9

1071 Words
CHILDISHNESS din ang pinairal ni Sydney nang mga sumunod na araw. Kahit gustong-gusto na niyang tawagan at puntahan si Paolo para amuin, mas nanaig ang kanyang pride. Ni padalhan ito ng text message ay hindi niya ginawa. At kahit na si Paolo na rin ang unang nag-text sa kanya, hindi rin siya nag-reply. Sanay siyang inaamo siya ni Paolo. Hindi pinag-uusapan kung sino sa kanila ang may kasalanan. Basta si Paolo pa rin ang aamo sa kanya. Si Paolo pa rin ang magso-sorry kahit kung tutuusin, ito ang may karapatang magtampo. Nang tumawag si Paolo ay binalewala din niya ito. Hinayaan niyang maubos ang ring ng kanyang cellphone kahit na nga ba gustong-gusto niyang sagutin na ito dahil nami-miss na rin niya ang binata. Umabot ng isang linggo ang pag-iignora niya sa mga text at tawag ni Paolo. Ang hinihintay niya ay puntahan siya nito kaya naman sa bawat pagtatapos ng trabaho niya, deretso uwi siya para anumang oras na puntahan siya ng binata ay datnan siya nito sa bahay. Pero hindi naman nagpunta si Paolo. At childishness din niya ang dapat sisihin kung kaya’t ang hindi pagpuntang iyon sa kanya ng binata ang naging dahilan para magtampo na naman siya dito. Ang nasa isip niya, dati ay hindi basta sa text at tawag lang siya dinadaan nito para amuin. Mas madalas na pinupuntahan siya nito sa condo niya. At hindi nawawala ang bungkos ng bulaklak sa bawat panunuyo nito. Iyon ang hinihintay niya. Hindi baleng wala na itong dalang bulaklak. Basta puntahan lang siya nito ay kuntento na siya. Pero hindi nga nagpapakita si Paolo. Sa wari ay napuno na rin si Paolo sa kanya dahil nang sumunod na mga araw ay napansin niyang dumalang na ang pagte-text nito. Naging isang beses na lang isang araw ang pagtawag nito hanggang sa tuluyan nang tumigil. At lalo naman siyang nakadama ng sama ng loob sa binata. Ang tamang huwisyo niya ang nagsasabi sa kanyang pride niya ang talagang may kasalanan. Iyon din ang nagdidikta sa kanya na siya na ang kumilos para maayos na ang kanilang gusot. Pero muli, pride naman niya ang pumipigil. Blame it on her foolish pride kaya ang maliit sanang problema ay naging malaki na. Natanto ni Sydney na umabot na sa dalawang linggo ang hindi nila pagkikita at pag-uusap—pinakamatagal na panahon ng hindi nila pagkakaunawaan sa loob ng walong taon nilang relasyon. Nang dumating ang pagkakataon na magkita sila ni Paolo ay mas malaki pa sa kanya ang pride na iniharang niya sa sarili. Mas maraming sama ng loob ang ipinukol niya dito. Mas marami ding panunumbat. “I think we need space,” tipid lang na sabi ni Paolo at hindi pinatulan ang marami niyang litanya. “Space?” pikon na pikon namang wika niya. “Gusto mo lang yatang makipag-break na, eh.” Tiningnan siya nito nang ilang sandali. “Space,” sabi nito maya-maya. “Space? Bibigyan kita nang maraming space. Break na tayo!” histerikal na wika niya at tinalikuran si Paolo. “Sydney!” habol nito sa kanya. Pero nagkunwa siyang walang narinig. TATLONG araw ang lumipas bago tila nahimasmasan si Sydney sa ginawa niya. Kung hindi pa niya hinanap-hanap ang mga pagte-text at pagtawag sa kanya ni Paolo ay hindi pa siya magigising. Ang nasa isip niya ay bahagi pa rin iyon ng tampuhan nila sa isa’t isa. Pero nang tawagan niya si Paolo at hindi niya ito makontak, kinabahan na rin siya. She didn’t mean it. Umaatake lang ang pride niya kaya siya naghamon ng break-up. At parang nag-rewind ngayon sa isip niya ang huli nilang pag-uusap. Ayaw naman ni Paolo na mauwi sa paghihiwalay ang relasyon nila. All he was asking was space. At naisip niyang dumarating din naman sa magkarelasyon na kailangan nila ng espasyo sa isa’t isa. Kahit sa kagaya nila na parehong busy sa kani-kaniyang karera, baka nga makatulong sa paglalim pa ng relasyon nila kung magkakaroon sila ng espasyo sa bawat isa. Pero ipinagkait niya iyon kay Paolo. Sa halip, tinalikuran niya ito nang ganoon na lang. Pakiramdam niya ay nagpa-panic siya nang magmaneho siya patungo sa bachelor’s pad ni Paolo. Kagaya niya ay nag-e-enjoy ito sa independent living kahit na nga ba maluwag naman ang bahay ng mga magulang nito para dito. Nang hindi niya madatnan si Paolo sa pad nito ay gumapang na ang kaba sa dibdib niya. “Paranoid ka lang,” sabi pa niya sa sarili at inisip na baka gaya ng dati ay nasa trabaho lang si Paolo at nag-o-overtime. Pero alas dies na ng gabi. Usually, nag-overtime man si Paolo ay nakauwi na ito nang ganoong oras. Hindi niya tinigilan ang pagkontak sa cell phone nito. Nang hindi pa rin niya makontak, mismong mommy na ni Paolo ang tinawagan niya. “Sydney, hija, napatawag ka?” magiliw pang sagot nito sa kanya, si Mrs. Paula Vegafria. “Mommy, kukumustahin ko lang po sana si Paolo,” kaswal na sabi niya.   Noon pa man ay mommy’t daddy na ang tawag nila sa magulang ng bawat isa. Kagaya sa kanila, open din naman ang relasyon nila sa pamilya ng binata. Iyon nga lang, hindi siya sigurado sa sitwasyon nila ngayon. Kung tinotoo ni Paolo na break na nga sila—gaya ng pakiramdam niya ngayon, hindi malayong alam na rin iyon ng mommy nito dahil close ang mag-ina. “Hindi ka pa ba tinatawagan ni Paolo? Katatawag lang dito, ah? Okay naman daw ang biyahe niya. Maayos din daw ang staffhouse na kinuha sa kanya ng kumpanya.” “Biyahe po?” gulat na reaksyon niya. “Bakit, hija, hindi ba niya nasabi sa iyo na pupunta siya sa Singapore? Sa mother company ng bangkong pinapasukan niya.” “Eh, may tampuhan po kasi kami lately,” amin niya. “Tsk! Umalis si Paolo na hindi kayo nagkakaayos?” sabi nito na para na niyang nakikinitang pailing-iling pa ito. “Paano ngayon iyan? Six weeks ang training na dadaluhan doon ni Paolo. Sa kuwento niya sa akin, kailangan niya ang training na iyon para mapasakanya iyong promotion. Tatlo yata silang kandidato para ilagay sa puwestong iyon.” “Baka po puwedeng mahingi ang number niya doon.” “Sa cellphone siya tumawag kanina. Unregistered ang number. Hayaan mo, sa susunod niyang pagtawag ay babanggitin kong hinahanap mo siya. Kailangang magkaayos na kayo. Matagal din ang anim na linggong itatagal niya doon.” “Thank you po, Mommy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD