Paradise 18

1648 Words
“What should we do to this guy?” Izaiah asked. Magkakasama ang magkakaibigan sa kanilang tambayan maliban kay Iven na kausap ngayon sa Visitation Hall ang mga magulang. Panigurado na tungkol sa business ang pinag-uusapan ng mga ito. Wala silang mga instructor sa araw na ito dahil may biglaang meeting na naganap sa Faculty Room. Si Inno naman ay labag sa loob ang pagsama sa mga kaibigan, wala kasi siyang magagawa dahil wala naman si Carmeline, kasama nito ang Emperor. Nagpaalam ito sa kanya na sasamahan ang isip-bata na si Iue. Labag man sa loob ang pagpayag niya ay wala siyang magagawa, kapag hindi napagbigyan ang gusto ng Emperor ay nagwawala ito na parang batang paslit. Hindi nito hinahayaan na magkaroon sila ni Carmeline ng oras na para sa kanila lang. Minsan na kasi nitong ginawa iyon noong hindi sinunod ni Carmeline ang gusto nito. Sa classroom, sa cafeteria, sa tambayan nilang magkakaibigan, sa dorm at kahit na sa kuwarto nila ay hindi nito nilubayan si Carmeline. Kulang na lang ay isama na nito ang comfort room ng mga babae. Kaso kapag nagpunta naman ng restroom si Carmeline, ay siya naman ang ginugulo ni Iue. Hindi niya talaga inakala na ang kinatatakutan ng lahat na Emperor ay isa pa lang isip-bata at ang kinatatakutan nito ay walang iba kundi si Carmeline Riedes. Hindi niya tuloy nagawang ma-solo ang soon-to-be girlfriend niya. Oo, soon-to-be dahil aayain niya na itong maging kasintahan niya. Kung puwede nga lang ay magpakasal na sila para wala na talagang makapaghihiwalay sa kanila. But, he will take it slow. Hindi niya mamadaliin si Carmeline, dahil gusto niyang mag-enjoy muna ito sa mga bagong karanasan na tinatamasa nito. Naikuwento na kasi ni Carmeline sa kanya na ito ang unang beses na nararanasan nito na mag-aral sa labas ng bahay nila. Naiintindihan naman niya ito at sisiguraduhin niya na ang bawat unang beses nito sa iba’t ibang bagay ay lagi siyang kasama. He wants her to remember that he was with her when she experienced the things she never experienced in her whole life. “Iluvio, umamin ka na kasi, sino ba kasi ‘yong babae na pinagkakaabalahan mo.” Hindi pa rin tinigilan ng kambal si Iluvio hangga’t hindi nila ito mapapaamin. Noong isang araw pa nila ito kinukulit ngunit para lang silang hangin sa paligid ni Iluvio. Ngunit wala sa bokabularyo ng kambal ang sumuko. “I won’t tell you idiots.” “Hindi mo sasabihin, sige gagawa na lang kami ng paraan para malaman namin. Maybe, this is the right time to use my expertise.” Animo ay naging isang tigre si Iluvio na gustong manglapa ng tao. Sobrang sama ng tingin niya sa kambal. “Don’t you even dare.” Bago pa mapunta sa bugbugan ang pagtatalo ng mga ito ay pumagitna na si Inno. “You two, stop teasing Iluvio. He has the right if he doesn't want to tell us who the girl is, don’t force him. But even if you don’t want to tell us the name, I’m commanding you to tell us how you met her and why your eyes tell us that you fell in love with her in a short period of time. Still it’s your choice if you're going to speak now for those two idiots to stop interfering in your own lovelife or not, and let those two mess your private things.” Napabuntong hininga naman si Iluvio, mukhang wala na talaga siyang takas sa mga ito. Wala naman sigurong masama kung sasabihin niya sa mga ito kung paano niya nakilala ang babae. Si Inno naman ay pinag-aralan ang ekspresyon ng kaibigan, inaalala siguro nito ang pagtatagpo nila ng babaeng tinutukoy ng bestfriend niya. Nakikita niya kasi rito ang kakaibang awra, hindi ito katulad noong lagi nitong kasama si Carmeline. “C’mon Iluvio, don’t just blush there. Speak now, we’re damn waiting here. Don’t make my curiosity do its way to know who she is,” sambit ni Izaiah. Makikita mo sa mga mukha nito ang mapaglarong ngiti, isang tanda na may binabalak ito. “I’m not blushing you stupid dumbass. Okay fine I’ll tell you, I met her the day we drank. The day when Inno punched the Emperor.” Kinuha nito ang bottled water at uminom. Saka itinuloy ang pagkukuwento sa kanila. “Pabalik na sana ako sa dorm namin, noong may nakita akong babaeng umiiyak sa forbidden garden of roses.” “That place is forbidden for ordinary students, so the girl is a lady royal,” biglaang sabat ni Iisakki. Nakatanggap naman ng matalim na tingin mula kay Iluvio ito. Samantalang sila ay isang mapaglarong ngiti ang ibinigay kay Iluvio. Dahil hindi na sila mahihirapan malaman kung sino ito. Bilang lang naman kasi ang lady royals, kaya madali na lang na mahulaan ito, maliban na lang kung magaling magtago si Iluvio. “Dapat siguro itigil ko na lang ito kung patuloy kang sasabat diyan.” Nag-peace sign naman si Iisaki. “Ayon nilapitan ko siya at inabutan ng panyo. Hindi ko inaasahan na sa babaeng iyon ko mararanasan ang pag-slow motion ng paligid ko. Ang tagal ko na siyang kilala pero ngayon ko lang siya natitigan ng matagal, higit sa lahat parang siya lang ‘yong nakikita ko. Pinagtabuyan niya pa nga ako, pero hindi ako nagpatinag, kinausap ko siya kahit na pinapaalis niya ako. Iyong araw na iyon hindi ko makalimutan, simula noon lagi ko na siyang naiisip. Puwede niyo na akong asarin at tawaging stalker kasi madalas sinusundan ko siya para makita ko lang at malaman ang mga ginagawa niya.” “I never imagined that you’ll stalk someone Iluvio, but I am happy that you found the one that will make you happy. I’m just here, whoever she is, we will support you. Just tell us anytime if there is anything we could help you with. We’re willing to help. And you two, stop bothering Iluvio, give him privacy.” Nakasimangot na naman ang kambal dahil sa mga sinabi ni Inno. Alam niya kasi iyong pakiramdam na pinakikialaman, pero alam naman niyang hindi magpapapigil ang kambal. Hindi na rin siya magtataka kung alam na ng mga ito kung sino ang babaeng tinutukoy ng bestfriend niya. “Wait naman baby Cars, ang bilis mo naman maglakad.” Dire-diretso lang si Carmeline sa paglalakad. Binalewala niya ang pagrereklamo ni Iue. Dapat kasi kasama niya si Inno ngayon, pero heto at na-stuck siya sa pasaway at baliw na si Iue. “Baby Cars naman, lagi na nga kayong magkasama kahit saan nagmamadali ka pa. Ako nga minsan na lang kita makasama.” “Bakit gusto ba kitang makasama? Pinagod mo lang ako kakalakad, tapos medyas lang pala bibilhin mo. Ako pa nga nagpakain sa ‘yong baliw ka.” “Ang bad mo na baby Cars, nadikit ka lang kay Brylle, ang bad mo na sa akin. Pasalamat ka nga at may naisip akong palusot para maka-attend ka sa faculty meeting, tapos nagpasama lang ako bumili ng medyas ang dami mo ng reklamo.” “Eh di thank you Ayu, tigilan mo nga ako sa kadramahan mo!” Nang makita niya na si Inno na nakaupo sa tambayan nila ay tumakbo na siya papunta roon. Binalewala niya na ang mga sinasabi ni Iue, lalo lang mag-iisip bata ang lalaking iyon. If she knows may tinatakasan lang na babae ‘yon kaya siya laging gusto isama. Pero pasalamat pa rin siya at gumawa ito ng paraan para makapunta siya sa faculty meeting. Bigla kasing tumawag ang Mommy niya at sinabi nito na pumunta siya sa Faculty Conference Room. “Sweetie, what took you so long?” Naupo siya sa tabi ni Inno at sumandal sa balikat nito. Napagod siya kakalakad, kasalanan ng pasaway na si Iue. Hindi man lang kasi gumamit ng sasakyan. “Here, I bought your favorite chocolate doughnut. Eat this now sweetie.” “Ang tagal kasi ni Ayu, medyas lang pala bibilhin niya nagpasama pa siya. Tapos hindi niya pa ako pinakain, ako pa nagpakain sa kanya.” Mukha na siyang bata sa ginagawa niyang pagsumbong, pero wala na siyang pakialam basta makaganti siya kay Iue. Kinuha niya ang doughnut kay Inno, habang si Inno ay tumayo at lumapit kay Iue. “King naman, mabait ka na di ba? Hindi mo dapat ako saktan, wala akong ginagawa sa ‘yo,” sabi ni Iue habang unti-unti itong lumalayo kay Inno. “Hindi na ako ulit papayag na samahan ka ni Carmeline sa susunod kung papagurin mo lang siya at gugutumin.” “Wala naman ganyanan King, bati tayo. Ang bait-bait ko kaya. Ah baby Cars help me, bubugbugin ako ni Brylle.” Hindi niya pinansin si Iue, busy siya sa pagkain kaya wala siyang pakialam kung ano man ang gawin ni Inno rito. “Kiel my savior, inaaway ako ni Brylle.” “Pasaway ka kasi,” ang tanging nasabi ng kararating na si Kiel. Iniwan na ni Inno si Iue nang magtago ito sa likod ni Kiel, binalikan niya na lang si Carmeline. Binuksan niya ang bottled water na itinabi niya at ibinigay sa dalaga. “Sweetie, dahan-dahan lang sa pagkain. Bibili pa ako kung kulang pa ‘yan.” “Thank you,” anito at ipinagpatuloy na ulit ang pagkain. “Sweetie, let’s have a date tomorrow. I’ll bring you to a wonderful place.” “Okay, what should I wear?” Hindi talaga mahirap kausap si Carmeline, sana hindi rin ito mahirap mapa-oo bilang kasintahan niya. “Anything you wear will suit you. Just wear something you’d feel comfortable in. You will be more beautiful in my eyes if I see you naked. ” “Inno!” sigaw nito sa kanya, halatang hindi nito gusto ang narinig. “Just kidding sweetie.” Halatang nagulat ito sa mga narinig ngunit bumalik ito ulit sa naudlot na pagkain. I hope you will like my surprise sweetie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD