DALTON needs Royal to understand. Hindi siya maaaring makitaan ng kahinaan ng kanyang ama. At si Royal Balaguer ay malaking ebidensiya ng kanyang kahinaan. “Sleep, Roy…” Ipinikit muli ng dalaga ang mga mata nito. Mariing bumilog ang kamao ni Dalton. Akala niya ay tapos na siya sa tagpong ito ng kanyang buhay. Iniwasan niya si Royal sa loob ng anim na taon. Ang tanging ginawa niya ay magparamdam sa babae sa ibang paraan. Naalala ni Dalton ang palitan ng pag-uusap nila ng imbestigador na humagilap sa ilang taong nakaraan ni Royal. “Boss, Miss Balaguer went to the United States. Hindi masabi kung ano ang talagang rason kung bakit hindi natuloy ang kasal niya kay Denver Tolentino. Pero nakabuntis si Mr. Tolentino ng isang starlet noong mga panahon na iyon. Iyon na lang ang tanging

