Chapter 01 :

1320 Words
"SALAMAT, Riechen." Biglang nagpantig ang tainga ko nang marinig ang pangalang kinaiinisan ko. Hindi ko talaga gusto ang private secretary ng Mommy ko. Kahit na never ko pa siyang nakita ay nakakaramdam na agad ako ng inis, marinig lang ang pangalan na iyon. Lagi nalang iyon ang bida kay Mommy. Kaya naman naiinis ako. I feel worthless because of that old lady----private secretary of my Mom. Ugh, what an old lady. Nagtangis ang bagang ko. Imbes na lapitan ko si Mom na nakaupo sa may sofa sa living room ay dumiretso na agad ako ng kuwarto ko sa ikalawang palapag ng mansyon. Kakauwi ko lang galing sa opisina ko. Pagpasok palang ng kuwarto ay tinanggal ko na agad ang suot kong coat. Habang tinatanggal ko ang pagkaka-botones ng aking polo ay may biglang kumatok sa pinto. Kasunod non ay ang pagpasok ni Mommy na nakakunot ang noo. Kitang-kita ko ito dahil nasa tapat ako ng salamin. Nakikita ko ang kanyang reflection mula sa aking likuran. "Loui Diethard Reid!" Napapikit ako ng dalawa kong mata sa pagtawag ni Mom sa buo kong pangalan. Sa tono palang ng boses niya ay alam ko ng galit siya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at sinalubong ang nanlilisik niyang mata. Napalunok nalang ako ng laway sa tindi ng galit na rumirehistro sa kanyang mukha. I never seen my Mom like this. Mukhang galit na galit si Mom. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Diethard! Ano na naman bang kalokohan ito? Bakit mo pinag-two piece ang secretary mo? Sinama mo pa ito sa meeting with the directors?" tanong ni Mommy sa galit na tono. "Bagay lang iyon sa kanya. Ginusto naman niya iyon, so I let her expose that body." sagot ko. Dalawang araw ko palang na secretary iyon. Unang araw palang ay nang-aakit na ito. Panay pa dikit sa akin at dinidiin pa sa katawan ko ang malusog nitong dibdib na tila nilamas at pinagsawaan na ng iba. Kaya naman naisip kong ipahiya siya sa iba. Para malaman niyang kahit janitor ng company ko ay hindi papatulan ang babaeng katulad niya. "Ano naman klaseng dahilan iyan! Nakakatatlo kang palit ng secretary kada linggo. Wala ng tumatagal na secretary sa'yo simula noong mamatay si Secretary Irene. Dalawang buwan mo ng ginagawa iyan! Gusto mo bang bumagsak ang company dahil diyan sa ginagawa mo?" halos pasigaw na sabi ni Mom. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang marinig ang pangalan na iyon. Para ko ng ate ang secretary kong si Irene. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang pagkamatay niya. Na aksidente siya habang papasok ng company. Walang makaka-replace kay Ate Irene bilang secretary ko. At isa pa, hindi ko gusto ang mga secretary na ipinapalit sa kanya. Yeah, they are good look girls but a w***e. Wala silang ginawa kundi akitin ako. Akala naman nila ay madadala ako sa mga pang-aakit na ginagawa nila. I'm not into tasting a woman who had a lot of guys in bed. Hindi ako magpapagamit kanino man para umangat sila sa buhay. Those secretaries wants my money! Hindi ko sila bibigyan kahit na piso mula sa company ko. "Mom, I don't need a secretary anymore. Kaya kong gawin ang trabaho ko ng wala sila. At ayoko sa kahit na sinong secretary bukod kay Secretary Irene." sagot ko habang nakatingin sa kanyang mata. Ayokong nakikitang galit si Mom, hindi ko gustong magalit siya. Lalo sa mga walang kuwentang tao. "Kaya? Come on, Diethard. Isang buwan ng hindi nasisimulan ang project natin sa palawan dahil sa papalit-palit ka ng secretary. Kaya walang nakakapag-review at asikaso ng project na iyon na hindi mo mapirmahan. Bukas na bukas ay ang private secretary ko na ang magiging secretary mo! Subukan mo lang gawin sa kanya ang mga pinaggagawa mo, ako talaga ang makakalaban mo!" sabi ni Mommy bago niya ako iniwan ng nakatulala. "Si Riechen? magiging secretary ko?" napangisi ako sa naiisip kong kalokohan. Ipapakita ko kay Mommy na hindi talaga magaling iyon tulad ng madalas