“NOW, now… I want you to kill my son. Can you do that for me?” ani Senyor Resuelo bago nito tinapos ang tawag kay Royal. “Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Samantha. Pumasok ito sa loob ng inuupahan nilang opisina nang marinig ang kanyang sigaw. Nangangatog ang katawan ni Royal. Hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng kanyang luha. “Sam, hawak ng senyor ang anak ko. Hawak niya si Prinz!” “Oh, my God! Are you sure?” Hinagod nito ang kanyang likuran. “I saw him! I saw Prinz on the screen! L-let’s call Dalton.” Nanginginig ang kanyang kamay na tinawagan ang lalaki. Hindi naman nagtagal nang sumagot ito. “Yes, babe? May problema?” anito sa kabilang linya. “Dalton? Where is Prinz?” kinakabahan niyang tanong. “Kasama ko. Nandito kami sa playground malapit sa opis

