HERALYN “A-ano? K-kasama kita habang nakikipag-bonding ako sa aking mga kaibigan?” napalakas na sabi ko kay Dalton nang sabihin nito sa aking na kasama ko siya na makipag-meet sa aking dalawang kaibigan. Agad naman itong tumango sa akin. “Yes, mabuti na ‘yung sigurado ako. Baka mamaya, takasan mo lang ang mga tauhan ko.” firm na sabi nito. “P-pero… D-diba… napag-usapan na natin ‘to? I promise na hindi kita tatakasan ‘di ba?” nagmamaktol na sagot ko sa kanya pero hindi ko matodo ang inis ko dahil baka biglang magbago pa ang takbo ng isipan niya. Umupo siya sa isang mahabang sofa dito sa tapat ng aming bed, kinuha ang rubber shoes niya at sinuot iyon saka nagsalita. “Wala akong tiwala sa promise, mo.” sagot nito sa akin. Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. Anong klaseng ‘girls

