“Lola na ako soon! Pupunta kami dyan ni Javier, hintayin lang ninyo. Ano gusto mong kainin? Para madala na namin d’yan at makabuli sa daan,” sagot ni Mommy Mardy matapos namin makapag-usap sa cellphone. “Wala po, kahit ano lang po. Ingat kayo ni Daddy,” paalam ko kay Mommy, bago tinapos ang aming tawag. Kakauwi lang namin ng bahay, makalipas ang halos dalawang araw na pananatili namin sa hospital. Twenty four hours lang dapat kami doon, kaso nag request si Jr., nakiusap ang aking asawa sa mga doktor na observe muna kalagayan ko. Base sa itsura nito, halata ang labis na pag-aalala. “Anong sabi nila Mommy?” tanong sa akin ni Jr. “Papunta na daw sila dito,” sagot ko sa aking asawa na tumango lang. Pero hindi pa nakakarating sila Mommy dito, may tumawag kay Jr., nagkakamot ito ng ulo

