“Hey, Cy, bar tayo mamaya after ng orientation?” tanong ng ka-dormmate nitong si Yanna na kasalukuyang nagme-makeup at naghahanda para sa darating ng company orientation nila.
“Hard pass, may date kami ni Leon!” kinikilig na wika ni Persephone saka ito dumiretso sa cabinet niya para kunin ang OJT uniform at nang makapagbihis na rin.
“Luh, ever since na nagka-boyfriend ka na, hindi mo na kami sinasamahan!” maktol ni Alleah na isa pa niyang dormmate.
Sa iisang room, apat silang nandoon. Hindi naman maliit ang kwarto kaya kakasya kahit walo sila. Maayos na nakahilera ang dorm beds. Nasa itaas ang kama at nasa ibaba ang study table at sari-sariling cabinets. Sa gitna ng kwarto ay may mahabang lamesa para sa kanilang dinning area. May mini kitchen rin, refrigerator, microwave at rice cooker. Sa gilid ng entrada ay may dry and wet bathroom. Medyo malaki rin ang balcony nila para sa kani-kanilang labahan.
“Oo nga, Cy. Dapat naman bumawi ka sa ‘min,” nakangusong saad ni Yanna. “Hindi natin alam, baka ito na ang huling bonding natin after graduation.”
Napasimangot si Persephone. Ilang buwan na lang ay graduation na nila. Balak ni Kimberly at Yanna na mag-abroad, at si Alleah naman ay tutulong sa family business nila.
Balak niya ring mag-abroad, magpakalayo. Pero sa ngayon, masyadong komplikado pa ang sitwasyon niya.
“Hoy, bilisan niyo na d’yan at mag-aalas nyube na!” sigaw ni Kim kaya naman ay dali-dali ng kumilos ang magkakaibigan at nagmamadaling pumunta sa kompanya.
Habang naghihintay sa loob ng meeting room. Narinig ang mga bulung-bulungan mula sa mga kasamahan nilang interns, kaya maging ang mga kaibigan ni Persephone, ay nakisali na rin.
“Alam niyo ba, narinig ko ang partner ni Sir Louis sa kompanyang ito e kasing hunk niya!” wika ni Yanna.
“Gwapo rin daw, hot at sexy, uhh! Paniguradong masarap sa kama.” dugtong ni Alleah.
“Bibig mo, Alleah!” suway ni Kim. Napahagikgik lang si Alleah.
“Isa pa, pinakamayamang bachelor raw ngayon sa bansa at sa edad na thirty, wala pa rin daw babaeng nakakalapit sa kanya.”
Napailing na lang si Persephone sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya, saka niya inabot ang cellphone para i-text ang boyfriend nitong si Leonel. First anniversary nila ngayon kaya magkikita sila para maghanda.
Persephone: I can’t wait to see you!
Pero ilang minuto na ang nagdaan ay wala pang reply si Leonel. Hindi na pinansin ni Persephone iyon at baka busy sa internship sa medical school.
“Nakikita lang siya sa personal, pero kahit anong data, wala sa online,” bulong ni Yanna, halatang interesado sa amo nila.
“Pagkakaalam ko, dadalo siya ngayon para makita tayo! Geeesh! Nae-excite ako!” kinikilig na wika ni Alleah.
Ilang sandali lang ay natahimik ang buong paligid nang bumukas ang pintuan ng meeting hall. Napalingon ang halos twenty na interns at nakita nila ang pagpasok ng isang lalaki.
“Shemay! TDH!” bulong ni Yanna, saka nito niyuyugyog si Persephone na katabi nito.
“TDH?” takang tanong ni Kim at inayos ang eyeglass na suot, ang mga mata’y diretsong nakatingin sa lalaking pumasok at eleganteng naglakad sa harapan at gitna ng meeting hall.
“Tall, Dark and Handsome!” kilig na saad ni Yanna.
Ang lalaking nasa harapan nila ngayon ay matangkad matipuno ang katawan at maskulado, pero sapat lang para mapakita ang toned body nito sa fitted white polo nitong suot. Nakabukas ang dalawang butones, kaya kita ang matigas nitong dibdib.
Hindi gaanong moreno, pero hindi rin mestizo. Tama lang ang pantay ng kulay ng balat. Bahagyang magulo ang itim na itim na buhok na bahagyang basa pa, at mas nakakakilabot ay ang mga matang matalas at malamig.
Persephone’s breathing became shallow. Nanginig ang buo niyang katawan ng makita ang lalaking nasa kanyang harapan.
At nang tumama ang tingin nito sa kanya, ramdam niyang hihimatayin na siya sa labis na takot.
Doon niya napagtanto na ang kaibigan ni Louis Saavedra ay walang iba kundi si Ymir Sebastian Salvatore.
Paano niya nagawang kalimutan ang bagay na iyon? Sabay-sabay silang lumaki.
“Good morning, everyone,” he greeted with a smile, but his voice deep making everyone shivers, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement.
“Louis is not here to formally meet you guys due to his business trip to London, so he personally asked me to meet all of you...” Ymir scans his eyes around and paused the moment he spotted Persephone. Mas lalong lumawak ang ngiti niya ng makita niyang nakayuko ang babae at iniiwasan na makita siya.
Something in him stirred. Sa kabila ng galit at pagkasuklam niya sa pag-iwan sa kanya ni Persephone, naroon ang pananabik na limang taon na niyang nararamdaman.
“Our company might be small as of now, but we’re thriving,” he spoke gently. “I hope with all of you, can help our company to boost, and for you too to learn something from a start-up business.”
Tahimik na napaismid si Persephone sa kinauupuan niya, habang naglalaway na ang mga kaibigang nakatitig sa lalaki.
Anong small? SS Company is leading among the newest companies in the country. Ibig sabihin, sa tatlong taon pa lang nito sa industriya, ang SS Company ang may pinakamabilis na pagtaas ng profit at maging ang market value rin nito ay tumaas sa loob lang ng dalawang buwan.
Marami ang gustong makapasok sa SS Company dahil sa mabilis na pag-angat ng kompanya. Iyon ay marahil isa sa may-ari pala ng SS ay si Ymir Sebastian Salvatore—ang kinakatakutan sa business industry.
“Napaka-anghel...” bulong ni Yanna.
Angel? Gustong matawa ni Persephone. Malamang ay hindi nila kilala ang lalaki kaya nasasabi nilang anghel ito. But beneath that mask of his, isang demonyo ang nakatago—mas masahol pa kay satanas.
Matapos ang orientation at kaunting company tour ay dinala na rin sila sa kani-kanilang department na na-assign.
Kimberly and Persephone assigned at Marketing department dahil pareho silang Marketing students, while Yanna assigned at Financing Department, dahil isa siyang Finance student, habang si Alleah naman ay nailagay sa accounting department.
Hindi man magkakasama ng department, ay nasa iisang kompanya naman sila.
Sa kalagitnaan ng department orientation ay lumakad ang isang maganda at sexy na babae. Nakapusod ang mahabang buhok at may suot na graded eyeglass.
“Excuse me, Mr. Fajardo,” magalang na wika ng babae. “Can I have Miss Persephone Ruales, please? Mr. Salvatore want her in his office now.”
Nang marinig ni Persephone ang pangalan niya, kumabog ang dibdib niya, nanginig ang buong katawan lalo na ng malamang gusto siya nitong makita sa opisina nito.
Tinawag ni Mr. Fajardo si Persephone at agad na pinalapit sa babae.
“And by the way, Mr. Fajardo, Mr. Salvatore wants her in secretarial department. From today on, she will be Mr. Salvaroter’s assistant.”