bc

She's My Secretary with Secret Identity

book_age16+
896
FOLLOW
4.4K
READ
confident
gangster
heir/heiress
comedy
female lead
love at the first sight
office lady
assistant
bodyguard
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Walang tumatagal na secretary kay Diethard kahit triple pa ang offer na sahod. Kahit na guwapo ito ay saksakan naman ng pilyo at masama ang ugali. Kaya mas pipiliin pa ng mga naging secretary nito na umalis kaysa makatrabaho ang isang Diethard.

Nang wala ng ma-hired na secretary para sa kanya, naisip na gawing secretary niya ang private secretary ng kanyang Mommy. Never pa niyang nakita ito, kaya naman nung nalaman niyang nasa opisina na ito ay agad siyang nakaisip ng kalokohan.

When he finally met Riechen, the private secretary of her Mom. Parang napaatras siya, 'yung iniisip niyang matanda at may puti ng buhok ay isa palang magandang babae.

How could it be, Riechen is her Mommy private secretary? If she looks like a Queen-----a Beauty Queen. It's her secret identity?

(SHE'S THE GANGSTER I LOVE :

Story of Euphemia Riechen Stadtfeld-Montecillo

daughter of Euphemia and Aldrich on STGIL)

chap-preview
Free preview
Prologue :
NAGISING ako sa isang madilim na lugar. Kahit na anong pikit at dilat ko ay wala pa rin pinagkaiba. Sinubukan kong igalaw ang dalawang kamay ko pero hindi ko ito maigalaw. "Damn! What is this?" iritableng saad ko habang pinipilit na kumawala dahil pati paa ko ay nakatali rin. Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatali ang kamay ko sa harapan at ang mga paa ko naman ay magkahiwalay na nakatali. Ano'ng kalokohan ito? Kanina lang ay nasa bar pa ako at masayang nagpakalunod sa alak. Pumikit lang ako para umidlip lang sana tapos ganito na nangyari? Nakarinig ako ng ilang kaluskos hanggang sa magliwanag ang buong paligid. Nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa may pintuan. Halos lumabas na yata ang puso ko sa sobrang pagkagulat. "Finally, I found you, huh!" sabi ni Riechen habang nakasandal ito sa may pintuan ng nakahalukipkip. Sa aking mga mata ay ang cool tingnan ni Riechen nang mga sandaling iyon. Naka-long coat ito ng kulay maroon at naka-boots. Nakatali ang buhok na bun style. Shit! Why Riechen's look so cool? Tumikhim ako. "Tatayo ka nalang ba diyan at titingnan lang akong nakatali pa rin dito?" kunot noo kong tanong sa kanya. Umangat ang isang sulok ng mapula niyang labi. Hindi ko maiwasan ang matulala at mapalunok ng aking laway. Parang ang tamis at ang lambot nitong tingnan. Parang nawalan ako ng laway at tila nauhaw habang tumatagal ang pagtitig ko rito. "Nakatali ka na lahat-lahat," huminto siya sa pagsasalita at tiningnan ako. "Nakukuha mo pa rin ang mag-angas," pagpapatuloy niya habang papalapit siya sa akin. Parang nag-slow motion ang lahat habang tinatanggal niya ang tali sa kamay ko. Kitang-kita ko sa malapitan ang kanyang mukha. Kulay pula ang labi niya na tila hindi ito nabahiran ng kahit anong lipstick. It's look like a natural color of her lips. Ang mahaba at itim niyang pilik mata na parang manika. Ang matangos nitong ilong. "Done checking?" Napasinghap ako. Hindi ko namalayan na natanggal niya na pala ang mga nakatali sa akin. Tumayo ako at masama siyang tiningnan. "Asa!" tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ipapalusot ko dahil sa pagtingin ko sa kanya. Nauna akong lumabas ng pinto sa kanya at naglakad ng mabilis para hanapin ang daan palabas. Parang inabandonang bodega ang lugar na kinaroroonan namin ngayon. Nang makita ko ang isang malaking gate ay pinuntahan ko ito. Nagulat ako nang harangan ako ng mga lalaki. Mukha silang basagulero at amoy alak. "Paano ka nakatakas boy?" tanong ng lalaking nasa harapan ko. "Pagkakakitaan ka pa namin tapos tatakas ka?" sabi naman ng isa. Sila siguro 'yung mga nagtali sa akin. Humanda kayong mga ungas, I am Loui Diethard Reid at walang sino man ang pwedeng makatakas sa akin. Bago pa man ako makakilos para suntukin ang tao na nasa harapan ko ay may humampas sa likod ko. Napabagsak at napahiga ako sa malamig na semento. Akmang hahawakan na ako ng lalaking kaharap ko ng bumagsak din ito. Kasama ng lalaking may hawak na kung ano na pinanghampas sa likod ko. Nakita ko si Riechen na nakatayo sa harapan ko. "Takbo!" usal ko pero hindi niya marinig dahil parang bulong lang ang boses ko. Nakita kong susugurin na si Riechen ng mga lalaking nagsulputan sa kung saan. Marami sila, sobrang dami nila. Imposible na makaya itong labanan ni Riechen. Shit! tumakbo ka na! Baka nakakalimutan mong babae ka, Riechen! Na may pang Beauty Queen na ganda. Baka mamaya ay magahasa ka pa! sigaw ko sa isip. Napapikit nalang ako at nakarinig ng mga tunog na tila may nasirang mga bagay. Pagdilat ko ay nakita kong nakatayo pa rin si Riechen habang nagkalat ang mga lalaking nakahiga na rin katulad ko. Paano nangyari iyon? Mabilis akong pumikit nang mapansin kong nilingon niya ako. Hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon. Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin para makatayo ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig. Inilagay niya ang kaliwa kong kamay sa kanyang balikat. Ramdam ko ang mainit niyang kamay na nakahawak sa kanang baywang ko. I smell her scent. Pamilyar ang amoy na ito. Don't tell na siya 'yon? She's My Secretary with Secret Identity. s**t! How could it be?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.8K
bc

SILENCE

read
393.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

My Master and I

read
136.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook