BUMANGON si Samantha para magpunta sa palikuran. Lumabas siya ng silid para tawagan na rin ang sekretarya nila ni Royal at magpadala ng gamit dito. Kalalabas pa lang niya ng banyo ay napatigil siya sa pagkilos. “Miss Sam!” masayang tawag sa kanya ni Prinz, kapapasok lang nito sa loob ng suite. “What? Anong ginagawa mo rito?” Hindi ba’t nasa hotel sila ni Royal? Nakasunod dito ang malaking bulto ni Dalton. Tila anak ng yelo sa lamig na walang reaksiyon. Tuloy-tuloy ito na pumasok sa loob ng kuwarto. “Hoy! Inaantok pa ako!” asik niya. Ngunit flat at makapal na kahoy ang bumagsak sa kanyang mukha. Mabilis na ini-lock ng lalaki ang pintuan. That bastard! “What are you doing here?” tanong niya kay Prinz. “Sabi ni daddy, we can use this room.” Ipinakita nito ang key card sa kanya. “Au

