HERALYN Kinaumagahan ay nagising ako na may kamay na nakadagan at mahigpit na nakayakap sa aking baywang. Napalunok ako nang mapadako ang mga mata ko sa hubad-baro at mahimbing na natutulog na si Sir Dalton sa aking tabi. Nakadapa ito sa kama habang ang isang braso ay nakapulupot sa aking bewang. Napapikit ako nang bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi. Sobra sobra ang labis na takot na aking naramdaman. Mabuti na lamang at dumating si Sir Dalton para iligtas ako sa kamay ng manyak at demonyong lalaking iyon. Kung hindi ako nagkakamali, ang tinawag ni sir Dalton na Governor Dionizio na iyon ay ang lalaki na naroon sa auction at nag-bids sa akin sa halagang 25 million. He was really insane. Para siyang sinasaniban ng masamang espiritu. Sobrang nakakatakot ang itsura niya at

