“MISS Balaguer, kailangan namin ng interview!” makulit na wika ng reporter mula TV News. Pinoprotektahan si Royal at Samantha ng sampung tauhan dahil andaming nakikiusisa sa paligid. Inihaharang ng mga guwardiya ang sarili sa ilang makulit na reporters at photographers na naroon sa pinangyarihan. “Miss Balaguer, kailangan lang namin ng interview dahil marami ang naghihintay ng statement mula sa ‘yo!” “Miss Balaguer, nalaman namin na nasunog din ang villa mo. May mga nasagasaan ka bang mga tao na posibleng gumawa nito?” Maayos siyang naprotektahan ng ilang tauhan. Wala siyang sinagot kahit isa at tila inisip na wala ang mga iyon sa paligid. Kailangan niyang dedmahin na muna ang mga ito. Alas-siyete na ng gabi ang oras. Kabado silang parehas ni Samantha. Tumuloy sila sa inuupahang

