Olga

2590 Words
Siya ang tumatayong ilaw ng tahanan sa pamilyang Vampire Family. At isa ding lider ng kanilang lahi. Tinaguriang "Good Vampire". Iginagalang ng mga lahing bampira at ng iilang kabilang sa kanilang lahi. Siya din ang head of family ng buong angkan na mga bampira. Nagmula sa bandang russia ang pamilya ni Olga. Nagsimula pamahalaan ni Olga ang pagiging Reyna na mga bampira. Noong 75 yrs ago. Ibig sabihin pitum po't limang taon na nakalilipas at sa panahon na iyon. Ang asawa ni Olga si Baldassarre ang siyang naging katulong niya sa pagbuo ng pamilya na kanilang pinapangarap. Nabiyayaan sila ng mga supling sina Alfonso, Eliseo at ang bunso si Orfeo. Habang lumalaki ang mga anak ng mag-asawang Baldassarre at Olga. May mga natatanging ugali at kakayahan ang bawat anak ng mag-asawa. Ang nakaraan sa buhay ni Olga Ang pamilya ni Olga ay siyang kilala na pinaka makapangyarihan na mga mambabarang sa panahon ng mga ruso isa sila sa mga natitirang lahi ng kanilang angkan na mambabarang sa panahon ngayon. Noong taon na 1905 nagsimula ang pinaka tatakutan ng lahat na magkaroon ng m******e sa kanilang lugar at tinawag itong Bloody Sunday. Araw ng linggo iyon, masaya ang lahat na naninirahan sa lugar ng Petrograd. maraming mga nagtitinda sa araw na iyon, at maraming nagsisimba sa araw ng linggo at araw ng pamilya din. Ang plaza na tinagurian ng mga ruso ay sentro ng kanilang ekonomiya o pakikipag-kalakalan. Bukod dito ang mga pamilya ay sentro ng iilan para maging pasyalan ng mga bata at matanda. Lahat ay abala sa araw na iyon, walang nag-aakalang may mangyayari na masama sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit sa isang iglap lamang, pagkatapos ng misa sa loob ng simbahan, Dun nag-umpisa ang kinata-takutan ng lahat ang madugong pangyayari na makita ang kanilang mga mahal sa buhay ay tuluyang mawala sa pamamagitan ng walang habas na paulanan ng mga pag-sabog ang naturang plaza, kung saan maraming tao ang naruon. May mga bata na naglalaro, nagtatakbuhan at iba ay masayang nakikita na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit sa iglap nagbago ang lahat sa mga nakikita na nagkalat ang mga patay sa lansangan at mga duguan na natamo sa pagsabog ng mortar at granada na inihagis ng mga hindi nakikilalang mga kalalakihan na sumalakay sa lugar ng mga Petrograd. Mga nasirang mga gusali, at mga kabuhayan, ang mga nakikita na mga sandaling iyon. Maraming mga kabuhayan ang nasira dahil sa mga natamong pagsabog. Hindi malaman ng mga taong naruon na nag-iiyakan at galit ang nadarama sa mga oras, habang nakita nila ang kanilang mga mahal sa buhay ay siyang makikita na wala ng buhay. Tanging mga nagkalat sa daan ang mga duguan at sira-sirang mga kagamitan. Halos ng tao sa pamilihan at plaza ay tilang naglaho ng isang iglap. Ang iba ay sunog sa katawan ang mga natamo ng mga biktima, may iilan ang nakaligtas, mga nakapag tago sa mga lugar na hindi na abot ng nasabing mga pagsabog. Hindi malaman ng kanilang pinuno, kung paano sila, na salakay ng mga kalaban sa mga sandaling iyon. Batid ng iilang namumuno sa Petrograd na mahigpit ang kanilang ipinatutupad na pagbantay sa mga hangganan ng kanilang lugar. Batid ng isa sa kanang kamay ng pinuno na may hudas sa kanilang hanay. Ito ang na iisip ng kanilang mga kasamahan sa konseho. Alam ng pinuno na may iilan na mga kasapi sa kanilang pamahalaan na naglalayon, buksan sa mga dayuhan ang kanilang lugar at upang makipag-palitan ng mga kalakal at kaalaman sa pamamagitan ng pagbubukas na usapin sa ekonomiya. Nais ng iilan na makakuha sila ng mga kaalaman na maaring magamit sa ibang aspeto ng kanilang lugar. Sa pagkakataon na iyon, may mga mata at tila, nagmamasid sa mga taong nagda-dalamhati. Alam