chapter 9 Inbistigasyon

1283 Words
"Ayos ka lang, Mikaela?" "Opoh, ninong, natakot lang po ako ng husto kay auntie Mary Grace." "Wag kang mag-alala dahil hindi na ako papayag na maulit pa ito at makalapit pa siya sa iyo," mariin na wika ni Ninong Lucas sa akin. "Ninong, totoo po ba na kayo na ang mag-aalaga sa akin?" "Oo, Mikaela, mag mula ngayon sa mansion kana titira kasama ang pamilya ko." "Pamilya?" "Oo, naghihintay ang mga anak ko sa pagdating mo. Sa oras na makarating ka doon, unti-unti nang mawawala ang mga isipin mo, at tutulungan ka namin na makalimot sa lahat ng sakit. Wag kang mag-alala dahil narito kami para alalayan ka," seryosong wika nito sa akin. "Señiorito, naayos na po namin ang security ng buong lugar." "Mabuti kung ganoon; ayoko na maulit ang nangyaring gulo kanina." "Wag po kayo mag-alala dahil dinouble na po namin ang security ng buong lugar." "Mabuti kung ganoon. Sige na, paghusayan ninyo ang pagbabantay ninyo. Siguraduhin ninyo na walang ibang makakapasok sa burol nila na ibang tao hangga't hindi pa sila nalilibing." "Opoh sir, makakaasa po kayo sa amin." Agad tumango si Ninong sa mga ito at mabilis na nagbalik sila sa kanilang mga trabaho. Maya Maya ay may nag lapitan sa aming mga pulis na siyang nag imbistiga sa nangyari aksidente. "Magandang araw po, Mr. Lucas Guerrero. Ipagpaumanhin po ninyo ang aming biglang pagpunta dito pero nais lang namin maunawaan ang nangyaring aksidente. At magagawa lang namin iyon kung makakausap po namin ang nag-iisang survivor ng aksidente, at iyon po ay si Ms. Mikaela." Agad tumingin si Ninong sa akin upang tanungin ako kung payag ba ako na makausap ako ng mga pulis. Mabilis na tumango ako habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng aking kandungan. "Sigurado ka ba nahaharapin mo sila?" "O-po ninong, gusto ko pong malaman "kung ano po ang totoong nangyari." "Sige, kung iyan ang nais mo, narito lang ako sa tabi mo at hindi kita iiwan." "Salamat po, ninong." "Hindi nagtagal ay naupo sila sa tabi ko upang tanungin ako ng ilang bagay. "Ayon sa aming imbestigasyon, nalaman namin na nagkaroon ng sira ang inyong sasakyan. Nagkaproblema ang preno nito kaya iyon ang naging dahilan ng aksidente." "Pero dahil sa masusi naming pag-iimbestiga nakita namin na hindi basta nasira lang ang preno ng sasakyan kundi may sumira nito." "Anong ibig niyong sabihin merong gustong pumatay sa aking kaibigan?" "Ganun na nga po sir." "Pero paano mangyayari iyon? Napakalayo ng Maynila dito sa lugar namin. Kung totoong may gustong pumatay sa kanila, doon pa lang sa Maynila ay nangyari na ang aksidente." "Yun din po ang pinagtataka namin kung paano nangyari iyon, pero ayon sa imbestigasyon namin ay may sumira ng preno at hindi nagkataon lamang ang nangyaring aksidente." "Kung ganun, paano niyo maipapaliwanag ito ng maayos?" "Wala pong makakasagot ng inyong katanungan dahil ang nag-iisang susi ng pangyayaring ito ay walang iba kung hindi si Mikaela." Sabay tingin ng mga ito sa akin kaya halos nahirapan akong huminga dahil sa matinding takot at kaba. "Okay ka lang ba, iha? May problema ba? Kaya mo ba sagutin ang mga tanong nila?" "Opo, ninong, pipilitin ko po upang sa ganun ay mabigyan ko ng hustisya ang aking mga magulang." "Kung ganun kung ano man ipapahayag mo ngayon ay handa kaming makinig, at sisiguraduhin ko na magbabayad ang mga tao na gumawa nito sa iyong mga magulang." "Kung ganun iha, ipaliwanag mo sa amin kung ano ang nangyari bago ang aksidente." "Habang nasa byahe po kami papunta dito napansin ko na po ang isang motorsiklo na sumusunod sa amin. Ngunit hindi ko na po ito pinansin pa hanggang sa huminto kami sa isang gasoline station para maka-cr at makabili na rin ng mga makakain habang nasa byahe kami. Bumaba kami ng sasakyan ni Mama kasama si Papa. Para bumili ng mga pagkaing aming madadala sa aming biyahe. Tanging naiwan lang doon ay ang tatlong bodyguard at isang driver. Natatandaan ko noon na nagalit si Papa nang hindi niya nadatnan ang tatlong bodyguard at driver sa sasakyan dahil abala ang mga ito sa paninigarilyo sa labas ng gasoline station. Nang makabalik sila sa sasakyan ay minura sila ni Papa dahil sa pagiging pabaya nila. Matapos silang sermunan ni Papa ay agad na nagyaya si Papa na umalis na ng gasoline station. Pero bago kami umalis noon napansin kong muli ang driver ng isang motorsiklo na siyang sumusunod sa amin. Katulad noon ay hindi ko muli pinansin ang pagsunod nito sa amin. Hanggang sa naganap na ang aksidente. " "Kung ganun may isang motorsiklo na siyang sumusunod sa inyo magmula pa sa Maynila pauwi dito sa probinsya. Tama ba ako at hindi mo man lang ito pinaalam sa iyong magulang?" "Tama po kayo dahil hindi ko rin naman po alam na ganito po ang mangyayari." Muling tumulong ang mga luha ko sa aking mga mata dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyaring aksidente. Agad na tinakpan ko ng dalawang palad ko ang aking mukha at doon ay humugulhol ako ng iyak. "Kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit nawala ang mga magulang ko. Sana noon pa lang sinabi ko na ang nakita ko para hindi na nangyari ang aksidente na iyon." "Umiiyak na," wika ko hanggang sa tumabi sa akin si Ninong Lucas at mahigpit na niyakap ako. "Wala kang kasalanan, Mikaela, hindi mo alam mangyari ang aksidente na iyon. At sa edad mong iyan kahit sino hindi mo iisipin na may mangyayaring masama sa inyo. Kaya iwasan mo na ang pag-iisip mo dahil wala kang kasalanan. Ang importante ay alam natin ang katotohanan. Pinapangako ko sayo na bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo. Ngayong may lead na tayo kung paano nangyari iyon, mas makakabuti kung babalikan natin ang gasoline station na sinasabi mo na pina-parkingan ng inyong sasakyan. Marahil may mga CCTV footage doon na pwede natin kunin upang gamiting ebidensya. At kung sino man ang sangkot sa aksidenteng ito ay hindi ko hahayaan makalaya siya sa bilangguan dahil ang bilangguan ang siyang magsisilbing libingan niya." Seryosong wika ni Ninong Lucas. "Kung ganun po, aalis na rin po kami agad ngayon upang puntahan ang sinasabi ng inaanak ninyo na gasolinahan upang matukoy natin kung sino ang taong iyon at kung bakit niya ginawa ito." "Mabuti pa nga at sa oras na malaman ninyo kung sino ang taong iyan, mangyari lang na ako ay inyong tawagan dahil gusto kong makilala ang taong iyon." "Hindi po kayo magdadalawang salita sa amin, Mr. Guerrero. Makakaasa po kayo na malulutas namin ang kaso na ito at ipagbibigay alam po namin ito sa inyo agad." "Kung ganun ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Sa oras na mahuli ninyo ang taong ito sisiguraduhin ko na ang malaking halaga ng gantimpalang makukuha ninyo mula sa akin." "Salamat po, Mr. Guerrero. Makakaasa po kayo sa amin. Paano po? Mauna na po kami." "Sige, salamat sa inyong pagpunta." "Walang anuman po, Mr. Guerrero. Ginagawa lang po namin ang aming tungkulin bilang isang pulis." Magalang na wika ng pulis kay Ninong Lucas, at muli ay inabot nito ang kanyang kamay kay Ninong Lucas at nakipagkamay dito. Bago ito tuluyang tumalikod sa amin. Maya-maya ay tinawagan naman ni Ninong Lucas si Jason. "Sir, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" "Mas makabubuti kung iuuwi mo muna si Mikaela sa mansion; masyado na mahaba ang araw na ito para sa kanya, at kinakailangan na niyang magpahinga. Bumalik na lang kayo dito bukas ng umaga para sa huling araw ng pamamaalam niya sa kanyang mga magulang." "Masusunod po, Señorito Lucas." Pagsang-ayon na wika nito kay Ninong Lucas, at agad nitong inabot ang kanyang kamay sa aking harapan upang maalalayan ako nito pasakay sa aming sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD