at maraming naging kaso ng pagnanakaw. Baka ipakulong pa nila ako. At baka hindi na pagkatiwalaan uli. Tulad ng mga tao sa lugar namin noon. Kapag nangyari ‘yon, hindi ko makakasama ang anak ko. Mahirap mawalay sa anak. Kaya nga kahit gan

