CHAPTER: 7

1100 Words
Pagod na pagod ako nang makauwi. Parang nashock ang katawan ko. Ang batok, likod, at ulo ko, ang sakit! Tapos sobrang lamig pa sa opisina dahil sa centralized aircon. Pagka-alis ko ng sapatos, diretso higa na sana ako, pero hindi ko kaya. Ang bango ng bahay, amoy pagkain, amoy luto ni Mama na may konting pampalasa lang pero napakasarap. “Anak, bangon na diyan! Kumain ka na muna. Nagluto si Klea, masarap anak! Tinuruan ko na,” sigaw ni Mama mula sa pintuan. “Sige po, mamaya!” sagot ko. Nakakaramdam ako ng gutom, pero wala pa ring epekto sa pagod ko. Parang ang bigat-bigat ng katawan ko. Kaya't naghubad ako ng aking damit. Naligo ako ng mainit na tubig, para mawala man lang kahit konti ang pagod at sakit ng aking ulo. Pero kahit anong init ng tubig, ang pagod, nanatili pa rin. Habang nakahiga sa kama, paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko ang nangyari sa buong araw. Mga meetings, emails, at puro trabaho. Hindi lang pala pagod sa katawan, pati utak ko pagod na pagod na rin. Parang ang dami-dami kong iniisip, responsibilidad, pag check ko kanina, wala na pala akong pera. Naalala ko, nagbigay pala ako kila Mama ng pambili ng gamot na maintenance nila. Pumikit ako, para sana makatulog, pero ang hirap habulin ang ilap. Halos buong gabi akong gumulong-gulong sa kama. Siguro dahil nagugutom ako. Nagulat nga ako, may gatas sa ibabaw ng lamesa dito sa loob ng silid ko. Siguro, si Papa ang naghanda. Kahit hindi na nakakalakad si Papa, lagi pa rin niya ako inaalala. Mula noon hanggang ngayon, tuwing gabi, pagtitimpla pa rin niya ako. Sa wakas, nakatulog din ako. Pero hindi naman maayos. Panaginip ako nang panaginip, tapos bigla na lang akong nagigising. Pagkagising ko, pagod pa rin ako, pero hindi na masyadong mabigat. Para akong zombie na pumasok sa banyo para maligo. “Ay putcha! Ang lamig!” malakas na sigaw ko sabay talon sa bawat pagbuhos ko ng tubig. Pero kahit papano,kahit nanginginig ako sa lamig, nabuhay ang diwa ko. Kaya't nag-ayos na ako ng aking sarili. Paglabas ko ng aking silid, napangiti ako habang pinagmamasdan si Mama na nag-aasikaso ng almusal. Si Papa naman, nagkakape sa gilid. Kahit matanda na sila, pilit pa rin sila kumikilos. Dahil sabi nila, ayaw nila maging pabigat. Medyo nakaramdam ako ng parang mainit na haplos sa puso ko. Kaya nga lahat ginagawa ko, para maging maganda buhay nila habang nandito pa sila, kasama ko. “Anak, gising ka na pala! Teka, paghahanda kita ng gatas,” nakangiti na sabi ni Papa. Hawak niya ang gulong ng wheelchair at pinatakbo patungo sa lagayan ng mga tasa. Gusto ko man pigilan ito, dahil alam ko na nahihirapan na siya. Ayaw ko isipin niya na wala siyang silbi. Gusto ko maramdaman niya na kailangan ko pa rin siya, sila ni Mama. Dahil totoo, habang buhay ko sila kailangan, dahil magulang ko sila. “Opo Pa, naubos ko nga kaninang madaling-araw ang gatas na timpla mo. Grabe ang daming gawain kasi sa opisina, kaya wala akong gana kumain kagabi. Salamat Pa!” nakangiti na sabi ko sa aking ama. “Oo, naalala ko kasi anak na hindi ka kumain. Kaya nagpatulong ako na bumangon sa Mama mo. Kahit papano, mahalaga may laman ang sikmura mo. Sanggol nga nabubuhay kahit gatas lang,” kwento ni Papa. Naghain na si Mama ng almusal, magana akong kumain dahil gutom talaga ako. Pagkatapos, nag sipilyo lang ako ng ipin at nagpaalam na ako na papasok na sa trabaho. “Good morning, Ma’am!” karaniwan na pagbati ng security guard. Ngumiti lang ako bilang paggalang sa kanila at pagbati pabalik. Diretso ako sa loob ng opisina at laking gulat ko, may isang bulto ng katawan ng lalaki. Malayo kay Mr. Castillo na matanda na at bagsak na ang balikat, ang isang ito ay bakat na bakat ang maskuladong katawan sa kanyang suot na white long sleeve. Napaurong ako ng gumalaw ito at imulat ang mga mata. Isang pares ng kulay brown na mga mata. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, manipis at mapula ang mga labi. “G–Good morning, Sir.” pagbati ko na medyo nakakailang. Diretso ako sa aking lamesa sa gilid lang, malapit sa pinto. Ang pagtatangka ko na maglinis na bandang table ng Boss, hindi na nangyari. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Na para bang may pakiramdam ako na may ginawa akong mali, na hindi ko matukoy. “You're here already, Mardy! Come, I'll introduce you to my son,” napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Kaya pala kamukha nila ang lalaki kanina. Kapatid siguro ni Jayvee. Kaya tumayo na ako at lumapit sa matanda. “Miss Cornelio. This is my son, Javier. Siya ang magiging Boss mo,” pagpapakilala ng matanda sa amin. Pormal na nakipagkamay ang bago ko na Boss at ramdam ko ang init ng palad nito, kaya't bigla ko nabitawan na para bang napaso ako. “Okay! Sana magkasundo kayo. So paano, maglalaro pa kami ng golf. Mauuna na ako, Mardy.” ngumiti lang ako sa matanda na nagpaalam. Katulad ng naunang mga araw, ginawa ko kaagad ang aking mga trabaho. Pero hindi ko alam kung bakit parang naiilang ako ngayon. Para bang may mata na nakamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko na lang pinag-ukulan ng pansin at nag pinagpatuloy ko ang pagtipa ng mga letter na pinapagawa sa akin sa computer, na isesend sa ibang companies. “Miss Cornelio, Get me a coffee. Now!” nagulat pa ako na nakatayo na pala si Jayvier sa harapan ko. Masyado akong focus sa aking ginagawa. Kaya napatayo ako kaagad at naglakad papunta sa pantry. “Ito na Sir, may utos ka pa po?” tanong ko dito. “Fvck! Anong lasa nito? Bakit ang tamis! Ano ‘to?” malakas na sigaw nito na nagpabilis ng takbo ng aking puso. “Wala ka naman sinabi Sir kung less sugar or what,” nakangiti na sagot ko sa lalaki kahit kinakabahan na ako ng sobra. “Sana nagtanong ka!” malakas na sigaw din nito. “Okay, timplahan na lang kita ng bago, po!” sarkasiko ang tono ko pero nakangiti pa rin. Kaya ang ginawa ko, dinagdagan ko ang kape. Nilagyan ko ng dalawang kutsara at walang asukal. Nakangiti na nilapag kong muli sa lamesa ng aking Boss. “Fvck! Bakit sobrang pait?” mura na naman nito. “Matapang Sir, para kaya kang ipaglaban,” nakangiti na sagot ko. Tumayo ang lalaki at tinulak ng malakas ang kanyang upuan. Pero kinabahan ako ng humakbang ito papalapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD