CHAPTER 9: Payment

1744 Words
“BOSS!” naririnig ni Dalton ang tinig ni Dante na tila ikinulob dahil sa makapal na ulap na nakaharang sa kanyang kamalayan. Nanlalabo pa ang kanyang mata at wala siyang maaninag kung hindi dilim kahit pa nga bahagya niyang idinilat ang mga iyon at pilit na inaapuhap ang mga tao sa paligid. “Kailangan ko ng back-up! Nasa panganib si Boss Dalton!” Wala siyang maramdaman kung hindi ang pagkadurog ng puso niya. *** DEJA VU! Mga beep muli sa aparato ang muling naglalaro sa kabila ng pandinig ni Dalton bago siya napasinghap at nagdilat ng mata. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Kakaunting liwanag muli ang kumakalat sa silid at may ilang kable na nakakonekta sa kanyang katawan. Gustuhin man niyang alisin ang mga iyon, masyadong mahapdi. Naghahalo ang pula, asul at violet na kulay sa kanyang balat. “Fvck!” he cursed after the sudden and unbearable pain crushing his limbs. “Boss?” Tulad noong una ay lumapit sa kanya si Dante. “Huwag mo na munang pilitin na tumayo. Tsk! Bakit ba masyadong matigas ang ulo mo? Sinabi ko na sa ‘yo na delikado ang pumunta o lumapit sa mga Balaguer.” Himala na nagawa niya pang ikuyom ang kanyang kamao kahit pa nga halos durog ang laman sa kanyang braso. Bumalik ang ala-ala niya mula sa pagkakasabog. Royal wanted to kill him! Pinaglaruan ng babae ang damdamin niya. “Sa kapal ng mga kahoy na inihampas sa ‘yo, alam mo ba na himala na nagawa mo pang magising? Wala ka nang buhay nang iahon kita sa Manila Bay! Mabuti na lang at nakabantay ako. Hindi lang ako makalapit dahil masyadong marami ang guwardiya na kasama ni Duran!” Tama ang sinabi ni Dante. Himala na nagising pa siya. Hindi na siya papayag na gawing basura ng isang Balaguer. Royal must pay! He will make sure she’ll pay. “Tawagin mo ang tatay ko! Kailangan ko siyang makausap!” “I’m here. Inaasahan ko na magtitino ka na at susunod sa kagustuhan ko!” Matino naman talaga siya. Iba lang sa interpretasyon ng ‘matino’ sa kanyang ama. “I’ll help you! Tutulungan kita na kamkamin ang kung ano man na pag-aari ng mga Balaguer. I’ll rule the fvcking world!” *** DINALAW si Royal ng kanyang ama isang umaga sa kanyang wing dahil naibahagi na ni Denver ang engagement nila noong charity event. Hindi na niya mababago pa ang alam ng publiko. Ilang linggo siyang laman ng social sites, blogs sites, at kahit ang mga kasama niya sa sorority ay nagsimula nang makiusisa. Ang usapan ay ikakasal sila ni Denver kapag natapos niya ang kolehiyo. Naroon sila sa dining area ng kanyang tirahan. “Iyan lang ang tangi mong magagawa bilang anak ko—ang magpakasal kay Denver!” ani Mr. Balaguer kay Royal habang naroon sila sa hapag. “That trash!” galit niyang wika. Nakikinita na niyang ito ang hihila sa kanyang pangalan kung sakali na magpakasal sila nito. Mula nang magbalik siya sa kanilang mansiyon ay malamig na si Mr. Balaguer sa kanya. Malaking ego ang nawala rito bilang pinuno ng grupo at pagkatapos ay hindi siya nabantayan na nag-iisang anak nito. Some of his men possibly laugh at him. Walang maintindihan si Royal sa sinasabi ni Mr. Balaguer dahil inaatake siya ng pagkahilo at paninikmura ng tiyan. “Nagkakaintindihan ba tayo, Royal Grace?!” Ngunit tuluyan nang hinalukay ang kanyang sikmura. Bigla ang pagtakbo niya sa pinakamalapit na lababo sa kusina. Doon siya sumuka. “Ano ang nangyari sa ‘yo?” tanong nito na may bahid ng pag-aalala. Ngunit saglit lang iyon matapos nitong mapagtanto ang nagaganap sa kanya. Hinablot nito ang mahaba niyang buhok at saka siya iniharap. Kita niya ang pagbabaga sa mata ng kanyang ama na halos gusto siyang patayin. “Are you fvcking pregnant?!” Hindi na niya maipagkakaila pa iyon kaya nag-unahan na tumulo ang luha niya. Malakas na hampas sa kanyang pisngi ang tinanggap niya mula rito kaya siya napasubsob sa sahig. “Miss Roy!” bulalas ni Elsa. Dinuro ito ng kanyang ama kaya wala itong nagawa kung hindi ang manatili sa kinatatayuan. “Dad, please…” “Sino ang ama niyan?! Walang hiya kang babae ka! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!” Muli itong lumapit at saka siya sinampal. Nalalasahan na niya ang sariling dugo dahil sa ginawa nito. “Ang bastardong Resuelo ba ang ama ng anak mo?” “No! It’s not him!” Itatago niya hanggang kamatayan ang pagkakaila kay Dalton. Sa loob ng Ilang linggo mula nang maghiwalay sila nito ay tuluyan niya na itong binura sa kanyang sistema. Binalot siya ng kanyang galit. “Pero ang demonyong si Victor Resuelo mismo ang nagsabi sa ‘kin na nagkaroon ka ng relasyon sa anak niya!” Galit na galit ito ngunit pinigilan ito ni Duran na kanang-kamay nito sa grupo. Hindi ito makapaniwala sa narinig. Gayunman nangako ito sa kanya na tutulungan siya nito. “Boss, kailangan mong kumalma. Siguradong pagsisisihan mo kung sakaling mapatay mo si Roy.” “Hindi ko kilala kung sino man ang anak ni Victor Resuelo! Ano ba sa sinasabi niya ang totoo? Baliw ang isang iyon!” sigaw niya rito habang humahagulgol. “Boss, tama si Roy. Demonyo ang isang iyon at nababaliw. Pinaglalaruan lang tayo ni Victor. Hindi gano’n katanga si Roy para magkaroon ng relasyon sa bastardo ni Victor,” katwiran ni Duran. Lalo siyang naiyak dahil iyon talaga ang kinahinatnan ng buhay niya. Siguradong mapapatay talaga siya ng kanyang ama kapag nagsabi siya ng totoo. “Hindi ko kilala kung sino man ang anak ni Victor Resuelo! Wala akong kaugnayan sa kanya! I-isang tipikal na lalaki ang nakarelasyon ko sa probinsiya.” Habang lumuluha ay nagkikiskis ang kanyang ngipin. Nagdidilim ang mata ni Duran. Alam niya. Mailigtas man niya ang sarili niya sa kanyang ama, hindi rin ligtas ang anak niya sa lalaki. Mas doble ang galit nito sa mga Resuelo sa kung ano man na dahilan. “I will kill that fvcker who touched you!” nanggigigil na sabi ni Mr. Balaguer. Inabandona na ang coffee shop ni Fernanda kung saan siya nagtrabaho kaya sigurado siya na wala rin itong makikilala at mapapatay kung saka-sakali. “Ipalaglag mo ang anak mo! Iyon lang ang tanging paraan para makasal ka kay Denver!” “No!” Matigas siya sa bagay na iyon. Kinuha niya ang kutsilyo na naroon sa mesa at itinutok sa kanyang leeg. Napasinghap ang lahat ng naroon sa dining area. “Miss Roy!” Naiiyak si Elsa at hindi alam ang gagawin. Lumayo siya sa mga ito. “Patayin mo na lang din ako! Sinunod kita mula pa bata ako, pero hindi ako papayag na patayin mo ang anak ko!” galit na sigaw niya sa kanyang ama. “Royal Graaaace!” Dumagundong ang galit na tinig ni Mr. Balaguer sa kabuuan ng mansiyon. “Mamamatay na muna ako bago mo galawin ang anak ko!” Ramdam niya na ang hapdi sa kanyang leeg na halatang nagkaroon na ng hiwa iyon mula sa matalas na kutsilyo. Tumalikod ang kanyang ama matapos makita ang pulang likido na dumaloy sa kanyang balat. Nakatiim ang bagang nito habang iniisip kung saan ba ito nagkamali sa pagpapalaki sa kanya. “At ano ang gusto mo? Pagtawanan ako ng mga tao dahil ang nag-iisa kong anak na babae ay binuntis ng kung sinong hayop? Inalagaan kita, Roy! Ibinigay ko sa ‘yo ang lahat ng gusto mo! Ito ba ang isusukli mo sa ‘kin?” Alam ni Royal na mahalaga sa pamilya niya ang reputasyon. Kahit siya nga ay nasa kolehiyo pa. Paano ang pag-aaral niya? Paano ang mga taong tinitingala siya bilang isang perpektong babae? Humahagulgol siya dahil kabilang siya sa mga babaeng tinutulungan ng kanyang sorority na dumadanas ng unwanted pregnancy. Gayunman, matibay siya! Hindi ito ang papatay sa kanya. “Boss, walang nakakaalam na buntis si Royal bukod sa ating nandito sa dining area. Pwede niya itong itago,” mungkahi ni Duran. Nagdaan ang mahabang katahimikan bukod sa mga pag-iyak ni Royal. Alam niya na ikinokonsidera iyon ng kanyang ama. Walang tao sa kanyang tirahan kung hindi silang apat. “Fine! Manganganak ka sa Amerika! Papayag ako na mabuhay ang anak mo pero hindi ako papayag na sirain mo ang pangalan ng mga Balaguer! Hindi mo dadalhin dito ang anak mo mula sa kung sinong gago! Walang makaaalam sa bagay na ito kung hindi ang mga tao lang sa silid na ito at ang mommy mo na nasa Amerika, malinaw ba?” Nagbigay ito ng utos kay Duran. “Patayin mo kung sino man ang may-ari ng bibig na maglalabas ng tungkol dito.” Nilingon nito si Elsa. Lumuhod ang huli habang nanginginig sa takot. “Senyor! Tikom ang bibig ko! Wala kayong maririnig mula sa ‘kin! Pakiusap! Huwag n’yo po akong papatayin!” “I trust Elsa!” ani Royal. Binitiwan na niya ang kutsilyo dahil may tiwala siya sa ibinibigay na utos ni Mr. Balaguer. Hinila niya si Elsa at itinago sa kanyang likuran. Alalay niya ito mula pa bata siya at itinuturing niya na itong kaibigan. Sigurado siya na ililihim nito ang tungkol doon. Binigyan siya ng hindi kaaya-ayang tingin ng may-edad na lalaki. He was really disappointed in her. “Pagbibigyan kita ngayon, Roy. Manganganak ka sa Amerika at iiwan mo ang anak mo sa mommy mo na parang walang nangyari. Kapag sumuway ka sa ‘kin, hindi ko maipapangako na mananatili ang anak mo na buhay kahit naroon pa siya sa poder ng mommy mo!” Umalis na ito sa kanyang paningin. Nagyakapan sila ni Elsa habang umiiyak. Tatanggapin niya ang kabayaran at kundisyon na sinabi nito masiguro lang niyang ligtas ang kanyang ipinagbubuntis na wala namang kasalanan. Hindi tama na siya ang gumawa ng katangahan at ang sanggol niya ang magbabayad. She gritted her teeth. Kung ito ang paraan para makaligtas ang kanyang sanggol. Tapos na ang paniniwala niya na ang mundo ay simple lang at makulay. Dismayado siya sa kanyang sarili, ngunit ipinangangako niya na poprotektahan niya ang kanyang anak. Hindi dapat malaman ng kanyang ama na anak ito ni Dalton na isang Resuelo. Kinilabutan siya matapos mapagtanto na isa pa sa problema niya si Victor. Kapag nalaman din nito na nagdadalang tao siya sa posibleng maging lider ng grupo nito, sigurado siya na hindi siya ligtas. Mamamatay na muna siya bago gamitin ng lahat ang kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD