TAHIMIK lang akong nakatingin sa kapeng pinapabigay ni Riechen. Hindi ko pa ito nagagalaw simula nang ilapag ito sa mesa ko ng babaeng nagdala nito sa opisina ko.
Makailang beses ko na rin pinaikot-ikot sa kamay ko ang ballpen na hawak habang mataman kong tinitingnan ang pinto ng opisina ko.
Sigh~ Na saan na ba si Riechen? Bakit ang tagal naman niyang bumalik? Sa infirmary lang naman siya pumunta sabi ng babae kanina.
"Infirmary." bigkas ko sabay ng marahas kong pagtayo mula sa kinauupuan ko. "Hindi kaya——" mabilis akong lumabas ng opisina ko at sumakay ng elevator ko.
Bawat segundo ay tila kinakabahan ako kahit na wala pa namang 30 minutes noong pumunta siya roon.
"Makita ko lang 'yon talagang makakatikim siya." bulong ko sa sarili ko.
Ilang araw palang na secretary ko si Riechen ay may narinig akong pag-uusap na hindi ko gustong marinig. 'Yung mga naka-duty daw sa infirmary ay may crush kay Riechen at 'yung company doctor namin na laging nasa infirmary ay nanliligaw kay Riechen.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay dumeretso ako ng infirmary at hinanap agad siya ng mga mata ko pero walang Riechen na nandoon.
"Na saan ang on duty na doctor dito?" tanong ko sa Nurse na tulalang nakatingin sa akin.
Ang dalawang Nurse at isang Doctor na naka-duty dito ay puro mga lalaki.
"Kumain po sa labas, Sir." tila tense na sagot niya sa akin.
Napatingin ako sa name tag niya. Nurse Roy.
Kumain sa labas kasama si Riechen? Sa oras ng trabaho? f**k!
"Kumain sa labas sa oras ng trabaho?" tila natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Ah, Sir." mabilis siyang yumuko sa akin ng 'di na kinaya ang masama kong pagtingin sa kanya. "Tanghali na po kasi at oras ng break time na po namin. Palabas na rin po sana ako para kumain." halos mautal na sagot niya sa akin.
Tanghali? Break time?
Napatingin ako sa relong nakasuot sa aking kaliwang kamay.
"Twelve twenty." mahinang sabi ko.
Lumabas ako ng infirmary ng hindi nagsasalita. Hindi ko na rin nilingon pa ang taong nakausap ko.
"Loui Diethard Reid. You. Are. Really. Out. Of. Your. Mind." kastigo ko sa sarili.
Marahas kong naisuklay ang buhok ko gamit ang kaliwang kamay ko. Kung mahaba lang siguro ang buhok ko ay nasabunot ko na rin ang sarili ko.
Ano bang mayroon sa babaeng 'yon? Para ng akong baliw na nawawala sa sarili kapag naiisip siya.
Napatingin ako sa paligid ko. Tahimik at walang tao.
"Saan naman kaya kumain sila?" sabi ko na naiisip na naman siya. Muli ay nakaramdam na naman ako ng iritasyon.
Isang halik lang naman ang gusto ko at talaga nga naman kailangan pang pagtaguan ako. Hide and seek? Ito ba ang larong gusto ni Riechen?
May ilang tao ako na nakasalubong habang papunta ako ng lobby. Hindi ko na binigyang pansin ang pagyuko ng mga ito at pagbati sa akin ng Good afternoon Sir.
Nagpalinga-linga ako at hinanap si Riechen. Pumasok din ako sa coffee shop pero wala siya.
Ganito ba ka hirap ang maghabol?
Naalala ko bigla 'yung laging kinukuwento sa akin ni Rylle. 'Yung lihim na paghahabol niya sa kanyang crush at first love na madalas kong tinatawanan. Sinasabihan ko pa siyang baliw habang humahagalpak ako ng tawa.
"Tsk! Totoo nga na bilog ang mundo. Mukhang ako na naman ang pagtatawan ng lalaking 'yon oras na malaman 'yung ginagawa ko ngayon. Mas matindi pa yata ako sa kanya." mahinang sabi ko habang palabas ng coffee shop.
Napatingin ako sa may entrance. May nakikita akong tao na nag-uusap sa labas.
"Riechen?" tawag ko sa pangalan niya.
"Good Afternoon Sir." bati ng dalawang guard sa akin na naka-duty.
"Okay." tugon ko na ikinagulat ng dalawa.
Tsk!
Mabilis akong lumabas sa may exit door at pinuntahan sila. Susugod na sana ako para suntokin 'yung Doctor pero napahinto ako.
"Rie, may bubuyog bang umaaligid sa 'yo?" tanong ng lalaking kausap ni Riechen. Nakatingin ito sa akin at bahagyang ngumisi.
"Bubuyog? Ano akala mo sa akin bulaklak? Eunho, ano ba 'yang pinagsasabi mo!" mariin na sagot ni Riechen.
"You see——" lumapit ang lalaki kay Riechen na tila yayakapin ito.
Napapa-close fist ako habang slow motion kong nakikita 'yung ginagawa ng lalaki. Hindi ko man tanungin ay alam kong sinasadya niya talagang ipakita ito sa akin.
"Isa kang magandang bulaklak at maraming bubuyog ang gustong i-polluted ka." dagdag na sabi ng lalaki.
Parang isang matulis na bagay ang invisible na tumatama sa akin matapos marinig 'yon.
"Damn it Eunho, what the f**k are you saying?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko mula sa matamis na labi ni Riechen ang mga salitang 'yon. At nagpapasalamat ako na hindi ako 'yung taong pinagsasabihan niya. Kung hindi ay talagang dead end na. End of story na kahit wala naman kaming nasisimulan na story——love story.
Napailing ako sa tumatakbo na naman sa isip ko.
Ugh, back in your senses Reid. Simula lang na maging secretary mo siya ay naging active na ang imagination mo at masyado ng marami kang iniisip.
"Pulluted?" mahinang bigkas ko sa katagang tumatak sa pandinig ko.
"Alright!" nagtaas ng kamay 'yung lalaki. "Don't be angry baby~" natatawang sabi ng lalaki na tinitingnan pa rin ako.
Anong tingin niya sa akin? Isang lalaking may virus o lason na magagawang i-polluted si Riechen. Malinis ako sa malinis, at isa pa I'm hella vir——
Biglang nag-flashback sa akin ang isang malabong images. Ako na may kahalikang babae. Pilit itong kumakawala sa akin pero kinakabig ko pabalik at mas dinidiinan ang sarili habang pinapalalim ko ang paghalik rito. Walang kasawa-sawang inamoy ko ang leeg niya.
Wala sa sariling napahawak ako sa ilong ko gamit ang kanang index finger ko. Naalala ko bigla 'yung babaeng naka-one night stand ko.
"Kuuuya Eunho!"
Tili ng isang babae ang nagpatigil ng tumatakbo sa isip ko. Napatingin ako kay Riechen at nakita ang babaeng nakayakap sa kaliwang braso ng lalaking kausap ni Riechen.
"Hey bro, bakit nasa labas ka ng building mo?" tanong ng lalaki sa tabi ko na hindi ko binigyang pansin.
"Bakit kasama nila 'yung babaeng 'yun? Magkakilala sila?" tanong ko.
"Babae? Ah, di ba si Riechen 'yon?" biglang singit ng tao sa tabi ko. "Infairness maganda 'yung babaeng nakayakap sa braso ng lalaking 'yon. Pinagpala ang babae sa kayamanang dala-dala." mahinang tumawa pa ito.
"No!" bigkas.
"Type mo 'yung babae Reid?" tanong pa ng tao sa tabi ko.
"Bakit kasama nila kasama 'yung babaeng naka-one night stand ko!" gigil na sabi ko sa mahinang tono.
"Naka-one night stand mo?" tila masaya pang tanong ng tao sa tabi ko. "Celebrate natin 'yung pagka-graduate mo sa virginity academy."
Mabilis akong napatingin sa tabi ko at sinuntok ang taong 'yun na mabilis sinalo ang kamao ko.
"Rylle anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Tinawagan mo ko kanina di ba? Kasi may sasabihin ka? Don't tell me, gusto mo i-celebrate 'yung pag-graduate mo?" he smirk at me.
Fuck!