DALTON went to his villa. Lahat ng mga taong naiwan doon nang may maganap kay Royal ay ipinatawag niya. Nakaupo siya sa isang silya habang panay ang haplos sa balahibo ni Black. Tahimik ito sa kasalukuyan ngunit umaangil sa hindi natitipuhang amoy ng mga babae. “D-Dalton…” ani Julie, kinakabahan na tumingin sa kanyang aso. Inilapag sa harapan nito ang parehas na plato, ang kinakainan ni Black. “Dalton!” Nagsimulang umiyak si Julie kasabay ng takot. Hindi na niya kailangan pang ipaliwanag at sa paraang iyon ay nais niyang sabihin dito na alam niya ang mga naganap. “You…” Itinuro niya ang isa sa dalawa pang babae. Napapiksi ito at napatingin kay Julie. “Sampalin mo si Julie. I want it hard. I want to see blood!” Parehas na nanlaki ang mata ng mga ito. Lumuhod si Julie

