HINARAP ni Royal ang mata ni Dalton na malamig na nakatunghay sa kanyang katawan. Noon niya napansin ang hawak nitong bote ng Pink Fantasy. Inilapit nito iyon sa bibig at saka lumagok. Nabigla siya roon. Dalton would never drink this drvg! Would he? He chugged plenty of it! Halos mangalahati iyon matapos nitong ilayo sa labi. Lumapit ito sa kanya. “Drink!” Her eyes were wide in shock. “No!” “Why? Hindi ba’t produkto n’yo ‘to? Drink!” Muli nitong iniabot sa kanya ang inumin. Royal gritted her teeth. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Dalton sa loob ng anim na taon, ngunit hindi maganda ang epekto ng alak na iyon. Hindi ba nito alam na iyon ang ikinamatay ng kapatid nitong si Mateo? Lumapit ito. Halos sumunod ang kanyang balahibo sa balat ng lalaki. Inilapit nito ang bibig

