HERALYN Nang marating ko ang kwarto ay agad akong pumasok sa loob ng banyo at mabilis kong itinapat ang aking hubad na katawan sa dutsa ng tubig mula sa shower. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko nga ginusto ang maikasal ako kay sir Dalton, ang bumuo pa kaya ng pamilya at magkaroon ng anak kasama siya? Nababaliw na ba si sir Dalton? Ano ang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at ngayon eh gusto na niyang bumuo ng pamilya kasama ko? Or… Hindi kaya ito yung ibig niyang sabihin na habang buhay niya akong pahihirapan? “I will do everything to make you fall in love with me… Just give me one month, Heralyn. Just one month…” So, kapag ba pumayag ako sa gusto niya. Once na matapos ang one month na sinabi niy

