HINDI makapaniwala si Royal habang nakatingin kay Jacob. “I-ikaw si Hunter?” “Walang duda! Oh, by the way, ako ang organizer sa lugar na ito. Gusto kong makita kung paano nga ba magpatayan ang kampo ng Resuelo at Balaguer.” Wala itong emosyon na para bang simpeng labanan lang ng mga gagamba ang magaganap. Mariing nakagat ni Royal ang labi. Nanggigigil siya sa isang ito. “D’you really think killing is funny?” tanong niya sa lalaki. Naiiling na lang siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa magiging mafia boss ng clan nila? Malamang ay natutuwa ito sa magaganap na labanan mamaya. Nilagpasan na ito ni Royal. Wala siyang panahon na idagdag ito sa dami ng problemang nakasalo sa kanyang plato. “By the way, I sent all those pieces of jewelry to The Jewels this afternoon. Sigurado na n

