HERALYN Sumunod naman ginawa namin ay pumunta kami sa sinehan para manood ng movie. Hindi ko talaga magawang mag-enjoy na makipag-bonding sa mga kaibigan ko dahil sa kasama kong tinalo pa ang ahas kung makalingkis sa akin. “Oy! Look, hindi ba ito yung gusto natin panoorin.” masayang sabi ni Ella nang makita ang nakapaskil sa cinema. Movie iyon ni Kathryn Bernardo at ni Daniel Padilla. ‘BARCELONA A LOVE UNTOLD’. “Oo nga!” sagot naman ni Mabel. Kitang kita ko na sobrang saya nilang dalawa sa bonding namin na ito kahit pa may asungot akong kasama. “Tara na!” hawak kamay na naunang pumasok sa sinehan ang dalawa. Kami naman ni Dalton ay naiwan dahil ang sabi ko ay gusto ko ng popcorn at juice. Binilhan na rin namin ang dalawang kaibigan ko. Pagpasok namin sa loob ng cinema ay maram