nila na unti-unting mabubuksan ang naka saradong hangganan ng mga Petrograd. At iyon ang hudyat upang alamin ang lihim nito. Lihim na kay tagal ini-ingatan ng pinuno na tinatawag na Defender of mankind. Siya ang pinuno na patas kung humatol sa kanyang mga na sasakupan. At isa din maituturing na igina-galang ng lahat na mga tao at iba pang mga na ninirahan sa kanilang lugar na Petrograd. Nais ng mga dayuhan, na alamin ang lihim ng Petrograd. Dahil sa lugar na ito, wala ni isang naglakas na salakayin o agawin ang pamumuno nito. Ermanno Ito ang na-mamahala sa mga sundalo ng Petrograd. At isa sa mga naatasan ng pinuno na maging mapag-matyag at maging matalas ang pakiramdam sa oras na sila ay salakayin muli ng kalaban. Iniutos ng Kapitan na maging alerto sa pagsapit ng gabi, may iilan na balita. At muling sasalakay ang kalaban. Dahil dito pinaka-walan ng kapitan ang mga piling sundalo ng kanilang hanay. Upang mag-bantay sa hangganan ng kanilang lugar. At ipinag-bilin niya sa isang tauhan na gumamit ng kanilang na-tatanging lakas, kung kina-kailangan. Upang ma-protektahan ang kanilang lugar at mga mamayan. Habang ginagawa ng iilang mga sundalo ang kanilang tungkulin, may mga kasapi ng konseho ang nagpu-pulong sa mga oras na iyon. Kasama na ang iilang pangkat ng mga Werewolf, Vampire, witchcraft at mga mortal. Batid ng iilan na ang may kagagawan ng kaguluhan ay ang Pamilya ng Apollyon. Ito ay may na-tatanging kapangyarihan na nagmula sa itim na mahika. Sinasabing guma-gamit ang iilan sa mga dark power ang Pamilya. At ang ipinagtataka nito ng pinuno ng Petrograd, isa lamang pang-karaniwang bampira ang Pamilyang Apollyon. At kung, bakit nagkaroon ng malakas na kapangyarihan? Ito ay mas maganda nating malaman sa mga susunod na mag-tagpo ang mga landas ng magka-ibigan si Olga at ang binatang si Baldassare. Dahil alam ng pinuno ng Petrograd na malapit ng magkita-kita ang tatlong magka-kaibigan isa sa mga araw na sumapit ang ikatlong kabilugan ng buwan. ------- Konseho "Mahal kong mga kasama alam kong tayo ay nagda-dalamhati sa mga sandaling ito, sa hindi inaasahan na naganap sa ating pamilya, kaibigan mga anak. Alam kong masakit dito sa kalooban na may nalagas na mga mahal sa buhay. Ako po ay taos puso na nakikiramay sa inyo. Hindi ko sukat akalain na mangyayari sa atin ang ganitong ma-dugong araw sa ating lahat. Itina-on pa sa araw ng ating kasiyahan, at ma-kasama ang mga mahal sa buhay sa araw ng linggo. Huwag po kayong mag-alala gagawin ko po ang lahat na may managot sa pagpatay sa mga mahal sa buhay natin. Hindi ako titigil na patuloy lamang gumagala ang salarin na ito. Kaylangan niyang pag-dusahan ang mga namatay nating mga mahal sa buhay. Sa ngayon ang tanging ipakiki-usap ko sa mga namumuno sa inyong pangkat na maghanda ang bawat isa at maging preparado sa mga gagawing hakbang na aking ipatutupad. Pan-samantala muna niyong ipag-bawal sa inyong mga anak ang lumabas ng tanahan, at upang maging maayos ang aming gagawing hakbang na madakip ang may sala. At kung madugo ang labanan na mangyayari. Ang lahat ng mga kababaihan at mga anak ay lumikas, kasama ng iilang matatanda. At ang tanging matitira lamang sa ating lugar. Ako at mga sundalo kabilang ang mga napiling mga ha-halili sa mga ka sundaluhan ng ating lugar. Pan-samantala muna kayong manuluyan sa pood ng mga mambabarang. Alam ko ang iba ay takot na mapunta sa lugar na aking sinabi. Nariyan ang pang-ngamba sa inyong isipan na maka-halubilo ang mga mangkukulam na ito. Ako na ang nagsasabi sa inyo. Ang mga taong ito ay mabubuti na nilalang. Hindi sila kagaya ng iba na mahikang itim ang ginagamit. Sa pagkakataon na ito, ito lamang ang mas safe na lugar na hindi pa napapasok ng kalaban