Orfeo isang mabait na kapatid, maunawain at mapagmahal sa magulang. Sa kabila ng pagiging martir sa mga nakaka kilala.

669 Words
Pinipilit ni Orfeo na kalimutan ang mga alaala na mahirap intindihin sa kanyang isipan. Ang mga kasama sa loob ng tahanan at mga kalahi niya ang turing sa kanya na isang malas sa kanilang lahi. Isang kalahi na walang anumang pagbabago sa kanyang buhay. Hindi katulad ng kanyang mga kapatid na nagkaroon ng pagbabago. Simula ng ito'y tumuntong sa edad ng pagbibinata nito. Iyon marahil ang pagkakaiba niya sa kanyang mga kapatid. Ang alam lamang niya na hindi pa hinog ang kanyang kapangyarihan taglay. Sa halip mas itinutuon na lamang ng binata sa kanyang pag-aaral at itinutuon sa pag-aaral na pamahalaan ang naka takdang tungkulin na ipagkakaloob dito. Subalit sa kabila ng pag-limot panandalian sa kanyang natatanging kapangyarihan bilang isang bampira. Hindi niya maiwasan na magtanung sa kanyang mga magulang. At sa mga nakakatanda dito. Alam ni Orfe na may itinatago ang kanyang magulang sa kanyang pagkatao. At iyon ang hinala nito matagal na, ng siya ay bata pa lang. Batid niya na dapat bata pa lang makikita nito ang kakayanan bilang bampira ng kalahi. Ngunit sa kanyang katayuan, tila mailap sa kanya ang kapalaran. Dahil ni wala siyang nakikitang pagbabago nang siya ay bata pa lamang. At hanggang sa umabot sa edad na 21 taong gulang. Tila wala pa din nakikitang pagbabago sa kanyang katawan at maging sa kanyang kakayanan bilang bampira. Nais man alamin ang buong pagkatao nito, sa kabila ng mga kalahi na nasa paligid niya. Alam niya na nagdududa ang ibang kalahi nito na isa siyang tao na pinalaki ng mga bampira. Ito ang iilang mga naghihinala sa pamumuno ng kanyang ina si Olga. Na sila ay nalinlang sa panahon na nangangailangan sila ng pinuno na kayang ipagtanggol sa mga kaaway nilang Bampirang Pula na tinatawag na Krassny Vampir. Sa pagkakataon na iyon, tila umaayon ang pagkakataon na malaman ang buong katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao. Sa hindi inaasahang madinig na dalawang nilalang nag-uusap sa kanilang hardin sa mansyon. "Manang may nalalaman ba kayo, tungkol sa pagkatao ni Orfeo." Tanong ng isang hindi nakilalang tauhan. "Bakit mo ba na itanung ha?" wika ni Manang na isang taga silbi sa pamilya V. "Basta manang sagutin niyo na lang po ang tanong ko. May alam ka ba sa pagkatao ni Orfeo?" unknown guy. Hindi malaman ng matanda kung ano ang isasagot sa kausap nito. Batid niya na maraming kalahi nila ang nagdududa sa pagkatao ng kanilang senyorito. Batid nito isa sa mga kalaban ng pamilya V. Ang nagnanais na malaman ang tunay ng pagkatao ng bunsong anak ng pamilya v. Napapansin ng iilang mga kasama sa loob ng mansyon ang bulong-bulongan sa mga nakakilala sa anak ng mag-asawang Baldassarre at Olga na isa itong tao at hindi bampira na kalahi nito. Halos alam na ang lahat ang tungkol sa balitang kumakalat sa kanilang puod na isang tao ang isa sa mga anak ng pamilya v. Maliban na lamang sa mag-asawa na Baldassarre at Olga sa totoong lihim ng pagkatao ng kanilang anak. Alam ng mga ito, na iyon ang magiging resulta sa oras na hindi pa nakikita ang kapangyarihang taglay ng kanilang anak. Ang palabasin na isang mortal at hindi kagaya nilang mga immortal. Sa pagkakataon na iyon, tila naiinis ang mga kapatid ni Orfeo ang mapagbintangan na isang traydor sa kanilang lahi, ang magpalaki ng isang nilalang na kaaway ng kanilang lahi. Ang mga tao na pumapatay sa kanilang mga bampira. Nais nilang ipagtanggol ang kanilang ina sa mga kalahi nila na hindi sila kaylan man naging traydor sa kanilang lahi. Bagkus isa silang biktima din sa mga pagkakataon na hindi pa maipakita ang buong kapangyarihan taglay ng nakakabatang kapatid nito. [♡♡♡Manang: Isa pong paalala lamang, Sa lahat ng nagbabasa ng Story na ito ay maraming salamat po sa inyo. At kung may nakikita po kayo na mga maling typos. Ipagpaumanhin po sana ninyo mga kaibigan. Mangyari po lamang ipaalala ninyo po sa akin, dito sa pagbibigay ng inyong hinuha sa aking kwento na ginawa.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD