Isang linggo na ang lumipas magmula ng malaman niyang pareho sila ng nararamdaman ni Carmeline. Isang linggo na rin ng huli niyang nakita ang dalaga. Matapos kasi ng kasiyahan nila ay tumawag ang kanyang ama, kailangan niyang sumama sa dinaluhan nitong seminar. Hindi siya tumanggi sa paanyaya nito dahil alam niyang makakatulong iyon kapag siya na ang nagpapatakbo ng kanilang kompanya. Nagpaalam siya kay Carmeline at hindi niya inaasahan ang sinabi nito.
“Bakit ka pa nagpapaalam sa akin? It's about family matter, you don't need my consent.” nakangiti nitong sabi sa kanya.
“Yes I do, I want to know if it is okay with you?? I'll be away from you for about a week, I don't know if I can make it without you. If you want me to stay just tell me, because that's what I want to do.”
“Silly you hot headed guy. Sumama ka, alam kong importante 'yon. Huwag mo rin akong tatawagan dahil hindi ko sasagutin tawag mo. Hindi ko rin sasagutin mga message mo sa akin, para lalo mo akong mamiss.”
“Huwag na lang kaya ako sumama, mukhang hindi ko kakayanin hindi marinig ang boses mo.” Lumapit ito sa kaniya at yumakap. Napahiyaw rin siya dahil sa biglaang pagkurot nito sa kanyang tagiliran.Hindi pa ito nakuntento at tinusok-tusok pa nito ang tagiliran, animo'y hinihintay na makiliti siya.
“Sumama ka o hindi kita papansinin. O kaya wag na lang ako magpakita sayo, itutuloy ko na lang ang paglipat ko ng dorm.”
Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga, hindi niya yata kakayanin na hindi ito makasama sa iisang dorm. Lalo na ang hindi ito makita o tratuhin siya nitong parang hangin. Hindi maaari, matapos niyang magpakatotoo sa nararamdaman ay mawawala na ito agad sa kanya. Hindi! Hindi siya makakapayag. “Alright I'll go with my dad, but don't you ever leave this dorm. If you do, I will hunt you and impregnate you so that you can't run away from me anymore. Understood?”
“Ano ba 'yang nasa isip mo Inno? Are you maniac now? Kadiri ka naman, umalis ka nga sa tabi ko manyak.”
“Just only to you my sweetie. You're driving me away now. ” Nakasimangot ang dalaga na siya namang ikinatuwa niya. Carmeline never fails to make him laugh. “Come here sweetie, you deserve to be punished now. Don’t run away from me sweetie, I’ll promise that I’ll give you a gentle punishment.”
Hindi niya mapigilang mapangiti dahil lahat ng pangarap niya ay nangyayari na. Kasama niya na ang dalaga at pareho sila ng nararamdaman sa isa’t isa.
“Anak, hindi ka pa ba babangon diyan sa higaan mo? Baka mahuli ka sa klase mo, isang linggo ka ng liban sa klase baka nalilimutan mo.”
Napabalikwas naman siya agad sa pagkakahiga, sobra kasi siyang napagod dahil hindi lang seminar ang pinuntahan nila, kundi pati mga client meetings ng Daddy niya. Pinanindigan din ni Carmeline na hindi sagutin ang tawag niya, kaya ang pagod niya sa mga ginawa nila ay hindi nawala dahil hindi man lang niya narinig ang boses ng babaeng mahal niya.
“You may go out now Mom, I'll fix my things now.” Alas-onse na ng gabi sila nakauwi ng kanyang ama mula sa biyahe, kaya hindi na niya nagawa ng umuwi sa dorm nila dahil pagod na rin siya. Kung hindi siguro siya ginising ng ina ay hindi siya nag-aasikaso ng bumangon. Kulang pa ang tulog niya, ngunit naalala niya na may gagantihan pa siyang babae. Ang babaeng 'yon ay binalewala siya ng isang linggo at hindi rin nagparamdam.
Ano kaya ang puwede niyang gawin para makaganti rito? Sobra siyang nahihirapan kaiisip kung ano ba ang kalagayan nito habang wala siya, kung kumakain ba ito sa tamang oras o wala bang gumugulo rito. Ibinilin niya rin naman sa mga kaibigan na bantayan si Carmeline habang wala siya, ngunit hindi niya pa rin maiwasang hindi mag-alala lalo na at ang kaaway nito ay si Chia. Ang sabi ng mga kaibigan niya ay wag siyang mag-alala, kaya raw ni Carmeline na ipagtanggol ang sarili nito at hindi rin nila ito pababayaan. Pero hindi maiwasang hindi siya mag-alala dahil kahit ang mga kaibigan niya ay hindi niya rin makontak. Mukhang nakipagsabwatan din sa mga ito ang dalaga. Humanda talaga ang mga kaibigan niya at mukhang itinakwil siya ng mga ito. Wait for me my sweetie Carmeline, I'll make sure that you'll be punished.
“Ouch!”
“Are you okay Carms? What happened?”
“I'm okay nakagat ko lang 'yong dila ko.”
“Mukhang may nakaalala sa 'yo bestfriend. Baka si Inno 'yon, hala lagot ka! Hindi mo pala siya tinawagan kahit isang beses lang, humanda ka na at lagot ka.”
“Tigilan mo nga ako Iluvio. Lagot niya mukha niya, hindi ako takot sa kanya no! Baka siya pa matakot kapag hindi ko siya pinansin.” Katabi niya na muli si Iluvio, simula noong umalis si Inno. Ayos na rin naman siya at nakapag-usap na sila ni Iluvio, kaya hindi na siya naiilang dito.
“Sinong takot Riedes?” Napatayo siya ng biglaang may nagsalita sa kanyang tainga. Nasa likod ng kinauupuan niya si Inno at nakangisi ito sa kanya. “Hindi ka takot sa akin di ba? Ako 'yong takot kapag hindi mo ako pinansin di ba? Bakit hindi mo sabihin sa harapan ko ngayon. Iluvio move, simula ngayon diyan na ako uupo sa tabi ni Riedes.”
Sinamaan niya ng tingin si Iluvio para hindi sumunod kay Inno, ngunit ito ang kanyang bestfriend ay nakangiti pang kumakaway sa kanya habnag nakikipagpalit ng puwesto kay Inno. Ngayon ay nasa harapan at katabi niya na si Inno. Umayos siya ng upo at hindi pinansin si Inno. “Bakit parang tense na tense ka Riedes? Hindi ka takot sa akin di ba?”
Aba! Magdusa ka diyang lalaki ka! Akala mo kung sino ka.
“Ta-tama na I-Inno. Ah! Tama na, ti-tigilan mo na 'yan.” Nagsisisi na siyang hindi niya pinansin si Inno dahil kiniliti siya nito nang kiniliti. Halos lahat na yata ng kaklase niya ay nakatingin sa kanila ni Inno. Panigurado na may bagong isyu na umusbong na tungkol sa kanila.
“Hey sweetie, you okay?”
“Do you think I'm okay? Gosh Inno, muntik na akong hindi makahinga. Are you going to kill me?” Inirapan niya ito. Inayos niya na ang sarili at baka dumating na ang instructor nila. Naramdaman naman niyang may sumandal sa balikat niya.
“I'm sorry, I just miss you so much. You didn't answered my calls, even my messages. I'm so incomplete without hearing your voice.” Naawa naman siya rito. Halata sa mukha nito ang pagod. Kaya hinayaan niya na itong nakayakap sa kanya habang nakasandal sa balikat. “Let's skip class, I'm hungry sweetie. I didn't eat breakfast at home because I wanted to see you right away.”
“I don't want to skip class, here I had made a sandwich for you. Eat this, while we don't have a instructor yet.” Hindi naman nagdalawang-isip si Inno at kinuha ang binigay niya at tahimik na kumain ito habang nakasandal sa kanya.
“Ehem! Ang daming langgam. Grabe ang sakit mangagat ng langgam na ito. Tulungan mo nga akong itaboy 'yong langgam Crea.” Napatingin siya sa kaklaseng si Iance.
“Tigilan mo nga akong unggoy ka. Kung naiingit ka Iance, aba lapitan mo si Inno at sabihin mong ikaw ang yakapin niya at hindi si Carmeline.” Nagsitawanan naman ang lahat ng marinig ang sinabi ni Crea, si Iance naman ay napanguso na lang. Napangiti naman si Carmeline ng marinig na tumatawa na rin si Inno at nakikisalamuha sa mga kaklase niya. Hindi tulad ng dati na sobrang lamig ng pakikitungo nito. Sana nga maging okay na ito at huwag ng maging masungit pa. “Crea naman, ang manhid mo talagang babae ka. Ayoko kay Inno, hindi ako bakla no! Pusong bato ka talaga no, sa ‘yo kaya ako nagpapalambing. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin.”
“Tigilan mo nga ako sa trip mo Iance, huwag ako iba na lang.”
“Manhid si Crea. Manhid si Crea. Manhid si Crea. Manhid si Crea.” Binatukan ni Crea si Iance kaya tumahimik ito at ngumuso na lang. Habang ang lahat naman ay walang tigil sa katatawa. Hindi nawawala sa araw-araw ang ganitong bangayan ng dalawa.
Ang swerte niya at nagkagusto sa kanya ang lalaking katabi niya. Kahit na ito ang unang beses na makaramdam siya ng sobrang pagkagusto sa isang lalaki ay hindi siya magsisisi. Sino ba naman kasi ang magsisisi kung sa isang gwapong royalty siya umibig, at higit sa lahat ay sobrang sweet nito. Hindi ito nakakalimot na mag-message sa kanya kahit na hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Sana ganito na lang siya kasaya. Wala na sana silang kaharaping problema, subalit alam niyang napakaimposible noong mangyari. Susulutin na lamang niya ang mga panahong ito, at ihahanda ang sarili sa mga pwedeng mangyari sa susunod na mga araw.