natin. Tiyak ako na mapa-pangalagaan kayo ng mga kaibigan kapag naruon kayo sa kanilang puod. At alam ko na ligtas kayo dun sa mga kaibigan na mambabarang. Lipi ng Werewolf "Pinuno, maka sabat sa inyo po. Wala na po bang lugar na ligtas na maaring pag-taguan ng aming pamilya. May iba pa naman na maaring mapuntahan tulad ng kuweba malapit dito lamang sa ating lugar." Emilio Pinuno "Alam mo naman Emilio na walang magtatago sa malapit na lugar kung saan ka naninirahan. Ibig kong sabihin na madali lang kayo na makita ng kalaban, kapag dun mo na isipan mag-tago pan-samantala. Hindi mo ba na maisip maaring mapahamak ang iyong mga mahal sa buhay, kung dun mo sila dadalhin. Isipin mo na hindi lamang pamilya ang iyong kasama, kundi lahi mo. Naunawaan mo ba ako sa aking sinasabi ngayon." Mambabarang "Kung ang iba sa inyo, ay hindi kami tanggap ng inyong budhi. Mas maganda isantabi muna ninyo ang inyong kapa-laluan. Dahil hindi kayo ma-isasalsalba nito, bagkus tanggapin niyo na lamang ang aming alok na pan samantala muna kayong tumira sa aming puod, wala naman mawawala. Kung susubukan niyo, at huwag kayong mag-alala dahil wala ni isa na kaya kayong galawin. Alam niyo ang ibig sabihin ko. Maliban na lamang kung may gagawing hakbang na hindi magustuhan ng aking mga kasama." Mortal "Kaming mga tao na namuhay sa inyo kasama-sama na ng panahon ng aming mga ninuno ngayon ay wala na. At alam ko isa sa inyo ay mga naging kaibigan namin nuon pa. Wala kaming tutol sa maging desisyon niyo pinuno. Ang sa aking palagay naman ay kailangan lamang natin ng pakikipag kooperasyon sa panahon ngayon. Batid natin na ito na lamang ang maari nating mapuntahan sa pagkakataon na ito. Alam ko isa sa inyo, ay nais lumaban para sa mga mahal na nasawi sa pagsabog na ginawa ng mga kalaban. Ngunit isantabi ninyo muna ito, para sa mga anak natin na umaasa maging tahimik at payapa ang ating lugar. Batid kong mahirap magdesisyon sa pagkakataon ito, Ngunit ito na lamang ang ating nalalabing solusyon sa ating problema na kina kaharap. Ni isa na mga kasama nito ay na tahimik sa binigay na suhestiyon ng isa sa kuma-katawan ng mga tao, sa hanay na ito. Ito lamang ang nakakapag pasunod sa iilang mga kauri nito na mga Vampire, Werewolf, at mga witcher. Kahit walang kapangyarihan ang mga tao, batid nila mas kapaki-pakinabang ang mga mortal na kagaya ng Pamilya na Sterling. Sa mga pagkakataon na pare-pareho ang kanilang mga nasa isip ang maka pag higante sa mga nilalang nagpa sabog sa kanilang mga puod batid nitong mag-handa muna sila bago pa isa katuparan ang balak na paghihiganti sa mga kalaban nito. At mailigtas ang mga mahal sa buhay sa isang ligtas na lugar at hindi kayang puntahan ng iilang mga kalaban. Habang nag babalak ang iilan sa pag-salakay sa mga kalaban nito, nagpalabas ng kautusan ang pinuno ng mga kalaban na magmasid muna sa paligid nito, at saka gagawa ng hakbang na muling salakayin ang haganan ng Petrograd. Upang sa ganun malaman nito ang pinagkaka tagong lihim ng lugar na mga mortal na naninirahan sa lugar ng Petrograd. Batid ng kalaban na may nakatagong kayamanan ang mga Petrogradnian sa mga sandaling nabalitaan sa isang dayuhan na nagmula sa lugar ng mga mortal. Alan nito na may higit na nakatagong lihim sa lugar na ito. Naisip ng isa sa mga pinuno ng mga bandido na si Rigor na may mas malalim na dahilan ang kanyang nais tuklasin noon pa siya binata pa lamang. At narinig niya sa mga bali-balita na ang lugar ng Petrogradnian ay may naka paloob na hiwaga. Iyon nga ang hindi maalis sa isip ng bandido si Rigor ang tuklasin nito ang hiwaga na bumabalot sa mga naninirahan dito. At ang pagkakataon na iyon ang pinaka hintay niya ay dumating sa isang mahiwagang nilalang na nagmula sa lipi ng mga mahikang itim. Sa katauhan ng Pamilya Apollyon. Sa paghingi ng tulong nito sa kanya, na pasukin ang lugar ng Petrogradnian upang alisin ang isang tao sa pamumuno nito. Upang sirain ang pagtitiwala ng mga nasasakupan nito. At ang pagpalit sa pamumuno ay ang nasabing si Don Juanito nais ng taong ito na siya ang mamahala sa lugar na iyon. Malaki ang ma-itutulong nito sa pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan na mga mambabarang na guma-gamit ng mahikang itim. Sa pagkakataon din iyon ay kayang sakupin ang iilang kalapit na lugar ng mga Petrogradnian at mapalawak ang pakikipag palitan ng kalakalan sa ibang lugar. Dahil sa laki at payapa ang lugar ng mga Petrogradnian nais kunin nito ng matanda at pamahalaan ang nasabing lugar. Rigor Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa isang kagaya ni Don Juanito Apollyon sa pagkaka taon na magkausap kami sa aking puod. Alam kong may naka tagong lihim sa matanda at iyon ang mas dapat kong alamin, upang malaman ang motibo nito sa pagsakop sa lugar na sinasabing mahiwaga. Ang alam ko lamang iyon ay kwentong barbero sa mga matatanda ang lugar ng Petrograd. Ngayon ay isang lugar kung saan may naninirahan na mga nilalang may buhay. Ang akala ko noon ay isang kwento lamang na hindi nag exist sa totoong mundo ng mga tao. Iyon pala ay may katotohanan sa likod nito. Maganda ang lugar na Petrograd, masasabing progresibo ang pamumuhay ng mga tao dito. Tahimik at maganda ang lugar nasa mataas na bundok ang mga naninirahan dito malawak ang mga bulubundukin. Makikita ang mga naglalakihang puno at mga halaman dito. Mga hayop na nakikita lamang sa mga zoo ay tiyak na makikita mo sa lugar ng Petrograd. Malamig ang klima dito at masasabing kay sarap manirahan sa lugar na kagaya sa nabanggit ang lugar ng mga Petrogradnian. Siguro ito ang dahilan ng matandang Apollyon na masakop ang lugar na ito, upang magawa nito na baguhin at makikilala ang lugar na mga naninirahan dito. Nais nito na gawing siyudad ang lugar ng Petrograd upang sa ganun mas maging progresibo pa ito sa hinaharap. Kaya ito ang nasa isip nito, habang kausap ang matanda. Hindi batid ni Rigor na may mas malalim na dahilan ang matandang don sa nasabing lugar ng mga bampira. Ngunit tahimik lamang ang matanda at pinag-aaralan nito ang bawat kilos ng kausap, upang malaman nito ang nasa isip ng binatang si Rigor. Alam ng matanda na may pagka tuso ang kausap niya, at sa pagkakataon iyon maunahan niya ang binabalak nito sa kanyang mga desisyon. Sa kabilang banda patuloy na gumagala ang mga tauhan ng pinuno na nagmula sa Petrograd upang alamin ang mga nilalang sumira sa kanilang lugar. Habang may iilan din naman na utusan ng kalaban ang alamin din ang gina-gawang pagpla plano ng mga Petrogradnian sa kanila. Batid ng pinuno ng magkabilang panig na hindi titigil na malaman nito ang bawat laro na dinulot ng kalaban nito sa mga naninirahan sa Petrograd. Gayundin sa namumuno dito, alam nito na gagawin ang lahat na makakaya mahuli ang salarin sa pagsira ng hangganan na itinayo ng mga bampira. At sa sandaling iyon ang naging hudyat ng magkalaban na nagsimula ang bawat kinata-takutan ng lahat ang lagim ng gabi para sa mga bampira. Lagim ng gabi na mga bampira, ang tukuyin ang salarin sino may gawa sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay ng araw ng linggo sa pamamahinga ng iilan. Maging mga tao ay nadamay sa pagitan ng dalawang mag-kalahi ngunit magka-iba ang paniniwala sa buhay. At nakita ng isa sa mga tauhan ng pinuno na mga bampira na may kahina-hinalang nilalang na pumasok sa kanilang puod. At hangang sa........... ----------------- Time check 3:15pm gnsytn....yah...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD