bc

Sisirin mo ako Ninong Lucas

book_age18+
388
FOLLOW
6.1K
READ
HE
escape while being pregnant
age gap
heir/heiress
drama
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Matalik na magkaibigan si Lucas Guerrero at si Roberto Reyes, na ama naman ni Mikaela.At dahil sa kaarawan ni Lucas ay nagpasya ang pamilya ni Roberto na pumunta sa celebration ng kaarawan ni Lucas kasama ang kanyang asawa at ang nag-iisang anak na si Mikaela na inaanak naman ni Lucas.Kasalukuyan na tumatakbo bilang alkalde ng Maynila ang ama ni Mikaela.Ngunit dahil sa matinding labanan ng pagka-alkalde ay nauwi sa malagim na aksidente ang dapat sana ay masayang bakasyon nila.Namatay sa aksidente na iyon ang parehong magulang ni Mikaela, ngunit maswerte nabuhay si Mikaela.Dahil sa bigat na nararamdaman noon ni Lucas dahil sa pagkamatay ng mga kaibigan niya ay minabuti niya na alagaan at pag-aralin ang anak ng mga ito na si Mikaela. Ngunit sa pagsasama nila sa iisang bubong, hindi inaasahan ni Lucas ang pagiging matigas ng ulo at pagiging wild ng pag-iisip ng kanyang inaanak.Gustohin man niya lumayo sa tukso, ngunit tila may isang magnet na humihila sa kanya palapit dito.Na magiging dahilan upang mag-init ang isang malamig na gabi.Ito na kaya ang magiging simula ng isang matamis na pag-iibigan, o ito ang magiging simula ng paglayo nila sa isa't isa dahil sa mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid nila?

chap-preview
Free preview
chapter 1 kaba
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog nang marinig ko ang malakas na katok mula sa pinto ng aking silid. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata habang hinayaan ko mag-adjust ang aking paningin. Muli ko narinig ang mahinahon na tinig ni Mama na tinatawag ako para gisingin ako dahil ngayon ang uwi namin ng probinsya para lang pumunta sa bahay ng Ninong ko. Matagal na kami na ninirahan dito sa Maynila, at never ko pa nakita ang Ninong ko, pero malimit na nagpapadala ito ng regalo sa akin sa tuwing sasapit ang kaarawan ko at Pasko. Ang sabi ni Papa, matagal na raw ako nito nais makilala ngunit palagi raw itong busy sa trabaho niya, lalo na at isang sikat na businessman ito. Kaya kahit sa mismong kaarawan ko ay hindi rin ito nagpapakita man lang sa akin. At ngayon nga ay darating na ang kaarawan niya, napagdesisyunan ni Papa na umatend kami ng kaarawan nito kahit busy pa siya sa pagtakbo niya bilang isang alkalde ng Maynila. Isa si Ninong Lucas sa naging dahilan upang umasenso ang aming buhay. Ang sabi ni Papa noon, dati lang siya trabahador sa mansion nina Ninong Lucas. Pero dahil sa pagiging tapat niya sa kanyang tungkulin ay pinag-aral siya ni Ninong Lucas hanggang sa makatapos siya ng kanyang pag-aaral. At dahil doon ay ginamit ni Papa ang lahat ng nalalaman niya upang magpatayo ng isang maliit na negosyo. Nakita ni Ninong Ang pag susumikap na iyon ni Papa kaya nag-invest siya ng Malaking halaga upang sa ganoon ay mas mapalaki pa namin ang negosyo na iyon. Hanggang sa tuluyan na nakilala ang maliit na restaurant na itinayo ni Papa. At nakilala ito sa ilang lugar dito sa Pilipinas. Labis ang pasasalamat namin kay Ninong Lucas dahil sa pagiging mabuti nito sa amin kaya nang imbitahan niya kami sa kaarawan nito ay hindi na nagawa pang tumanggi pa ni Papa at agad itong pumayag sa nais na iyon ni Ninong kahit pa na busy siya sa kaliwa't kanan niyang mga meeting para sa pagtakbo niya bilang isang alkalde. "Anak, gising kana ba? Bumangon kana anak at mamaya lang ay aalis na tayo pauwi ng probinsya." "Hiyaw," na wika ni Mama na sinundan pa ng malalakas na katok nito. Dahan-dahan na bumangon ako at kinusot-kusot ko ang aking mata saka ako paupong bumangon sa aking kama. Isinandal ko ang aking likod sa headrest ng kama habang tinatanggal ko ang matinding antok ko. Hanggang sa muli ko narinig ang inis na tinig ni Mama na hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pagkatok at pagtawag sa akin. Kaya bago paman mag-init ng tuluyan ang ulo nito ay nagmadali na akong bumangon sa aking kama para buksan ang pinto. Inilapat ko ang aking mga paa sa malamig na sahig, at dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto ng aking silid, at saka ko dahan-dahan na binuksan ito. Agad bumalandra sa aking harapan ang naiinis na mukha ni Mama. "Ano kaba anak, kanina pa kita ginigising! Halos mamaga na nga ang kamay ko kaka katok pero hindi mo pa rin binubuksan ang pinto." "Mama Naman, Kasi, Ang agaaga pa po, alasais pa lang ng umaga, gusto ko pa po matulog." "Hoy! Ikaw talagang bata ka, anong maaga pa? Sakto lang ang oras ng gising ko sayo dahil maaga pa ang uwi natin ng probinsya. Malayo at traffic din sa mga lugar na daraanan natin. Saka ayaw ng Papa mo na paghintayin ang Ninong mo." "Bakit ba kasi kailangan pa na kasama pa ako sa lakad ninyo?" Hindi ba pwede na kayo na lang ang umalis? "Tanong na wika ko dito. "Anak naman, mula ng isinilang ka hanggang sa lumaki ka, hindi pa kayo nagkikita ng Ninong mo. Seventeen years old ka na anak, at ilang buwan na lang at hahantong ka na sa ikalabing walong taong gulang mo, pero hindi pa rin kayo nagkikita ng Ninong mo. Marahil ito na ang tamang pagkakataon para magkita kayong dalawa at makapagpasalamat ka ng personal sa mga regalo niya sa iyo sapul ng maliit ka pa," mahabang litanya na wika ni Mama sa akin. "Ok fine, Sige na po, maliligo na ako at maghahanda na ng gamit ko para sa pagpunta natin doon." "Sige anak, pano baba na ako para ihanda ang ating umagahan para makakain tayo bago tayo umalis." "Sige po, Ma," tugon na wika ko dito. Matapos noon ay tumalikod na ito at naglakad pababa ng aming hagdan. Napabuntong hininga naman ako at pabagsak na isinara ang pinto ng aking silid. Saka ko pinag-cross ang aking kamay sa ilalim ng aking dibdib at saka ako sumandal sa pintuan ng aking kwarto. Sa totoo lang ayoko talaga pumunta doon dahil mas gusto ko pa rin na dumito na lang at sumama sa mga kaibigan ko para mag-happy-happy kesa umatend ng isang boring na party. Pero wala naman akong magagawa dahil tyak ako na magagalit ng husto ang mga magulang ko pag tumanggi ako sa kagustuhan nila. Kaya bago paman muli umakyat si Mama sa aking silid ay kumilos na ako para ayusin ang aking mga gamit. Dumeretso ako sa aking walking closet upang tumingin ng mga dadalhin kong mga damit. At saka ko iyon inilagay sa isang maliit na maleta. Matapos ko iyon ayusin ay kumuha rin ako ng isang crop top at pantalon na aking gagamitin. At saka ko ito inilagay sa ibabaw ng aking kama. Nang maayos ko ang lahat ng aking dapat ayusin ay minabuti ko na ring simulan ang aking paliligo. Nag tungo ako sa shower area at hinayaan ko dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. At nang matapos ay lumabas na ako para ayusin ang aking sarili. Isinuot ko ang aking napiling damit at pinatuyo ang aking buhok. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay ayoko talaga umalis ng sandaling iyon. Oo nga, at matagal ko nang nais makilala ang Ninong ko dahil sa pagbibigay niya ng mamahaling bagay sa akin. Isa pa, malimit rin sabihin at ikwento ni Mama at Papa sakin ang kabutihang ginawa nito sa aming pamilya. Kaya habang lumalaki ako ay lumalaki ang paghanga ko sa kanya, at totoo, nasasabik rin ako na makilala siya. Ngunit may pakiramdam ako na parang ang bigat nito sa aking dibdib at tila may kaba ako nararamdaman. Bagay na hindi ko naman magawa ipaliwanag. Matapos kong ayusin ang aking sarili ay kinuha ko na ang aking shoulder bag para sana isakbit ito sa aking balikat, pero hindi sinasadya na madali nito ang picture frame na nakapatong sa lamesa. Dahilan para mahulog at mabasag ang picture frame sa sahig. Agad ako kinabahan nang makita ko ang pagkabasag nito kaya agad ko dinampot ito sa sahig. Napatingin ako sa family picture namin na nabasag kaya tila nakaramdam ako ng takot. Lalo na at may masamang kasabihan ito sa matatanda. Maya-maya ay narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Mama sa aking silid. "Anak, anong nangyari?" "Wala po, Ma, aksedente po na natabig ko itong frame." "Ganoon ba? Iwan mo na lang iyan at hayaan mo na ang mga katulong ang mag-imis niyan." "Ma, pwede ba wag na po tayo tumuloy?" "Ano kaba naman anak? Hindi pwede iyang gusto mo. Nakahanda na ang lahat. Isa pa, wala ka naman gagawin dito kaya mabuti pa umalis na tayo dahil baka magalit na ang Papa mo sa tagal natin dalawa." Inis na wika ni Mama at saka ito lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako palabas ng aking silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
313.3K
bc

Too Late for Regret

read
306.0K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
143.7K
bc

The Lost Pack

read
425.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
151.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook