CHAPTER: 5

1142 Words
Hiring: Executive Secretary. Ang kumpanya, Castillo Enterprises. Kinabahan ako ng maalala ang dati kong Boss. Kilala si Mr. Castillo bilang isang mahigpit ngunit matagumpay na negosyante. Mabait ang matanda na bihira makipag-usap sa tao. Pero noon, kahit papano ay nakakausap ko ng maayos. Marami ang nangangarap makapasok sa kanyang kumpanya, dahil malaki ang oportunidad dito. Lalo na kapag matanda na ang nag retiro. Sinuri ko ang mga qualifications. Bachelor’s degree in Office Administration, proficient in English and Filipino, at may karanasan sa sekretaryal na trabaho. Mukhang pasado naman ako! Mayroon akong degree sa edukasyon, matatas ako sa Ingles at Filipino, at may dalawang taong karanasan sa isang taon na karanasan sa pagtuturo. Napangiwi ako, dahil alanganin pala ako. Pero sana, makilala ako ng matanda. Sana lang ay oalarin ako. Kaya't walang pag-aalinlangan, kinuha ko ang telepono at tinawagan ang numero na nakalagay sa anunsyo. Isang malaki, malagong at malamig na boses ang sumagot. "Castillo Enterprises,” "Magandang umaga po," pagbati ko. "Tumatawag po ako tungkol sa anunsiyo ninyo para sa Executive Secretary." "If you meet the qualifications, come here tomorrow morning. Eight o'clock sharp, don't be late. I hate people who waste my time.” medyo nakaramdam ako ng kaba sa boses ng lalaki. Ang chaka naman ng HR nila, hindi friendly ang boses. "Opo! Mukhang pasado naman po ako sa mga qualifications ninyo." "Okay! Submit your resume and cover letter for our review.” "Opo, gagawin ko kaagad." Ibinaba ko ang telepono, parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Nakakatakot talaga ang HR nila. Tinitigan ko pa ang telepono na hawak ko at napangiwi pa ako na ibinaba. Kinabukasan, maaga akong nagising. Excited akong inihanda ang aking sarili para sa interview. Pinlantsa ko ang aking pinakamagandang damit, sinuklay ang aking buhok, at sinigurado ko na ang aking mga dokumento ay kumpleto. Isang sulyap pa sa salamin, matapos ko masigurado na sexy ako at kagalang-galang sa aking suot ay lumabas na ako ng aking silid. Naabutan ko si Mama at Papa na nasa labas na kaagad ng bahay sa bakuran, nag-aalmusal. Humalik lang ako sa kanila at nagpaalam na ako na aalis, maghahanap ng trabaho. Isang jeep at isang sakay ng tricycle bago ako makarating sa pupuntahan ko. Kaya't para hindi ako ma haggard, nag taxi na lang ako. Nang makarating ako sa Castillo Enterprises, namangha ako sa laki at ganda ng gusali. Isang modernong istruktura na nagsasalamin ng tagumpay ng kompanya. Dati, hindi naman ito ganito kalaki at kagara. Sa palagay ko, mas yumaman si Mr. Castillo ngayon, kumpara ng huli kami na nagkita, bago ako mag resign bilang service crew ng burger bliss. Nang makapasok ako sa loob, sinalubong ako ng isang magalang na receptionist. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, tinawag na ako ni Ms. Reyes. Pumasok ako sa isang malawak na opisina, at doon ko nakita si Mr. Castillo. Mas matanda na siya katulad ng inaasahan ko, ngunit ang kanyang mga mata ay pilyo pa rin tumingin. “How long has it been since our last meeting, Mardy?” bungad na tanong ng matandang lalaki sa akin habang nakangiti. “Hindi ko na po matandaan, pero gwapo ka pa rin Mr. Castillo,” magalang na sagot ko sa matanda. “I'm confident you'll excel as my secretary. This meeting is largely a formality. Besides, I wanted to see my best and most diligent former employee again,” napangiti ako at medyo nahihiya sa papuri nito. “Teka, bakit nga pala single ka pa rin?” napakamot ako sa tanong nito. Akala ko pormal pormalan ang drama namin, bigla na lang naging si Mr. Castillo talaga ang kaharap ko. “Hindi ko rin po alam, siguro dahil naging abala ako sa buhay ko at sa pamilya ko,” magalang na sagot ko sa matanda na tumango-tango lang. Ang naging interview o chismisan namin ng matanda ay naging maayos naman. Tinatanong niya ako tungkol sa aking mga karanasan sa pagtuturo. Nasabi ko na magaling naman ako sa computer at halos hindi naman nalalayo sa magiging trabaho ko sa kanya. Sinagot ko ang lahat ng kanyang mga tanong ng buong katapatan at kumpiyansa. Nang matapos ang halo-halong tanong ng matanda, sinabi niya na tatawagan nila ako sa loob ng isang linggo. Niyakap ko ang matanda na parang naging pangalawang ama ko na rin noon. Masaya ako na nakita ko pa rin ang tao na tumulong at malaking bahagi ang ginampanan noon sa buhay ko. Paglabas ko sa building, hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na parang may nakatingin sa akin. Sumulyap akong muli sa kabuohan ng gusali bago ako tuluyan na sumakay sa loob ng pinara ko na taxi. Pero hindi pa ako nakakalayo, pagtingin ko sa pinaka tuktok ng palapag, parang may humawi ng kurtina ng bintana. Ang creepy, may multo kaya sa building na ‘yun? Sana pala nagtanong ako kay Mr. Castillo bakit umalis ang dati niyang secretary. Pagdating ko sa bahay, gutom na gutom ako dahil naipit ako ng traffic. Halos hapon na ako ng makabalik sa bahay. Hindi pa ako makakapag bihis, kumain na ako kaagad. “Kamusta anak ang paghahanap mo ng trabaho?” tanong ni Papa sa akin habang pinapagulong niya ang kanyang wheelchair. “Naalala mo po si Mr. Castillo, ang dati ko na Boss sa burger bliss? Siya po ang Boss ko ngayon. Tatawagan na lang daw niya ako. Siya rin ang nag interview sa akin,” nakangiti na sagot ko sa aking ama. “Ano naman ang trabaho mo doon anak?” tanong naman ni Mama. “Nag apply ako na babae ng matanda, byudo na daw siya ‘e,” pagbibiro ko kay Mama na inambahan ako kaagad ng kanyang tungkod. “Umayos ka Mardy!” saway nito sa akin na matalim ang mga mata. “Hindi ka na mabiro, Ma. Secretary ang pinasukan ko. Sa palagay ko, kaya ko naman. Mas mabuti na rin ito, hahanap na lang siguro ako ng apartment malapit doon. Pwede din na bedspace lang para mas mura,” seryoso na sabi ko sa aking mga magulang. Plano ko na kausapin si Lando, na siya na lang muna ang magbantay sa magulang namin. “Anak, onse anyos na si Klea, ang pamangkin mo. Plano sana namin na dito na lang sa bahay tumira, para may kasa-kasama kami ng Papa mo. Mas malapit din dito ang mga paaralan, ayos lang naman sa kanyang ina,” sabi ni Mama. Si Klea ay panganay ni Lando na sa lahat ng kanyang panganay. Tatlo na kasi ang anak ng kapatid ko, pero sa iba’t-ibang babae. “Edi, maganda kung ganun. Magbibigay na lang din ako ng allowance sa kanya kapag nagsimula na akong magtrabaho ulit,” nakangiti na sabi ko. Kahit papano, may aasahan na ako ngayon na kasama ng mga magulang ko. Mabait na bata si Klea at maliksi kumilos. Dahil laki din sa hirap, katulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD