GUSTO sanang tumanggi ni Persephone.
Secretary? Nino? Ng demonyong iyon?
Pero wala siyang magawa. Kung gusto niyang makapagtapos sa pag-aaral. Kailangan niyang gawin ang trabahong ito. Dahil alam niyang kahit lumipat siya, sa kapangyarihang hawak ni Ymir, kaya nitong i-blocklist siya sa lahat ng kompanya.
“Go inside and report to him,” wika ng babae.
Nag-aalangan si Persephone. Huminga siya ng malalim at kumatok kahit na ayaw na ayaw niyang makita ang lalaki.
“Come in.”
Nang marinig ang baritonong boses na iyon, kumabog ng malakas ang puso ni Persephone. Biglang sumagi sa kanyang isip ang lahat ng nangyari ng nakaraan.
Pero bago pa siya mapatulala sa kinatatayuan, siniko na siya ng babaeng katabi.
“Don’t make Mr. Salvatore wait.”
Lihim na napairap si Persephone. Wala na siyang nagawa pa kundi ang pumasok sa loob ng puno ng pangamba at takot.
Akala niya ay susunggaban siya ni Ymir sa oras na makapasok na siya, pero sa pagpasok niya, nakita niyang kalmado itong nagpipirma ng mga dokumento, nakayuko at hindi man lang siya binalingan ng tingin.
Napalunok si Persephone. “Good morning, Mr. Salvatore, I am Persephone Ruales, reporting as your assistant from today on.”
Napatigil sa pagsusulat si Ymir at umangat ang ulo. Nang makita si Persephone, tuluyan niyang binitawan ang ballpen at napasandal sa kinauupuan at napahalukipkip.
“Ruales? I don’t think that’s your surname, Percy,” mapanuyang saad ni Ymir habang ginagalaw ang swivel chair nito.
“It is my real surname, Sir,” matigas na wika ni Persephone kahit na ang totoo, nanginginig na ang buo niyang katawan sa takot.
Ymir’s face darkened. Tumigil sa paggalaw ng upuan at malamig ang boses na nagsalita. “Then, let me change that sooner or later.”
Persephone’s breath hitch. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Ymir, pero hindi na niya nagawang magsalita pa para i-provoke ang lalaki.
Nang makitang hindi nagsalita si Persephone, kahit na matatag ang paninindigan ay hindi pa rin nawawala ang takot sa panginginig ng katawan nito.
Something inside of him snaps. Pero bago pa siya tuluyang kumilos, he waved his hand to dismissed her. Umayos siya ng upo at binalik ang atensyon sa pagpipirma.
This isn’t the right time, Ymir. Just you wait. And she’ll be yours again. Nagsisimula pa lang ang laro.
Nagulat si Persephone ng paalisin na siya ni Ymir ng gano’n-gano’n lang. Akala niya ay may gagawin sa kanya si Ymir dahil gano’n naman palagi kapag tuwing nagkikita sila.
Kahit na nag-aalinglangan ay mabilis na umalis si Persephone sa opisina ni Ymir.
Sinalubong naman siya ng secretary nito, at inaya sa table ng katabi ng kanya.
“I’m Nadine, call me Nad. I’m actually Sir Louis’ secretary, but I can also serve Sir Ymir while Sir Louis is not on sight,” pakilala ng babae, seryoso ang boses tila hindi siya klaseng tini-take for granted.
“This will be your table,” wika nito. “From now on kung ano ang ipag-uutos ni Sir Ymir, gagawin mo agad. And kung ano ang inuutos ko.”
Tumango si Persephone saka nilagay ang gamit sa upuan. Bago siya tuluyang makaupo, inabutan na siya ng sandamakmak na papel para ipa-photocopy at i-distribute sa lahat ng department.
Tanghali na ng matapos si Persephone. Pagod na pagod itong napasalpak sa kanyang upuan at napapikit.
Gusto na niya sana pang makapagpahinga nang tumunog ang telepono na nasa lamesa niya. Agad niya iyon sinagot.
“Good afternoon, This is Perse—”
[Get ready, I have a lunch meeting to attend.]
Napasigaw na lang sa loob si Persephone sa inis. Agad niyang inayos ang sarili, at mabilis na kinuha ang gamit at nagtungo sa opisina ni Ymir.
Pagpasok niya, natigilan siya ng makitang nag-susuot ng coat ang lalaki. Pero mas natigilan ito sa kalmadong mukha na nakasuot ng silver-rimmed glasses na mas nagbibigay pa ng appeal sa gwapo nitong mukha.
“Snap, Percy,” baritonong wika ni Ymir saka ito ngumisi ng mala-demonyo at dahan-dahan lumapit kay Persephone, yumuko para ma-levelan ang mukha nito.
“I know you want to take me right now,” anito na may panunukso. “But we can’t do it now. I have a meeting to attend, pero kung gustong-gustong mo na talaga, we can do a quickie.”
Namula sa hiya si Persephone saka niya malakas na tinulak palayo si Ymir, pero dahil sa laki ng katawan nito ni wala man lang epekto ang tulak ng babae.
Sa halip, niyakap ni Ymir ang braso nito sa bewang ni Persephone. He caresses his lips on Persephone’s neck.
“Do you know how much I missed you, Percy? Ha,” namamaos na wika ni Ymir. Umatras ito ng bahagya para tignan ng malapitan ang mukha ni Persephone. “You’re still as beautiful as ever. Don’t worry, we still have plenty of time. And I’ll make sure you suffer the way I do the moment you leave me.”
Tuluyang lumayo si Ymir at inayos ang sarili bago tuluyang lumakad palabas ng opisina.
Pigil-hininga ang ginawa ni Persephone. Nanginig ang buong katawan noya at kung hindi lang siya nakahawak sa lamesa, bago tuluyan ng bumigay ang kanyang mga tuhod.
Napakuyom siya ng kamao. “Ymir.”
HABANG NASA LOOB NG SASAKYAN, abala si Ymir sa pagbabasa ng dokumento sa iPad na bitbit nito. Ilang sandali lang ay narating din nila ang hotel at dumiretso sa restaurant.
Doon lang nakahinga ng maluwag si Persephone dahil sa pagpigil-hininga niya sa loob ng sasakyan dahil sa matinding tensyon.
Inutusan siya ni Ymir na humanap ng mauupuan, habang ang lalaki naman ay dumiretso sa isang babae na mukhang kanina pa naghihintay.
“Ymir!” Bati ng magandang babae. Nilapitan siya ni Ymir at nagbeso-beso.
Nakasuot ng dirty white satin long-sleeve polo na naka-insert sa isang fitted na black satin skirt. Nakapusod ang mahaba, kulot na dark brown nitong buhok. May light makeup na mas lalong nagpadagdag sa elegante at ganda nitong itsura.
“Glad you came,” wika ng babae.
“Why shouldn’t I?” Nakangiting saad ni Ymir at inalalayan ang babae na makaupo. “I’ve been eager to see you, Selene. Ang tagal na nating hindi nagkita. How are you?”
Samantala, napakunot naman ang noo ni Persephone na nakaupo sa hindi kalayuan sa kanila, rinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
Ito ba ang lunch meeting na sinasabi niya? Napaismid siya. Dapat ay nasa kompanya na lang siya kesa makita ang date na ito.
Matapos kumain ay akala ni Persephone aalis na sila, pero nanatili siya sa restaurant habang umalis ang dalawa.
Hindi mapigilan ni Persephone na maningkit ang mga mata nang makita ang kamay ni Ymir na nasa likod ng babae habang naglalakad sila palayo.
Ilang minuto na siyang naroon, nakaramdam ng pagkabagot ng makatanggap ng message mula kay Ymir.
[Stay right there. I’ll call you up in thirty minutes.]
Nagulat si Persephone kung saan nakuha ni Ymir ang number niya. Magre-reply na sana siya nang tumunog ang phone niya.
Nang makita ang caller id, kuminang ang mga mata niya.
“Babe!” Tugon niya ng masagot ang tawag.
[Hi, babe, kumain ka na ba?]
“Yep, nasa restaurant ako kasama boss ko. Ikaw? How’s the surgery?”
Rinig ni Persephone ang mabigat na pagkawala ng hininga sa kabilang linya.
[May surgery ulit ako mamaya at four. Napatawag ako para sabihin na baka hindi ako makaabot sa dinner date natin. Pasensya na, biglaan kasi.]
Pilit na ngumiti si Persephone. “No worries, doctor ka e. Busy ang mga doctor. Don’t mind me. We can celebrate it another time naman. Don’t be sorry, okay? Huwag mo ng intindihin ang importante ang surgery mo. Focus.”
[God. I’m so blessed to have you, baby. I love you.]
Tuluyan ng napangiti si Persephone ng marinig iyon. “I love—”
Bago pa matapos ay narinig na niya sa kabilang linya na tinawag na si Lionel ng kasamahang doctor kaya agad na nagpaalam ito at binaba ang tawag.
Napahinga naman ng malalim si Persephone.
NASA hotel room si Ymir, pinagmamasdan ang tanawin na kita sa floor-to-ceilling glass wall habang nakaupo sa kabilang upuan si Selene.
“The girl on the other table, siya ba ‘yon?” Tanong ni Selene.
“What do you mean?” Kunot-noong tanong ni Ymir.
“Oh com’on, Ymir. Kahit na ilang taon akong wala sa bansa, I still know everything about you. Well, of course with Louis’ report,” she chuckled. “So, siya ba ‘yong adopted sister na sinasabi ni Louis?”
Ymir’s eyes darkened. “Adopted sister?” He chuckled darkly. “Maybe it was. But not anymore.”