“So, how's your sleeping baby? Oh... Look at you, your face is blushing now. I'm getting curious here, tell me, did something happen? Tell me baby Cars, I don’t want to guess.”
When she woke up, she saw Inno sleeping beside her. She was wrapped inside her blanket and Inno was hugging her outside. She was happy to see him, but at the same time, she is afraid of what will happen next. She knows that she has enough confidence but right now, she doesn't know anymore. She tried not to move, so that she would not awaken Inno. She gently touches his face, and this is the best feeling that she is with him. She was intently staring at him, as she was swallowed with drowsiness.
“Hey! Are you really listening to me?” Iue shouted in her ear. Para siyang nagising sa mahabang pagkakatulog. “You're out of the world baby, and my mind tells me that something really happened last night. Now tell me, I’m getting impatient here.”
“Nothing happened Ayu, huwag kang magulo diyan.”
“Malalaman ko rin 'yan baby. Nasaan na ba si Kiel, nagugutom na ako,” reklamo nito.
“Bakit ba kasi hindi ikaw ang bumili ng pagkain mo, lagi mo na lang inuutusan si Kiel. Tubuan ka naman ng hiya.”
“Tigilan mo ako baby. Now tell me, what's your plan about your feelings?”
Carmeline shrugged. “I still don't know what to do but I think I just follow what I feel, despite the circumstances I will face. I realized that I need to be true, I will not hide the real me anymore. But I will still hide my hidden secret. I still want a normal life here even if I will show my true colors.”
“If you don't have a plan then I have, but please tell me what happened last night, so I would know if my plan is right.”
“Stop Ayu, I know you’re just making a little scene of yours.”
“Baby Cars naman, I just want to tease him a little.”
Wala nang nagawa si Carmeline kaya sinabi niya na rito ang buong nangyari kagabi noong iwan sila nito. Sinabi rin nito ang mga pinaplano, ngunit parang hindi niya kakayaning gawin iyon. Kakaiba talaga ito mag-isip, mas matanda ba talaga ito sa kanya? Pero bakit mas mukha pa itong batang isip sa kanya.
Nang marinig na magbukas ang pinto ng dorm nila ay bigla na lang siya hinatak ni Iue at yinapos. Labag talaga sa loob niya ang plano nito, subalit dahil gusto niya rin naman malaman ang magiging reaksyon ni Inno ay pumayag na siya. Ramdam niya ang masamang pagtingin ni Inno. “Hi Bryle, I hope you don't mind na pinuntahan ko ang baby ko. Namiss ko kasi agad siya eh. Thank you nga pala sa pag-aalaga mo sa kanya kagabi.”
Nagtagis ang bagang ni Inno sa tinawag nito kay Carmeline. Nawala lang siya saglit ay may nakayakap ng iba rito. Siya dapat ang yumakap rito at hindi ang Emperor. Nagtapat na si Carmeline sa kaniya kagabi na may gusto ito sa kanya, kaya wala itong karapatan dito. Ikaw ba may karapatan kay Carmeline? Sigurado ka bang hindi lang dala ng kalasingan nito ang pinagsasabi niya? Huwag ka munang umasa baka hindi naman talaga totoo iyon, munting banggit ng kanyang isip. Totoo nga ba ang mga narinig niya kagabi? Bakit ba kasi siya umalis kaninang magising siya at hindi hinihintay si Carmeline na magising? Baka mamaya, nagalit ito sa kanya dahil nangako pa siya kagabi na kapag nagising ito ay nandyan pa rin siya sa tabi nito. Ayan tuloy, hindi niya na sigurado kung alin ang katotohanan at alin ang kasinungalingan.
“Yeah I don't mind. Kahit hindi ka magpasalamat ay aalagaan ko si Carmeline. Kasi alam kong siya na ang babaeng para sa akin, kaya habang maaga pa ay lumayo ka na sa kanya.” Nakita niya ang gulat sa mukha ni Carmeline. Mukhang wala itong naaalala sa nangyari noong nakaraang gabi. Sabagay tulog din naman ito ng iniwan niya sa kuwarto, at wala rin siyang iniwan kahit sulat man lang na inaalagaan niya ito. Kaya normal lang na magulat ito. “Carmeline, come here.”
Agad namang tumalima si Carmeline at lumapit sa kinaroroonan niya. “What is it, Inno?”
“Drink this.” Inabot niya ang gamot kay Carmeline. Sinunod naman ng dalaga ang kanyang utos. Wala ba talaga itong naaalala? Pero bakit pakiramdam niya mayroon. “Sweetie don't stay close to the Emperor, you don't want me to get jealous right.”
Matapos niyang sabihin iyon ay pumunta siya sa pinto ulit ng dorm upang pagbuksan ang kumakatok. Nang mabuksan niya ang pinto ay iniluwa nito ang Duke Royalty. “Hi, naparito ako para kay baby Cars at Ayu, dinalhan ko kasi sila ng makakain. Nandito ba sila?”
Bago pa man siya makasagot rito ay nakita niya kung paano ito yakapin ni Carmeline. “Kiel help me, binubully ako ni Ayu.”
“Hindi na talaga kayo nagbagong dalawa.”
“Did you buy food? Sabi ni Ayu pinabili ka raw niya.” Tumango naman ito at pinakita kay Carmeline ang dalang supot na may pagkain. “Halika pasok ka dali, wag nating bibigyan yang si Ayu, panira ng lovelife 'yan.”
What's going on? Ano ang ibig sabihin ni Carmeline na naninira ng lovelife ang Emperor. Does she mean her lovelife? Or their lovelife? Dapat na talaga siyang kumilos para malaman ang totoo. Kung may may gusto rin ba si Carmeline sa kanya o wala, ngunit kung wala ay gagawin niya ang lahat para magkagusto ito sa kanya.
Hindi pa man siya nakakalayo sa pinto ay nagbukas itong muli. Iniluwa nito ang mga kaibigan niya. This is disaster, lahat na yata ng royalties ay narito sa dorm nila. Maliban lang kay Carmeline na isang ordinaryong estudyante. Mukhang kailangan niya ng dobleng proteksyon para kay Carmeline.
“Dude, are you okay?” tanong ni Iven.
“Ah yeah, I'm okay. Anyway the Duke and Emperor is here. Mukhang close talaga ni Carmeline ang dalawa.”
“You know what Inno, don't mind them. Fight for your feelings, we will support you.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Iluvio. Tama ba ang naririnig niya? Sumusuko na ba ito? “I forfeit, I know na wala akong laban. Also, nahanap ko na ang babaeng para sa akin, kaso mukhang mahihirapan din akong maging akin siya.”
“Thanks bestfriend. Let’s talk later about the girl you like.”
“Hey, kain kayo marami akong nabiling pagkain.” Narinig niyang pag-aya ni Izekiel sa kanila. Nakita naman nilang inaayos nito sa sala ang pagkain. Si Carmeline naman ay busy ng kumain ng chocolate doughnut, habang ang Emperor ay katabi nito sa upuan at busy na ring kumain.
Tinulungan ng mga kaibigan niya si Izekiel sa pag-aayos, siya naman ay itinulak nito papunta sa kinauupuan nina Carmeline. Wala na siyang nagawa kaya naupo na lang din siya roon. Hindi naman kumibo si Carmeline ng maupo siya sa tabi nito, kahit sulyap ay hindi rin nito ginawa. Naiinis pa rin siya dahil ang lapit nito sa Emperor, kaya pinulupot niya ang kamay sa katawan nito at hinila papunta sa kanya.
Natigil ang lahat sa nasaksihan. Tapos na kasi sa pag-aayos ng pagkain ang iba at saktong paupo na sila sa lapag ng makita nila ang ginawa ni Inno. Kitang-kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Carmeline at ng Emperor. Pero ang mas ikinagulat nila ang pagtuloy lang sa pagkain ng Emperor at hindi pinansin ang ginawa ni Inno. Akala nila ay iyon lang ikagugulat nila, ngunit may mas grabe pa pala at pati si Inno ay nagulat din. Matapos makabawi ni Carmeline sa pagkakagulat ay sumandal ito sa balikat ni Inno at pinagpatuloy na ang naudlot na pagkain.
“Emperor, hindi ba't baby ang tawag mo kay Carmeline? Girlfriend mo ba sya?” tanong ni Izaiah na siyang bumasag sa katahimikan sa loob ng dorm.
“Stop calling me Emperor, masyadong pormal, just Iue. Anyway, baby Cars ko kasi itong babae na ito. You know we're childhood lovers.” Naramdaman naman ni Iue ang masamang titig mula kay Inno kaya nginitian niya lang ito at nag-peace sign.
“Huwag kayong maniwala kay Iue, hindi sila childhood lovers. Gusto lang talaga mang-asar niyan. Carmeline is our baby Cars, sana hindi na kayo mailang kung 'yon ang tawag namin sa kanya. Iyon na kasi ang nakasanayan, dahil magkababata kaming tatlo.”
Napatango naman ang lahat, nalinawan na sila sa relasyon ng tatlo. Nakahinga naman ng maluwag si Inno na malaman na hindi niya ito karibal kay Carmeline. “So anong status niyong dalawa?”
Napatigil sa pagkain si Carmeline at napatitig kay Iven na nagtanong. Nang maintindihan ang tanong nito ay napatingin siya kay Inno, na siya rin pa lang nakatitig sa kaniya. “So tell me sweetie, what’s our relationship status now? Are we enemies, friends, or lovers?”
Sa sobrang hiya ay nagtago si Carmeline sa mga braso ni Inno. Natawa naman ang lahat sa ikinilos ng dalaga. Napangiti naman si Inno, hindi niya inaasahan ang ginawa nito pero masaya siya at hindi ito nag-walk out. Mukhang naaalala nito ang pag-aalaga niya kagabi. Napuno ng tawanan ang dorm nila. Samu't saring asaran ang nangyari sa pagitan ng Emperor at ng mga kaibigan niya. Pero ang pinakamasaya ay nasa tabi niya na ang babaeng itinitibok ng puso niya.