Isang linggo na mahigit ang lumipas. Akala ko'y tuluyan na akong nalimutan ni Mr. Castillo. Nawalan na ako ng pag-asa. Nagdadalawang-isip ako kung tatawagan ko ba ang matanda sa kanyang personal number na noon pa niya gamit.
Pero ayaw ko naman mangulit, isa pa ay nakakahiya. Baka sabihin, masyado akong feeling. Ayaw ko rin makaabala. Kaya't wala akong magawa kundi ang maghanap ng job fair online.
Hindi ako pwedeng manatili lang na nakatunganga. May mga gamot na kailangan ma-maintain para sa aking mga magulang, at unti-unting nauubos ang natitira kong pera sa bangko.
Bawat araw mas lalo akong stress, dahil nandito na rin ang pamangkin ko na kinuha na kaagad nila Mama sa ina nito. Kaya't nadagdagan ang kunsumo namin sa bahay.
Naging abala ako sa paghahanap ng trabaho. Mula umaga hanggang gabi, ang mga mata ko'y nanlalabo na sa pagbabasa ng mga online job postings. Ang pagod ay nararamdaman ko na sa aking laman.
“Sh*t! Rayuma na ba ito?” napapangiwi ako sa aking iniisip. Ano ako, virgin na may rayuma. Ang saklap naman!
Napa-iling na lang ako ba muling hinarap ang computer. Dahil takot ako, na hindi makahanap ng trabaho. Kailangan ko ng pera, dahil paubos na ang ipon ko.
Isang umaga, habang naliligo ako, bigla na lamang sumigaw ang aking pamangkin na si Klea. “Tita! Tumutunog ‘yung cellphone mo!” sigaw niya mula sa sala.
Naiwan ko pala ito doon sa pagmamadali ko. Agad akong lumabas ng banyo.
Kinakabahan kong kinuha ang cellphone. Isang missed call mula sa isang hindi kilalang numero. Sinubukan kong i-dial ito pabalik. Ang bawat segundo ay parang ang tagal. At sa wakas… may sumagot na.
“Hello?” nauutal kong tanong.
Isang pamilyar na boses ang sumagot, “Ms. Cornelio? This is Mr. Castillo from Castillo Enterprise.”
Natulala ako. Hindi ako makapaniwala. Ang tawag na ilang araw ko nang hinihintay ay sa wakas ay dumating na.
“O–Opo, Mr. Castillo!” ang tanging nasabi ko.
Pagkatapos ng tawag, hindi ko na napigilan ang aking sarili. “Working Tita na ulit! Yes!” sigaw ko sa tuwa.
Muntik ko pang mabitawan ang cellphone sa loob ng banyo. Napabuga ako ng hangin. Para akong nanalo sa Lotto. Pero bakit parang iba ang boses ng kausap ko kanina? Iba din naman ang boses ng matanda sa personal, malambing. Hindi katulad kanina, parang walang emosyon.
“Tita! May sabon pa po ang buhok mo,” nagulat ako sa sinabi ni Klea, kaagad akong bumalik sa banyo na inabot ang cellphone sa kanya. Mabilis lang ako nag banlaw ng buong katawan habang kumakanta, dahil infairness ang saya ko today.
Diretso ako sa aking silid at doon ako namili ng mga damit na isusuot ko sa trabaho. Isang simpleng puting blusa at itim na palda ang napili ko. Klasiko, presentable, at komportable. Pinatungan ko ito ng blazer.
Napangiti ako matapos isukat ang damit. Pero habang pinagmamasdan ko ang aking repleksyon sa salamin, muling bumalik sa aking isipan ang boses sa kabilang linya kanina. Ang lalaking nakausap ko sa kabilang linya.
May hawig nga sa boses ni Mr. Cruz, ang dati kong Boss. Parehong malalim at may kaunting pagka-husky. Pero may kakaiba. Mas malago, mas may tiwala sa sarili ang boses ng lalaki sa telepono na may pagka-malamig.
Parang may kakaibang karisma na hindi ko maipaliwanag. Napabuntong-hininga ako. Parang pamilyar kasi, hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.
Ipinilig ko ang aking ulo, pilit na inalis ang mga katanungan sa aking isipan. Kailangan kong mag-focus sa trabaho ko bukas. Marami akong gagawin ngayong araw.
Paglabas ko ng aking silid, ibinalita ko kina Mama at Papa ang nangyari.
Kinabukasan, pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ng abalang kapaligiran. Mga nagmamadaling empleyado, nagri-ring na telepono, at ang paulit-ulit na pag-type sa keyboard.
Sinalubong ako ng babae na nagpakilala na dating sekretarya ni Mr. Castillo. Ginaya ako niyo papasok sa magiging lamesa ko, halos kalapit lang ng lamesa ng Boss ko.
Sinubukan kong mag-concentrate sa aking mga gawain na isang tambak, pero ang boses sa telepono ay parang multo na sumusunod sa akin. Parang kinikilabutan ako.
Tsaka, bakit ganito naman katambak ang mga gagawin ko. Parang may lihim na galit sa akin ang matanda na ‘yun.
Habang nagtatrabaho, napailing na lang ako. Mukhang kailangan kong magtanong kay Mr. Cruz. Baka sakaling alam niya kung sino ang kausap ko kanina, kung hindi man siya.
Pagdating ng lunch, kumain ako sa pantry, dahil may baon naman ako na kanin ay ulam. Napalingon ako sa pinto, dahil bumukas ito. Niluwa ang matanda na kanina ko pa iniisip.
“Excuse me, Sir. Ikaw po ba ang nakausap ko kahapon?” tanong ko sa matanda na tinitigan muna ako, parang nag-iisip pa ito ng isasagot sa akin.
“Y–Yes, bakit?” nakangiti ng bakakaloko na tanong nito.
“Para po kasi hindi ikaw,” nahihiya na pag-amin ko.
“Oh, really? Marami nga nagsasabi ba ang gwapo ng boses ko. Hahahaha!” sagot nito sabay talikod sa akin.
Medyo ang weirdo ng matanda na ‘to. Nag-uulyanin na kaya siya? Pero, makisig pa naman ito kahit may edad na.
Hanggang sa matapos ang lunch time, nagpatuloy ang maghapon ko sa pagtuturo ng dating sekretarya na next week daw ay magpapakasal na. Kaya pala aalis na sa trabaho. Mapapa sana all na lang talaga ako.
“Miss Cornelio, napiramahan mo na ba ang kontrata natin?” tanong ni Mr. Castillo.
“Yes po, Sir. Nasa former secretary mo na po,” magalang na sagot ko.
“Good! Nabanggit ko ba sayo na next week ang take-over ng anak ko sa aking posisyon? Alam muna, kailangan ko ng magpahinga sa trabaho. Para ma-enjoy ko naman ang benefits ng pinaghirapan ko ng mahabang panahon,” nakangiti na sabi ng matanda.
“Kung ganun, sino na po ang papalit sayo at magiging Boss ko?” nagtataka at kinakabahan na tanong ko.
Pero sasagot pa lang si Mr. Castillo, biglang may tumawag sa telepono nito. Kaya't naputol ang aming pag-uusap. Mukhang importante dahil nagmamadali na lumabas ang matanda sa opisina.