MAALIWALAS ang kalangitan. Tila walang pagbabadya na may magaganap na sakuna o p*****n. Dalawang guwardiya ang nakabantay sa labas ng suite bukod pa kay Dante na nasa kabilang silid. Ang mga ito ang maghahatid sa kanila ng kanyang anak hanggang sa makasakay sa eroplano. Pumasok ang maglilinis ng suite. Personal niya itong tinawagan. May dala itong cart kung saan naroon ang mga ipapalit na sapin sa kama at mga tuwalyang ginamit. Pinakiramdaman ni Royal ang dalawang bantay sa labas. Mabait na nakaupo si Prinz sa isang silya habang naglalaro ng Lego. “Miss…” ani Royal. “Ano po ‘yon, ma’am?” “Bibigyan kita ng pera. Basta hayaan mo kami ng anak ko na makalabas dito,” ani Royal sa babae. “P-papaano po?” anito. Sa palagay niya ay hindi pa nito naiintindihan ang kanyang plano. Tini

