NAGMAMADALING lumabas si Dalton! Nanginginig ang kanyang katawan. Tinungo niya ang townhall kung saan siya galing para ilabas ang lahat ng kanyang galit. Kung pinaglalaruan siya ni Bogart, nagkamali ito ng timing. “Nasa’n si Bogart?!” umaangil niyang tanong sa mga naabutan na tauhan. “Nagpunta sa bar si Bogart nang makita na nagtungo ka sa cabana, Boss!” “Tell Bogart to come here!” galit na utos niya. Tinawagan ng mga ito sa telepono ang lalaki. Ilang saglit lang bago ito humahangos na pumasok sa silid. Kunot ang noo nito. “Boss?” “Where did you get that woman?!” sigaw niya. Hindi nagdalawang-isip na hinugot ang baril mula sa bulsa ni Ismael at itinutok rito. Unang beses niyang umakto ng ganoon matapos ang ilang taon kaya nabigla ang mga tauhan na nasa paligid. Halos lahat

