Chapter 14 Tumulong na kami ni Mona sa paghahanda ng hapunan. Alas singko na ng hapon at tiyak na mamaya pa uuwi si Raevan. Tumawag siya kanina pero ‘yong maid lang ang kinausap niya. Tinatanong daw kung inaalagaan ko si Rafaela. Sa pagkakatanong niyang ‘yon ay talagang nasa isip na niya na pinapabayaan ko ang anak ko. Tinapik lang ako ni Mona at nakakaunawa niya akong nginitian. Kinausap niya rin si Rafaela sa telepono. Nagtatanong yata ng gustong pasalubong. Napangiti ako doon. Parang ako lang noon. Dati ay parati niya akong tinatanong kung anong pasalubong ang gusto ko at ang sinasabi ko lang ay… “Ikaw.” Dahil siya lang naman ang inaantay kong dumating palagi. Yakap at isang halik lang niya sa akin mula sa maghapong mag-isa dito sa bahay ay iyon lang ang tanging kailangan ko. Wala nam

