TININGNAN ko pa uli ang itsura ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto ko. Para masigurong maayos at guwapo akong tingnan para sa anniversary party ng Chengfei Group of Company.
Haays, kung hindi lang business partner ang Chengfei sa next project namin ay hindi talaga ako pupunta.
Resorts ang business ng pamilya ko. At nag-invest kami sa Chengfei na isang hotels business. Kaya naman sa ayaw at gusto ko ay kailangan ko pa rin pumunta para maging good shot. At isa pa para na rin mapag-usapan ang gagawin naming project.
"There, ang ganda mo talaga Riechen."
Narinig ko ang masayang tono ng boses ni Mom na tila pinupuri si Riechen. Mabilis akong naglakad papunta sa lugar na 'yon. Magsasalita sana ako para i-tease si Riechen pero bigla akong natulala.
Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na medyo kinulot. Her long black dress suit her well lalo pa't kitang-kita ang magandang kurba ng katawan niya. Hindi man siya nakangiti habang kinukuhanan ng picture ni Mom ay litaw pa rin ang gandang taglay nito.
What a beautiful lady. Huh? what did I say? damn it! Diethard!
Tumikhim ako para kunin ang kanilang atensyon pero parang may sarili silang mundo. Napasapo nalang ako ng noo ko gamit ang kanang kamay ko.
So, it's true? Girls love taking picture and selfie.
"Oh, Diethard nandyan ka na pala. Ang ganda ni Riechen, ano?" masayang sabi ni Mom nang mapansin din sa wakas ang presensya ko.
"Kanina pa ako nandito, busy lang kayong dalawa Mom." sabi ko na tumingin sa ibang direksyon dahil nakatingin sa akin si Riechen.
"Talaga? hindi ko napansin, sorry. Oh, siya, alis na kayong dalawa baka ma-late pa kayo." sabi ni Mom na hinila pa ako papunta sa tabi ni Riechen. "There!" masayang sabi ni Mom matapos niya kaming kunan ng picture na dalawa.
"Mom!" sita ko sa iritableng tono ng boses ko.
"Hindi pa kita nakikita na may kasamang babae, Diethard. Kaya masaya ako, huwag ka ng KJ diyan." bakas ang lungkot at saya sa boses ni Mom.
Hindi ako kumibo para walang masabing masama. Never ko pang nakita 'yung ganitong attitude ni Mom. Because I've known her for being bossy. Hindi 'yung ganitong masaya siya kahit si Riechen lang ang kausap at kaharap. Naglakad nalang ako papunta sa labas ng mansyon. Kahit hindi ako lumingon sa likod ko ay alam kong nakasunod lang si Riechen.
Her presence gave me a chill on my spine. I've never felt this feeling to anyone aside from her. So mysterious as she is.
Sinalubong ako ni Drake na personal driver ko na ni-hired ni Mom. Simula noong may magtangka ng buhay ko ay kinuhaan na ako ng personal driver. Weird dahil imbes na bodyguard ay driver ang binigay ni Mom.
Na una akong pumasok sa loob ng sasakyan. Si Riechen naman ay umupo sa tabi ng driver seat. Mabuti nalang ay marunong itong lumugar kung saan dapat siya. Akala ko'y uupo siya sa tabi ko.
Tahimik lang ang biyahe papunta sa hotel ng Chengfei na nasa Makati City. Nakatingin lang ako sa bintana at inabala ang mata ko sa pagtingin sa iba't-ibang ilaw na galing sa mga gusali at sasakyan.
Napaayos ako ng upo at napapikit ng dalawang mata.
This is the first time na pupunta ako ng isang party na may kasamang babae. I never have a girlfriend pero maraming babae ang nagsasabi na girlfriend ko sila. That's what a money and wealthy do, nagkakaroon ka agad ng instant girlfriend.
Ugh, Mom bakit si Riechen pa ang gusto mong kasama ko sa party? Did you know how attracted I am to her?
Ayokong aminin sa sarili ko na si Riechen ang laman ng panaginip ko. Nagugulo na ang isip ko simula noong nasa company na siya pati ba naman sa panaginip ko ay nanggugulo pa rin siya.
I need to be distracted, I need to think another things.
Biglang nag-pop up sa isip ko ang mukha ng isang batang babae. That silly little girl with a beautiful smile.
"Where are you?" wala sa loob na sabi ko dahilan para mapamulat ako ng mata.
Napatingin ako sa harapan ko kung narinig ba ng dalawa. Mabuti nalang ay may sariling mundo ang dalawa kaya hindi nila ako narinig.
Pagdating namin ng hotel ay lumabas agad ako ng sasakyan kaya imbes na ako ang pagbuksan ni Drake ng pinto ay si Riechen nalang ang inalalayan niya.
"Ano pang hinihintay mo." sabi ko kay Riechen.
Kailangan na sabay kaming papasok ng hotel, she's my girl this night.
"Alright!" tipid na tugon niya.
Pagpasok palang namin sa event hall ay marami ng mata ang napatingin sa aming dalawa. I extend my right hand and place it to her right waist. It's give me a goosebump when I finally touched her.
Shit! kung 'di lang ito kailangan gawin hindi ko ito gagawin. We need to look good this night.
"Nice dude, you have a beautiful date, huh? Did Nica know this?" sabi ni Nathan while grinning at me then he look seductive towards Riechen. Parang inaakit niya ito kaya napakuyom ako ng kaliwang kamay.
"Mind your own business, Nathan." I said without giving a look at him.
Si Nathan ang pinsan ni Nica na heir ng Lim Resorts at ang babaeng nagpapakalat na girlfriend ko siya.
"Diethard, my love!"
Speaking of the witch, damn!
Dahan-dahan akong lumingon at pinagdasal na sana ay mali ako ng iniisip na si Nica ang tumawag sa akin.
Damn it! Bakit hindi ko naisip na maaari ko siyang makita rito? I am dead!
"I miss you.." maarteng sabi ni Nica na akmang yayakap sana sa akin.
"Back off!" puno ng awtoridad na sabi ni Riechen ng pigilan nito si Nica na yakapin ako.
"Who are you, b***h?!" iritableng sabi ni Nica na nakataas pa ang isang kilay kay Riechen.
"Addressing yourself as a b***h? Not bad!" Riechen grin. "I am his date so who's the b***h here?" mapanghamon na sabi pa niya.
Napatulala lang ako at hindi makapagsalita. Narinig ko ang pagtawa ni Nathan na halatang namangha kay Riechen.
"Damn you! " akmang sasabunutan sana ni Nica si Riechen nang pigilan ito ni Nathan.
"Chill Nica, this is not a place to act like a spoiled brat." natatawa pang sabi ni Nathan habang hawak si Nica palayo kay Riechen.
"Base on your dress you were wearing. You look seductive that any man can't help to look at you. But your cleavage is fake like your face with surgery. What brand of push-up brassiere you're wearing? Because I wanted to suggest it to my friend who are flat chested."
Parang napako ako mula sa kinatatayuan ko sa mga sinabi ni Riechen kay Nica. Hindi na nakaganti ng sagot si Nica dahil mabilis na itong hinila ni Nathan palabas ng event hall.
She sigh. "You are so unlucky man, surrounded by those kind of people." sabi niya ng tingnan ako sa mga mata ko ng may kahulugan.
'Yung tingin ni Riechen na 'yon ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam. And I bet, I do blushed that time kahit hindi pa ako manalamin dahil nag-init ang dalawang tainga ko.
Shit! why my heart is beating so fast!