THIS is not right! Kapag dinala siya ni Dalton sa bahay nito, kapag naging babae siya nito, sigurado na wala siyang laya! Hindi lingid sa kanya na may mga babae talaga ang bawat mademen sa komunidad nila. Iilan ang babae ng kanyang ama. May mga babae rin si Duran o kahit sino sa tauhan nito. Isa siyang Balaguer! Presidente siya ng club! Hindi siya papayag na maging isa sa mga babae ni Dalton Resuelo! Napuna niya na may mga nakasunod na convoy sa kanila. Ang anak niya, paano ang anak niya kung sasama siya rito? Nanikip ang kanyang dibdib. Kailangan niyang makaalis sa poder nito at ipahatid si Prinz sa kanyang kaibigan sa Amerika, bago malaman ni Dalton o ng kahit na sino ang tungkol sa kanyang anak. Pumasok ang sasakyan sa loob ng pribadong lupain bago iyon huminto sa tapat ng nag

