AKALA ni Dalton, makakatakas na siya sa buhay bilang isang Resuelo sa barkong iyon. Malinaw ang plano nila ni Sergio, ngunit hindi nito nailigtas ang babae. Nakawala pa si Hunter dahil walang nakakaalam sa tunay na anyo nito. Masyado itong matinik. Bumalik ito sa Sicily para kunin ang trono. Sa loob ng tatlong taon ay dito siya nagre-report. Once again, he doesn’t have a choice. Hindi ganoon kadali makaalis sa mundo nila. Ang tanging paraan lang para maputol ang ugnayan sa komunidad nila ay makipagkita ka kay Satanas tulad ng naganap sa kanyang ama. Ang kapalit ng pagpayag niya kay Hunter ay hindi magkakaroon ng kahit anong ugnayan ang kambal sa community. Royal fought for it, he’ll continue doing it. They didn’t found Royal’s body. Iyon ang rason kaya hindi niya dinedeklarang na

