Karga ko ang bata na isang buwan pa lang magmula ng ipanganak ko. Ako at sina Mommy at Daddy ang nag-aalaga kay Third. Malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Mahirap, dahil iba ang sitwasyon ko sa iba. Minsan, naisip ko na mas mabuti pa ang namatay ‘e, may libingan na pwede mo iyakan sa oras na namimiss mo. Pero yung bigla na lang hindi na bumalik, yun ang mas masakit. Dahil parang araw-araw mauubos ang hininga ko, kakaisip kung ano ba ang nangyari sa asawa ko, bakit hindi na siya bumalik pa. Halos pitong buwan ng nawawala si Jr., nakipag-ugnayan na sila Daddy sa PNP, may private investigator na rin na kinuha, pero puro lead lang, walang maituro na nangyari. “Umiiyak ka na naman,” malambing na sabi ni Mommy, sabay tabi sa akin ng upo, “akin na nga muna si Third, baka mabinat

