“CECILIA! Aba’y tanghali na! Anong akala mo rito sa bahay namin? Hotel?” Tila alarm ng bumbero ang bibig ng biyenan niya na umaalingawngaw sa kabahayan alas-siyete ng umaga. Masakit ang kanyang katawan mula sa paglilinis ng bakuran nito noong nagdaang araw. Kailangan niya pang asikasuhin ang kanyang anak na binakunahan din sa parehas na araw kaya hindi ito mapalagay. Mainit ito at talagang nakabantay siya. Nagawa niya pang labhan ang kasuotan nilang mag-ina na halos inuulit-ulit lang dahil wala silang gaanong gamit. “P-pasensiya na po kayo, ‘Nay! Masakit po kasi ang katawan ko,” aniya sa babae. Halos humaba ang nguso nito. “Aba’y! Pwede ba, ha? Anong ibig mong sabihin d’yan? Na inaalila ka rito sa bahay namin kaya masakit ang katawan mo?” Natahimik si Cecilia. “P-pasensiya na po

