“Hello sweetie good morning, did you have a good night's sleep?”
“Good morning too, I slept well last night. Where are you? You’re not in your room right? Cause if you are, you’re not going to make a call, you’ll just barge inside here.”
“Yeah I am not in there, I have some errands to do. Sweetie, I can't fetch you later. I already told Iluvio and Iven to bring you on our dinner date. Behave sweetie, don't stay closer with those guys. I am the only one who can stand by your side. Understood.”
“You're being too possessive again Inno.”
“It is because I love you sweetie, and I only want you for myself. I need to go now, I still need to personally fix the place where we will be having our first dinner date. I'll wait for you there sweetie.”
“Oh gosh, what are you doing to me Inno? I can't stop thinking of you, you’ve never stopped running on my mind. You made a way into my heart and you lock yourself in there. Don’t you get tired, you always make my heart race every time I am next to you. It never stopped beating, especially when you’re being sweet. ” Magmula ng umalis si Inno ay hindi na nawala sa isipan niya ang mga sinabi nito. Sobrang sweet na nito sa kanya kulang na lang ay palibutan siya ng mga langgam, hindi tulad dati na sobrang lamig nito. Nakakapanibago man ay lalo naman siyang kinikilig rito. Even his simple gestures make her feel like she is a princess in a fairytale. “Nakakainis iyong pagiging sobrang possessive mo, pero hindi ko magawang magalit sa iyo. Nakakabaliw man isipin, subalit nagugustuhan ko ang kagustuhan mo na sa ‘yo lang ako. Lalo yata akong nahuhulog sa 'yo kahit na ganyan ka, kahit mahigpit ka pero at the same time sobrang maalaga at malambing ka. I can't understand myself anymore, my feelings for you are like an abstract, even though I can’t explain it visually, you will still understand my meaningful feelings towards you.”
“Masama 'yang kinakausap mo 'yang sarili mo, baka malaman na lang namin ay sinugod ka na sa mental hospital. Mukhang hindi 'yon kakayanin ni Inno, ano sa tingin mo Izaiah?”
Muntik na siyang matumba sa kanyang kinatatayuan kung hindi siya nakahawak ng mahigpit sa lamesa. Nakita niyang nakaupo sa kanyang kama ang dalawang magkapatid.
“Malamang at sa malamang, baka kuhanin niya si Carmeline sa mental hospital at dalhin sa sarili nitong bahay para siya ang mag-alaga. Hindi kaya ni Inno na mahiwalay kay Carmeline ng matagal. Baka nga matuwa pa 'yon kasi baliw na si Carmeline, baliw na baliw sa kanya.”
“Kung pag-usapan niyo ako parang wala ako sa harap niyo a! Sino ba ang nagbigay ng permiso sa inyo na pumasok sa kuwarto ko!”
“Siya!” sabay na sabi ng kambal. Wala ng pag-asa ang mga ito, mukhang ito ang isusugod sa mental hospital at hindi siya. Mas napagkakamalan pang baliw at siraulo ang mga ito kaysa sa kanya.
“Ano ba kasi ang ginagawa niyo sa kuwarto ko? May kailangan ba kayo? Uso naman kasi katok, pero dahil kayo ang Baltazar Twins ay hindi ko na aasahan pa 'yon.”
Lumapit sa kanya si Izaiah. “Kumatok kami sa pinto ng kuwarto mo, ang kaso wala namang sumasagot kaya pumasok na kami. Nakatulala ka kaya diyan sa harap ng salamin mo kaya hindi ka na muna namin inistorbo. Ilang minuto ka na kaya naming pinapanood rito, pero parang hindi mo napapansin ang presensya namin.”
“E kasi naman kambal, paano niya ba tayo mapapansin kung ang nasa isip niya si Inno. Wait, I remember that I recorded it.”
Halos mamula sa hiya si Carmeline ng biglang ilabas ni Iisakki ang phone nito at narinig niya ang mga sinabi niya kanina. Napahilamos siya sa mukha at hindi makapaniwala sa ginawa ng kambal. Sa susunod ay dapat masigurado niya na hindi maiiwan na hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto niya. Masisira ang privacy niya dahil sa kambal.
“Actually Carmeline, pinapunta kami ni Inno rito para ihatid ka sa dinner date niyo,” sabi ni Izaiah habang nakahiga sa kama niya. Kung kumilos ang mga ito ay parang hindi babae ang kasama nila. Ngayon lang siya nakatagpo ng mga lalaking sobrang kapal ng mukha, kadalasan kasi ay laging may respeto sa kanya at ilag ang mga nakakausap kapag nakakasama siya sa business gathering ng pamilya.
“I thought it’s Iluvio and Iven that would fetch me?”
“May importanteng lakad raw ‘yong dalawa kaya kami na ang maghahatid sa iyo. Nang tawagan kami ni Inno ay nagmadali kaming pumunta rito para hintayin ka.”
Naupo siya at tinitigan ang dalawa nang bigla siyang nakaisip ng kalokohan na gusto niyang gawin. Hindi naman siguro masama kung gaganti siya sa dalawang ito di ba. Kinuha niya ang cellphone at nagkunwaring nag-dial. “Ah… Pumunta pala kayo agad rito, alam kaya ni Inno na pinasok niyo ako sa kuwarto ko? Inutusan niya ba kayo na sa kuwarto ko kayo maghintay?”
“Hoy Carmeline! Sino ‘yang tinatawagan mo?” bigla ang sigaw ni Izaiah.
“Ah si Inno, sasabihin ko sa kaniya na nandito kayo sa kuwarto ko. Para naman alam niya na sinunod niyo ang utos niya.”
“Carmeline hindi ka naman mabiro, ito na o lalabas na kami. Mag-ayos ka ng mabuti, dapat sobrang ganda mo mamaya.” Namumutla na ang kambal, ang ibig sabihin nito ay hindi alam ni Inno ang ginawa ng mga ito.
“Ahm… Inno, nandito sa kuwarto ko ang kambal…” Natawa siya nang nagmadaling lumabas ang dalawa sa kuwarto niya at isinara nito ng malakas ang pinto. Takot talaga ang mga ito kay Inno. Kunsabagay, sino ba naman ang hindi matatakot sa malamig na dragon na si Inno.
Hello sweetie, is there any problem?
“Nothing, I just want to check if you didn’t skip lunch?”
How sweet you are, don’t worry I ate on time. I miss you sweetie.
“Ridiculous Inno, we’ve just seen each other last night.”
Yeah, but I’m far away from you that’s why I miss you that quick.
“Whatever, take care of yourself there, I’ll hang up now. By the way, the twins were here in my room a while ago.”
Those two bastards, I’ll make sure that they will be beaten up by me later.
Mukhang lagot na talaga ang kambal kay Inno. Hindi naman niya hahayaan na saktan ni Inno ang mga ito, gusto lang niyang asarin ang mga ito dahil sa pang-aasar nila sa kanya. Gaganti lang siya ng kaunti.
Binuksan niya ang closet nia at tiningnan kung ano ang dapat niyang suotin, mayroon na lamang siyang apat na oras bago umalis. Inayos na muna niya ang mga susuotin at ang mga gamit bago maligo. Sisiguraduhin niya na siya lang ang nag-iisang maganda para kay Inno. Ano na ba ang nangyayari sa kanya, ang dami niya ng pinagbago. Wala sa isip niya na makakaramdam siya ng sobrang saya sa buong buhay niya, ngunit natatakot siya na bawiin ang sayang nararamdaman niya. I will just enjoy this happiness for a while, make everything perfect. As of now, I will sue those negative thoughts in my mind.
“What do you think about my looks, Iluvio? Am I perfectly handsome now?”
“You’re trembling dude, relax ka lang diyan. Sigurado ako na magugustuhan ni Carmeline ang itsura mo at ang inihanda mong sorpresa sa kanya,” sambit ni Iluvio habang natatawa sa kaibigan niya.
“Can’t help it, you know this is my first time doing this. I’ve never done this thing with Carmela, cause we’re both royalty and she is the one who always prepares a surprise dinner in our past.”
“Yeah I know, but you should stop thinking about other girls aside from Carmeline. Otherwise, I’ll make sure to steal her from you.”
“If you can snatch her from me.”
“Is Carmeline still not here?” tanong ng kararating na is Iven.
Dapat ang mga ito ang susundo kay Carmeline, ngunit nagkaproblema sa catering na inarkila niya kaya nagpatulong siya sa dalawa. Labag man sa loob niya na ang kambal ang magsundo sa dalaga ay wala siyang magagawa dahil kailangan niya si Iven at Iluvio.
“They're still not here. Lagot talaga sa akin ang kambal na ‘yon,” hindi niya mapigilang singhal.
“Did something happen?” tanong muli ni Iven sa kanya.
“Umandar na naman ang kalokohan ng kambal, pinasok nila ang kuwarto ni Carmeline kanina.”
“Those bastards, they didn’t really change. They keep messing up in someone’s life.”
Maya-maya pa ay narinig na nila ang tunog ng sasakyan. Mukhang dumating na ang hinihintay niya. Nakita niyang bumaba si Iisakki mula sa passenger seat at binuksan ang pinto sa back seat. Iniluwal nito ang dalagang nagpapatibok sa puso niyang nabalot ng yelo noon pero natunaw na ngayon. Ang dalagang hindi na nawala sa kanyang munting isipan. She’s so beautiful, he didn’t know that he would feel the happiness in his heart, and it is because of her, the lady in front of her. I already found my real queen. I can be the king and knight that will protect her no matter what.