niyang pagpuri sa mga trabaho ni Riechen. NAPATAPAK ako nang madiin sa preno nung may bilang tumawid sa harapan ko. Mabilis akong lumabas ng kotse para tingnan ito pero wala naman akong makitang tao. Napakibit-balikat nalang ako at pumasok sa loob ng kotse ko. Pinagpatuloy ko ang pagda-drive sa parking space ng company papunta sa parking space na nakalaan lang para sa akin. "Good Morning Sir." bati sa akin ni Kuya Ramon na pinaka matagal ng security guard ng company. May katandaan na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan at isa ito sa pinaka mapagkakatiwalaang tao. Tumango nalang ako at naglakad papuntang pinto. Halos lahat ng nasa paligid ko ay nakatungo bilang paggalang sa pagdating ko. Wala rin akong makitang tao na nakatingin sa akin. Mukhang takot na takot ang mga ito. Dahil na rin sa image ko na masamang boss na bigla nalang magagalit at magpapatalsik ng tauhan. "Sir, nasa opisina na po ninyo ang bago ninyong secretary." sabi ni Kuya Ramon kaya tumango nalang ako. Habang nasa V.I.P. na elevator ako na exclusive lang sa akin ay napapangiti ako. Kung titingnan ang reflection ko sa elevator ay para akong demonyo na naka-evil grin. Pagpasok ko palang ng opisina ko ay sumalubong agad sa pang-amoy ko ang isang matamis na pabango. I bet na Victoria's Secret ito na paboritong pabango ni Mommy. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa akin. Nakatayo ito sa paborito kong spot kung saan ay nakikita ko ang labas. Nasa 18th floor ang opisina ko kaya naman tanaw ang nagtataasang gusali sa labas. Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. Parang nag-slow motion ang paglingon niya sa akin. Bigla akong napahakbang paatras nung makita ko ang mukha niya. "Good Morning Sir. I'm Riechen, your new secretary. I am glad to meet you, Sir." sabi niya na may tipid na ngiti. How could it be? Siya ba talaga ang private secretary ni Mommy? Bakit ang ganda naman nito malayo sa old lady na iniisip ko? Is she a beauty queen? Ugh, ano ba naman itong pinag-iisip ko! "Oh, nice to meet you." parang nawala ako sa sarili. Come on, Diethard. Bakit bigla ka nalang naging ganyan. Por que nalaman mong maganda ang private secretary ng Mom mo? Halos pagalitan ko na ang sarili ko dahil masyado akong namangha sa ganda ni Riechen. Hindi dapat ako magpaapekto dahil pare-pareho naman ang mga bago kong secretary, mapang-akit na tila ibinebenta ang katawan sa akin. "Ano pong unang ipapagawa ninyo sa akin?" tanong niya sa akin. Naka-bun na buhok na may bangs, may mala almond na mata, magandang arko ng kilay, cheekbone na sobrang perpekto, jawline na masarap halik-halikan lalo na ang labi nitong parang natural ang pagkapula. Damn it, Reid. Why are you checking her? s**t! "Siguro naman alam mo 'yung pinagawa ko sa secretary ko?" ngumisi ako habang tinitingnan siya. "Kaya magpalit ka na at mag-two piece. Ayokong naka-company attire ang secretary ko. Because for me, my secretary must be sexy. And I want one, a sexy one." dagdag ko pa na nakaangat ang isang sulok ng labi. Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal Riechen. Masyado ka ng pa bida, kaya ikaw ang magiging bida mamaya sa meeting na hindi natapos kahapon. My jaw dropped. Hindi ko inasahan na sa harapan ko maghuhubad si Riechen. Halos mawalan na ako ng laway na ilulunok nang makaramdam ako ng pagkauhaw. "Ganito ba?" tila naghahamon na sabi niya. "I'm just kidding, pumunta ka na sa table mo sa labas. Nandoon ang mga paper works mo. Magbihis ka na." halos kapusin na ako ng hininga. Nang makapagbihis na siya ay dumiretro na siya ng pinto. "Okay Sir, salamat." Narinig kong sabi niya bago lumabas ng pinto. Napahawak naman ako sa necktie ko na niluwagan ko. Parang hindi ako makahinga at biglang naging mainit sa opisina ko. "Damn it, paano ko siya mapapahiya mamaya? She has a goddamn body that every man can die for! Damn!" inis na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD