bc

Trapped In His Lust (Mafia Boss Series #1)

book_age18+
387
FOLLOW
1.1K
READ
possessive
sex
family
goodgirl
mafia
sweet
bxg
city
virgin
roommates
like
intro-logo
Blurb

Ano kaya ang magiging buhay ni Allisson sa loob ng isang linggo, kasama ang Mafia Boss na si Trojan Montero? Makakauwi pa kaya siya sa kanila ng buhay? O uuwing may panibagong yugto ng kaniyang buhay?

Trojan Montero and Allisson Santos

March 1, 2022

chap-preview
Free preview
Page 1
"Allisson, anak," tawag sa'kin ni Mama mula sa kusina. Kasalukuyan akong naglalaba ng uniform ko para sa darating na pasukan ngayong Lunes. Martes pa lang ngayon at alam kong masiyado pang maaga para maghanda ng uniform. Pero dahil excited akong pumasok sa college ay naisipan kong labhan na ngayon. Nahinto kasi ako sa pag-aaral noong nakaraang taon. Ngayon lang ulit nagkaroon ng pagkakataon dahil mas inuna namin ipagawa ang nasirang bahay dahil sa bagyo. Hindi namin maipapagawa ang bahay kung uunahin namin ang tuition ko sa eskwela. Sempre, kailangan ko rin ng allowance at iba pang gastos sa eskwela. Ayaw naman ni Papa na mag-working student ako. Tumigil daw muna ako at next year ay itutuloy ko ang pag-aaral. Kaya heto ako ngayon, masiyadong excited sa pagbabalik eskwela. "Nariyan na ho," sagot ko at naghugas ng kamay at iniwan muna ang nilalabhan. Tumungo ako sa kusina at nakita ko si Nanay na nagluluto ng tanghalian. Naaamoy ko pa ang mabangong paksiw na galunggong. Nagutom tuloy ako bigla. Paborito ko ang paksiw lalo na kapag may talong at ampalaya. Kahit anong klase ng ulam basta paksiw, naku... taob talaga ang kaldero ng kanin. "Ano po 'yon, Ma?" Magalang kong tanong at pasimpleng inamoy ang nilulutong paksiw ni Mama. "Allison, anak, ibili mo nga ako sa palengke ng bigas na malagkit dahil maaga akong gagawa bukas ng kakanin para ilako sa sakayan ng jeep," wika ni Nanay. Nakita ko pang nilabas niya ang kupas na kulay pulang wallet sa bulsa at dumukot doon ng ilang daang piso. "Oh, ito. Bumili ka ng limang kilo. Alam mo naman kung saan ako palaging bumibili, hindi ba?" Wika ni Mama at mabilis akong tumango. "Kung wala kina Manang Curing doon ka sa susunod na bayan," wika ni Mama at kumuha pa ng ilang papel na pera sa pitaka. "Kung sakaling wala kina Manang Curing, ito ang pamasahe. Mabilis kasi maubos ang bigas na malagkit doon dahil mura," wika ni Mama at inabot sa akin ang perang pambili at pamasahe. "Sige po, Ma," magalang kong sagot. "Oh, siya. Sige na. Para sakto pag-uwi mo, kakain na tayo," wika ni Mama. Nagpalit lang ako ng maong short na hanggang taas ng tuhod na fit na fit sa hita ko. Naka-t-shirt lang ako ng kulay puti na may maliit na hugis pusong desenyo sa kaliwang bahagi sa tapat ng dibdib ko. Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko bago lumabas ng bahay. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos dahil bibili lang naman ako ng malagkit. Nagdala rin ako ng payong dahil mainit. Sumakay agad ako ng tricycle at tumungo sa palengke. Hinanap ko agad ang tindahan ni Manang Curing. Humaba ang nguso ko nang makitang sarado sila. Wala ng ibang nagtitinda ng malagkit dito sa bayan. Kaya wala akong choice kundi tumungo sa kabilang bayan. Mga trenta minutos pa naman ang byahe papunta doon dahil may kalayuan na 'yon sa amin. Malaking bayan 'yon at maraming nagbebenta ng malagkit, hindi katulad dito sa amin na maliit lang ang pamilihan. Habang hawak ang payong ay naglakad ako patungo sa sakayan ng jeep. Sumakay agad ako nang may makitang isa. Iilan pa lang ang pasahero kaya hindi pa umaalis. Naiinip na rin ako pero utos ito ni Mama at para rin naman sa amin ang ilalako niyang kakanin bukas. Kahit man lang sa ganitong paraan ay makatulong ako sa kanila. Mga sampung minuto pa ang lumipas bago napuno ang jeep. Mainit na nga ang panahon, siksikan pa dito sa jeep. Ito lang kasi ang kakasya sa pamasaheng inabot ni Mama. Mahal ang pamasahe kapag mag-aarkila ako ng tricycle. Ilang sandali pa at sa wakas ay umandar na rin. Hindi ko na rin alam kung ano'ng oras na. Wala naman akong dalang relo o kahit cell phone man lang. Sa tantiya ko ay nasa alas onse na ng umaga, oras na ng tanghalian. Mainit na nga ang panahon, mabagal pa ang nasakyan kong jeep. Kinakawalang na pero binabyahe pa rin. Mabigat akong bumuntong-hininga... baka abutin ako ng hapon nito. At hindi nga ako nagkamali, inabot na yata ako ng isang oras sa jeep. Bente o kwarenta lang yata ang takbo nitong jeep na sinasakyan ko. Ang mga ibang pasahero ay naiinip na rin dahil sa bagal ng takbo ng jeep. May ibang nagrereklamo na sa bagal magpatakbo ng driver. Dala na rin ng init ng panahon at siksikan ay talagang nakakainit ulo itong takbo ng sasakyan. Mag-aalauna na yata nang makarating ako. Grabe, mahigit isang oras ang byahe. Tatandaan ko talaga ang jeep na 'yon. Hindi na ako sasakay doon. Kung magpatakbo si Manong driver ay akala mo nagjo-joyride lang kami. Pawisan na rin ako dahil sa init. Wala pa akong dalang panyo kaya ginamit ko muna ang likod ng palad bilang pamunas sa pawis ko sa noo. Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba agad ako nang huminto ang jeep sa paradahan. Agad akong naglakad para maghanap ng malagkit na bigas. Ano'ng oras na at baka hanapin na ako ni Mama. Sa paglalakad-lakad ay dama ko na ang gutom. Idagdag pa ang tirik na tirik na sikat ng araw. Mabuti na lang ay may nakita na akong tindahan na may malagkit na bigas. Bumili agad ako doon ng limang kilo, ayon sa utos ni Mama. Ang problema ko ngayon ay kulang yata ang pera ko pauwi. Mahal pala dito sa nabilhan ko. Saka ko lang napagtanto nang iabot sa akin ang sukli. Hindi naman kasi sobra-sobra ang bigay ni Mama na pera. Kaya lang, saktong-sakto naman. Bago tumungo sa sakayan ng jeep ay binilang ko muna ang natitirang pera. Kasya pa naman kaso kailangan kong maglakad mamaya pauwi. Wala akong pangbayad sa trycicle pauwi sa bahay. May kabigatan din ang limang kilo kaya medyo mahirap buhatin. Nagsimula na akong maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Nagtaka pa ako nang sabihin nilang wala na raw byahe. Last trip na raw 'yong kanina. "Last trip? Paano po ako makakauwi niyan? Baka may iba pa pong jeep na babyahe?" Tanong ko sa barker. Mabigat siyang bumuntong-hininga at nagkamot ng ulo. "Nag-anunsyo ang presidente at ang mayor dito na magla-lockdown," wika niya. "Lockdown?" Tanong ko ulit. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. "Oo. Bawal lumabas at pumasok dito sa bayan. Kaya kung ako sa'yo, humanap ka muna ng matutuluyan mo dahil nagkalat na ang mga pulis sa paligid. Bawal lumabas sa kabahayan ang mga tao. Hindi mo ba napanood sa balita?" Wika ng barker. Mabilis akong umiling at nagsimulang kabahan. Paano ako makakauwi nito sa'min? Wala naman akong pambayad para sa matutuluyan. Napansin ko pang agad na nagsitakbuhan ang mga tao nang may dumating na pulis. "Bawal na dito sa labas sa loob ng isang linggo. Ang siyang makikita at mahuhuling narito sa labas ay ikukulong," wika ng pulis na mas lalong kinaalarma ng mga tao. Ano bang nangyayari at bakit hindi pwedeng lumabas? Dahil sa takot ay nagmadali akong umalis doon. Naiiyak na ako dahil hindi alam kung saan pupunta. May kaibigan akong taga rito, kaklase ko sa kolehiyo kaya lang ay hindi ko alam ang bahay nila at wala akong dalang cell phone para matawagan ko siya. Naisipan kong bumalik sa tindahan kung saan ko binili ang malagkit na bigas. Pasara na sila, mabuti at naabutan ko pa. "Kuya, ako po 'yong bumili ng malagkit na bigas kanina. Ibabalik ko na po dahil kailangan ko po ng pera. Hindi po ako makakauwi sa amin," nagsusumamo kong wika dala na rin ng kaba dahil sa takot na baka mahuli ay dere-deretso kong sinabi ang pakay ko. Matagal niya akong tinitigan na parang nag-iisip pa. Dahil sa pagmamadali ay binalik niya sa'kin ang ibinayad ko kanina. Hindi siya nagsalita at kinuha ang bigas na binili ko sa kaniya. Nagmadali pa siyang umalis nang maisara na ang tindahan. Ang mga tao ay mabilis na kumonti. Ang iba ay natataranta at hindi rin alam ang gagawin. Marahil, kapareho ko sila na parang na-trap dito sa bayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook